"HINDI PUWEDE, Atty. Hindi puwedeng mapunta kay Marlon si Gab." Rob insisted but he knows that he can't do anything about it. Nasa korte pa rin ang huling desisyon.
"Let's just hope that the court decides on our favor. For now, I can say that we only have thirty percent chances because we are against the real father," matapat sa pahayag ng abogada.
Pakiramdam ni Rob ay gumuho ang mundo. Paano na lang iyon tatanggapin ni Pau kung ganoon nga ang mangyayari?
Hanggang sa makauwi ng bahay ay dala ni Rob ang alalahaning iyon.
"Daddy Rob!" Tumatakbong sinalubong siya ni Gab pagkababa niya ng kotse. "Why are you here? You didn't go to the office."
"No. I need to attend to some important matters so I decided not to report to work today." Kinarga ni Rob ang bata. "I'm here and we can play for the rest of the day. Don't I deserve a kiss from you?"
Hinalikan ni Gab ang kinikilalang ama.
Pagdating sa salas ay ibinaba ni Rob ang bata. "Where's yaya?"
"She's ironing the clothes," sagot ng paslit. "Daddy, yaya cooked a delicious food. Would you like to try?"
"Maybe later."
"Okay..."
"Gab..."
"Yes, Daddy Rob?"
Biglang hindi napigilan ni Rob ang kanyang emosyon. Niyakap niya nang mahigpit ang paslit at kasabay noon ang pagtulo ng kanyang luha. "I love you, Gab. Don't you ever forget that."
"I love you too, Daddy Rob." Kumawala sa pagkakayakap ang bata at nakita nito ang pagluha ng ama. "You're crying?" nagtatakang tanong nito. "Why are you crying, Daddy Rob?"
"Nothing. I am just happy because you came to our lives. Kami ng Daddy Pau mo, we love you so much. You are our source of happiness. You are our inspiration. You make this house a home," punong-puno ng emosyong bulalas ni Rob.
"Ha?" Napakunot ang noo ng paslit. "I don't understand, Daddy Rob."
"Basta, huwag mong kalilimutan na mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka ng Daddy Pau mo. Mahal na mahal ka namin." Muling niyang niyakap ang paslit. "Kahit ano pang mangyari, anak kita..."
Napatango na lang si Gab sa kabila ng kanyang pagtataka.
***
NASA KUSINA si Shane at tinutulungang magluto si Karing nang dumating si Marlon galing sa trabaho. Hanggang ngayon ay matamlay pa rin ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Sinubukan niyang lumapit kay Shane at humalik pero umiwas ito. Walang nagawa si Marlon kundi tumahimik na lang. Ayaw niyang mas lalo pang magalit ang asawa at baka makaapekto pa sa ipinagbubuntis nito. Minabuti niyang manood na lang ng telebisyon sa loob ng kuwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Nang pagbuksan niya ay nabungaran niya si Karing. "Sir, kumain na po kayo. Naghain na po ako."
"Ang ma'am Shane mo?"
"Nasa ibaba po. Tapos na po siyang kumain."
Nanlumo si Marlon. Kumain ang asawa niya nang hindi man lang siya inaalala. Ano na ba ang nangyayari sa kanilang dalawa? Hindi sila ganito dati.
"Sige, bababa na ako," tanging nasabi niya. Umalis na si Karing at naiwan siyang nakatayo pa rin sa may pintuan na tila napakalalim ng iniisip.
***
KAUSAP NI Rob sa cellfone ang kanyang abogado."Tama ang hinala ko na nag-file nga ng petition to oppose si Marlon. Natanggap ko na kanina ang kopya ng petisyon," pagbabalita ni Atty. Cervando.
Nanlumo si Rob. Malamang na hindi na nga pumabor sa kanya ang desisyon ng korte.
"Do we still have any remedy if the court will not decide on our favor?" Gusto ni Rob na makarinig kahit konting assurance lang mula sa abogada.
"You know the answer, Rob." Ang matamlay na boses ni Atty. Cervando ay sapat nang kumpirmasyon na ang desisyon ng korte ay pinal na.
"Sige, attorney. Salamat." Tahimik na ibinaba niya ang telepono.
"Rob... Anong sabi ni attorney?" nag-aalangang tanong ni Pau na kanina pa nakaabang.
Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya si Pau at tuluy-tuloy na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay papunta sa kanilang silid.
***
NANG SUMAPIT ang takdang araw ng hearing sa petisyon ni Rob ay magkasabay sila ni Pau na pumunta sa RTC. Kasama rin nila si Imelda at Gab. Wala pa rin silang imikan habang nasa kotse. Si Pau ang bumasag ng katahimikan."Hanggang ngayon ba naman ay galit ka pa rin sa akin? Ilang araw mo na akong hindi kinakausap."
Sinulyapan lang ni Rob ang katabi pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Sana bumalik na iyong dating Rob ma kilala ko. Hindi ako sanay na ganyan ka katahimik," muling sabi ni Pau.
Hindi pa rin umimik si Rob.
Pagdating sa RTC ay naroon na si Atty. Jean Cervando. May isa pang abogado na naroon sa korte, si Atty. Eric Alcazar ang abogado ni Marlon.
Nang dumating na ang judge ay nagsimula na ang hearing. At sa hudyat nito ay tumayo ang clerk of court at binasa ang desisyon ng korte kaugnay sa isinampang petisyon para legal na maging ampon ni Rob si Gab.
Hindi na naintindihan nina Rob at Pau kung ano ang sinasabi ng clerk of court. Ngunit isang bahagi ng desisyon ang malinaw nilang naintindihan.
...the court hereby denies the petition of petitioner Robert Fernandez to adopt minor Gabriel Rivera due to the opposition of the child's biological father, Marlon Sandoval.
Parang bombang sumabog sa pandinig ni Pau ang sinabi ng clerk of court. Tahimik na lang itong lumuha. Si Rob ay nanatiling kalmado. Marahil ay inaasahan na niya ang magiging desisyon ng korte. Si Imelda ay nangilid rin ang luha samantalang si Gab ay tila naguguluhan sa mga kaganapan sa loob ng korte.
***
"GOOD NEWS, Marlon! The court denied the petition of Robert Fernandez to adopt your child," pagbabalita rito ni Atty. Alcazar. Kausap niya ngayon sa telepono ang kliyente. "I told you, the court will decide on your favor. Ikaw ang biological father, kaya mas papanigan ka ng korte. The court will always think of the child's welfare lalo na at capable ka naman to support the child.""Thank you, attorney!" Ramdam na ramdam sa boses ni Marlon ang sobrang kasiyahan. Malapit na niyang makuha ang anak niya. Malapit na niyang makasama ito. Kahit na hindi pa rin sila nagkakasundo ni Shane, ipagpapatuloy niya ang laban para makuha ang kanyang anak kay Shiela. "Now, we only need to get a favorable decision para sa petition for custody na isinampa ko."
"That's correct. But don't worry, I'm pretty confident na mananalo rin tayo sa isang iyon. Kung hindi pinayagan ng korte na ampunin ng iba ang bata dahil sa'yo, bakit hindi ibibigay ng korte ang karapatan mong maalagaan ang sarili mong anak?"
Masayang ngiti ang rumehistro sa mukha ni Marlon. "Konting-konti na lang, attorney. Makukuha ko na rin si Gabriel. Makukuha ko na rin ang anak ko."

BINABASA MO ANG
Two Daddies and Me (Completed)
Umorismo"Where happiness ends, reality begins..." Akala nina Rob at Paulo ay puro saya na lang ang buhay sa piling ni Gab na ngayon ay apat na taong gulang na. Hindi nila inasahan na kasabay ng pagkamulat ng murang isipan ni Gab ay ang pagdating ng mga pro...