First Day

2.2K 37 25
                                    

Author's Note:

Hello! First time ko 'tong magsulat para sa wattpad. Hehe! Susubok lang po. Sana may sumuporta sa isusulat ko. So far madami na 'kong nabasa sa watty pero ngayon lang talaga ako magsusulat (Ulit-ulit? Sinabi na ngang ngayon pa lang eh) Okay! Yun lang. Hehe. Thank you in advance sa mga magbabasa.

xoxo, mareen

***

"1st Day"

*yawn*

(-__o) dilat ng isang mata.

(o__-) yung sa kabila naman.

Biglang bangon. Shemay naman! Anong oras na?? Takbo papuntang CR.

ligo...

ligo...

Takbo pabalik ng kwarto, hugot ng damit sa kabinet.

bihis...

bihis...

Kuha ng gamit, takbo pababa, kuha ng apple sa mesa tas takbo na naman palabas.

"Late ka na naman Adrianaaaaaa!"

Napapikit ako, kala ko pa naman ligtas na ko kay mama, hindi din pala. Nginitian ko siya sabay peace sign (^____^)V. "Alis na ko mama. Late na talaga ko!"

"Naku! Ikaw talagang bata ka, sige na nga. Mag-iingat sa daan ha. Wag tatanga-tanga, baka mamaya may maaksidente ka na naman."

"Ma naman!"

Nanay ko talaga o. Well, ganyan talaga kaming mag-ina kaya habang maaga pa masanay na kayo. Parang kabarkada ko lang si mama eh, palibhasa 18 years lang tanda niya saken. Unbelibabol ba? Hehe. Ganyan talaga pag maagang lumalandi. Pero secret lang natin na sinabi ko yan ah. Lagot ako kay mama pag nalaman niya mga pinagsasabi ko.

(Lagot ka talaga, papakita ko sa kanya tong sabi mo.)

Eeeeee, ms. author naman eh. Secret na lang natin to ha.

(Yoko nga.)

Sige naaaaa. Eto apple o, lam ko favorite mo yan sa'yo na lang basta wag mo sasabihin kay mama na sinabi kong malandi siya.

(Hmmmm. Sige na nga.)

A'right! O sige na Maren, shupi ka na. Abala ka sa kwento ko eh. ―Nga pala guys Maren ang tawag ko kay ms. author pero Mareen talaga name niya dito. Wag na kayong magtanong kung bakit basta gusto ko bawasan ng isang letter name niya.― O shupi na Maren!

(Gusto mo palitan ko character mo ha??)

Kaw naman di na mabiro, joke lang yun! ^_______^

(Sige na nga aalis na ko, baka naiinip na mga readers eh.)

Asan kayang mga readers na yan? Ambisyosa ka ms. author. Hahahaha.

(Aba talaga naman o!)

Hahahaha! Babay na nga punta na kong school.

Eastwood Prep here I come!

Teka nga, nagpakilala na ba ko? Pasensiya na kayo ah, nawili ako sa kadaldalan ni ms. author eh. Ako nga pala si Adriana Marie Lopez Tan. Adee for short. I'm 16 years old at papasok na ako sa bago kong school. Lumipat kasi kami ng tirahan eh kaya bagong school malamang. Buti na lang one month pa lang mula ng mag-start classes kaya makakahabol pa ko sa mga lessons. Si papa naman kasi eh! Basta malalaman niyo din buong reason later. Sa ngayon tatakbo muna ko ng mabilis para di ako masyadong late.

takbo...

takbo...

takbo...

*Booogsh!

Anak ng pating naman o! Bakit ngayon pa? Napaupo ang...

Nakabunggo ko. Naks! Kala niyo ako no?? Nu ba yan? Di kasi nag-iingat eh! Tinulungan ko siyang tumayo tapos tiningnan ko siyang mabuti. Hmpf! Gwapo sana tatanga-tanga naman. Inirapan ko nga.

O sige na, ako ng suplada. Pero kasi naman eh mali-late na nga ako.

Pero teka...

Napansin ko tinititigan niya ko. Biglang...

Uminit ulo ko. Ano to makikipagtitigan siya saken maghapon? Buti sana kung hindi siya nakaharang sa daan eh.

"Hoy! kung makikipag-staring contest ka saken mamaya na lang pagkatapos ng klase ha. Abala!"

Tinulak ko nga siya palayo saken. Kaya ayun napaupo ulit siya. Inirapan ko uli yung lalaki sabay takbo papuntang classrooms.

Nga pala dear readers nakalimutan kong sabihin sainyo.

Bully ako! ^____^V

***

A/N:

Ayan na po first chappie. Sana magustuhan niyo.

- - -

Copyright © 2012 by Mareen

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

You're Annoying! But I like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon