CHAPTER 19: Another Side

445 13 3
                                    

Shin's POV

"Leaving already Young Master Shin?"

Hinarap ko ang matandang mayordomo na nakatayo ngayon sa pinto papuntang carpark ng bahay ko. Wala talaga kong ligtas sa matandang to, tsk! Sa inis ko imbes na sumagot tinungo ko na lang si Duc at sumakay. It'll save me from answering his painfully obvious question. Si Duc pala ang Ducati 848 ko. I've had him for 4 years now at kahit na madami na kong big bikes at kotse, siya pa din ang best buddy ko.

(A/N: Duc - pronounced "Duke")

Nakita ko siya nang una itong ipakita sa publiko at instantly ayoko ng mawala ang motor na iyon sa paningin ko. Kahit na nga that time ay hindi pa ko pwedeng magdrive, naghintay lang ako hanggang tumuntong ako ng 14 at nagawa ko na ding sakyan si Duc, and it was heaven after waiting 2 years to ride that big monster finally. 

Kasalanan pa nga pala ng Mr. Benjamin na yan kung bakit hindi ko naenjoy si Duc dati pa. Siya ang nagsumbong kina mama at papa na bumili ako ng superbike. I was tall even nung twelve years old pa lang ako kaya wala namang isyu dun. I also knew how to drive, and I'm also strong because of all the training I underwent from childhood up to now. OA lang mag-react ang matandang hukluban kaya nagsumbong siya, pinagbawalan tuloy ako ni mama na lapitan man lang si Duc. Tsk! Isipin niyo yun? Two years, two years din akong nagkasya sa pagtitig lang sa motor ko.

Kaya naman nilubos ko din nang payagan na ko ng mga magulang kong gamitin si Duc. We were bestfriends on the road and no one should dare stop us.

Speaking of stopping, eto na naman siya nakikialam sa buhay ng may buhay. Problema ba ng matandang to?

"I'm taking that as a yes. But Mr. and Mrs. Lee told me to remind you about the upcoming soiree to be held in the Tan residence."

Napaismid ako, para namang makakalimutan ko yun eh halos minu-minuto ko kung i-remind ni mama. Besides, ako ang escort ni Adee kaya imposibleng hindi ako pumunta. They should've known better. He should've known better. Ulyanin na siguro ang matandang yun.

Sinuot ko ang black leather jacket ko at helmet, then I turned Duc on. Lam niyo yung adrenaline rush? Yun yung binubuhay ko pa lang engine ah, pano pa kaya pag pinaandar ko na, eh di mas masarap sa pakiramdam. Adrenaline-junkie na ata ako eh.

"Take care Young Master."

Tss. I always take care of myself.

Ewan ko ba kung bakit iritado ko masyado kay Mr. Benjamin. Siguro dahil masyado siyang pakialamero, talo pa parents ko.

*And how much longer

Will this keep getting stronger?

I wonder what she's doing

When I'm singing myself to sleep...

Cause he's a faker,

So see ya later

I wonder when you'll realize that she means

A lot more to me...

(A/N: Definitely Maybe by FM Static. Hoho)

Adee...

Buti suot ko ang headset ko kaya automatic na sinagot ko ang tawag.

"Yes?"

"I'm here."

"I know, papunta na din ako."

*tooooot tooot

Sakto pagtingin ko sa papalapit na traffic light, naka-yellow. Imbes na bagalan ang pagpapatakbo mas lalo kong binilisan. Ano ko engot papahuli sa red light, late na nga ako eh. Tss.

You're Annoying! But I like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon