CHAPTER 23.84: May Epal na Naman =__________=

375 11 6
                                    

"If it isn't Little Miss Perfect. Kamusta naman ang panunulot mo kay Shin?"

>____<

Wow naman sa dinami-dami ng taong pwede kong makita ngayon si Samii pa talaga. Wala ako sa mood eh, sensiya naman po. Try niyo kaya magka-dysmenorrhea, iinit din ulo niyo. Ansakit pa ng balakang ko. Huhuhu. Dapat talaga sinunod ko na lang si Ms. Andrea at hindi ako pumasok eh. Pero kasi naman gusto kong makita si ano eh...

Basta si ano, wag na kayong mga usi diyan. Usi, as in usisero at usisera. Hahaha. Kung alam niyo na kung sino si ano, quiet na lang kayo at baka kumalat pa. ^___________^

Teka nga, ano tong sinasabi niya na sinusulot ko daw? Kapal ah. Hindi ko sinusulot si Shin. Hindi na kelangan. Hohohoho. Joke lang! Kaibigan ko lang yun si Shin no! Tsk! Talaga namang wala nang solusyon sa insecure. Nakakairita na lang ang mga insinuations niya tungkol samen ni Shin. Kung mahal kasi niya yung tao eh di sabihin niya para magkatuluyan na sila. Sigurado naman ako mahal pa din siya nun eh. Huminga kong malalim para makontrol ang emosyon ko.

"Walang basis yang mga pinagsasabi mo. Please shut up." behave ako ah. Siyempre kapatid ko pa din yan. Kahit pa nga hindi ko alam kung bakit ang laki-laki ng galit niya saken.

Okay, okay alam ko nga pero siguro ang tamang term eh, hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kasi as far as I am concerned pantay lang kami sa mga mata ng mga magulang at kaibigan namin. Tapos lagi niya pang pinaparamdam saken na she hates me. Pero kung dati apektado ako, ngayon alam ko ng hindi ko dapat dibdibin ang mga sinasabi niya kasi wala naman akong kasalanan sa kanya. Hmpf!

(Kung hindi mo na didibdibin eh bakit affected ka pa din?)

Affected ka diyan! Naiirita lang ako sa mga sinasabi niya. Tsaka masama pakiramdam ko ngayon kaya mas lalong nakakapagpainit ng ulo. Besides, lagi na lang kumikirot ang puso ko sa tuwing may sinasabi siyang masama. (____-____)

"I have basis. You've always wanted Shin, kaya inaagaw mo ang atensiyon niya."

"Whatever. I don't have time for this." tumayo ako at naglakad palayo sa kanya, palabas ng cafeteria nang bigla namang may umakap saken mula sa likod. Ano to?!

"Bitawan mo nga ako!" para namang bato ang nakayakap saken, ang tigas! Malamang lalake to, tsk! Sinong epal ba to? Pag ako nakawala sa akap niya mabubugbog ko siya.

"Wag kang magulo Adee. May ano---"

Si Ren to ah! Teka, kung maka-hug naman ang taong to!

"Ano ba Ren?! Bitiwan mo ko."

"Hindi pwede Adee. May ano ka nga eh."

"Ano ba kasing ano?!"

"May red flag."

Mas lalong humina pagkakabulong niya dun. Tss. Problema ba ng lalakeng to? Red flag daw? Ano naman kaya yun?

Red flag...

Red flag...

Yakap sa likod...

Humaygash!!

O_______O

"Ah Ren. Wag mo kong bibitawan ah."

"Kanina lang parang kabaligtaran diyan ang inuutos mo saken ah."

At talagang nagawa pang tumawa ng lalakeng to. Mapapahiya na nga ako kung sakali tatawa-tawa pa siya.

"Please Ren."

"Okay, okay. Para namang hindi tayo magkaibigan nun kung papabayaan lang kita."

Akala ko iha-hug niya lang ako hanggang makapunta kami sa pinakamalapit na C.R. kaya lang nagulat na lang ako nang bigla niya kong buhatin. Alam niyo yung parang sa bagong kasal? Ganun na ganun! >__________<

"Ren, ano ba!"

"Alangan yakapin lang kita hanggang C.R. no. Ang weird naman tingnan nun."

Kahit nakakahiya, may logic din naman ang sinabi niya. Pero kakahiya talaga. Nasabi ko na bang nakakahiya? Nakakahiya talaga!!

Pakiramdam ko ang bigat ko. Kahit pa nga parang hindi naman nagrereklamo si Ren. Nakakapagtaka nga, payat kaya niya! Sabagay payat din naman ako. ^_______^

At last nakarating din kami sa C.R. na nasa dulo pa talaga ng building. Pakiramdam ko ang init na eh. I mean, hawak-hawak niya ko! Yung mukha ko nasa dibdib niya tapos ramdam ko yung kabog nun. Nakakapanibago, pero hindi naman pangit sa pakiramdam. Pagdating namin dun agad naman niya kong binaba.

"Thanks Ren ah."

Nag-iwas siya ng mukha, pero kita ko pa din ang pamumula niya. "Ah, ayos lang yun. Sige, kukunin kong bag mo para makapag-ayos ka."

Pag-alis niya pakiamdam ko pati ako namumula eh. Tss. Affected much? Naghilamos ako ng mukha, para mabawasan naman ang init nito. 

"Adee? Andiyan ka ba?"

Si Suzie. Nag-angat ako ng mukha mula sa pagkakayuko ko sa sink. Nagtaas ako ng kilay. Anong ginagawa niya dito?

Tinaas niya ang isa niyang kamay na hawak pala ang... bag ko. Baka pinadala na lang sa kanya ni Ren.

"Sabi ni Ren, may red flag daw?" mukhang pati siya naguluhan sa sinabi ni Ren. Hahaha. Kaya lang pagtingin niya sa palda ko mukhang nalinawan naman siya agad. "Oooooh, kaya pala pinadala niya ko ng extra skirt. Buti meron ako sa locker."

"Thanks Suzie, you're a lifesaver."

"Thanks din kay Ren."

"Yeah, thanks din sa kanya." namula na naman ako nang maisip ko yung pagbuhat saken ni Rn kanina.

"Namumula ka diyan Adee?"

"Wala, wala! Akin na nga yang palda nang makapagbihis na ko."

Pumasok ako sa isang cubicle nang ibigay niya saken ang skirt at ang bag ko. After 197535678 seconds nakalabas na din ako. Looking and feeling fresh. Hohoho. Medyo nawala na din yung sakit dahil sa dysmenorrhea kaya maganda-ganda na mood ko. ^___________^

Lumabas na kami ni Suzie at nagsimulang maglakad pabalik ng classrooms. Malapit na naman kasing mag-time eh. Nakatingin ako sa courtyard na nasa side ng mga classroom buildings kaya wala akong kamuwang-muwang man lang sa paligid. Napansin ko na lang biglang tumigil sa paglalakad si Suzie.

Pagtingin ko sa kanya nakatitig siya sa lalake sa harap namin tapos yung mukha niya hindi na naman maipinta. Tiningnan ko yung lalake, kung paanong nakasimangot si Suzie, ganun naman ang pagkakangiti niya.

=_______________=++ -Suzie

^________________^ -Kenji

Ganyan sila. Hahaha.

So, I'm guessing si Kenji ito. Wala namang ibang tao na ganito katindi epekto sa kaibigan ko eh.

"You must be Kenji."

After ilang segundo pa siguro bago niya inalis ang pagkakatitig kay Suzie at nilipat ang mga mata niya saken. Inlove nga ata talaga ang taong to! Eeeeeeeew. Hahahaha.

"Yeah, and you are?"

"Adee, bestfriend ni Suzie. Pasensiya ka na at speechless ang kaibigan ko. Natutulala ata sa'yo."

Pareho kaming natawa dun. Si Suzie naman nakasimangot pa din. Sungit lang ah. Mapagtripan nga. Hahahahaha. *evil grin*

"Ah, Kenji una na ko sa inyo ah. May gagawin pa kasi ko eh. Sige, Bye Suzie!"

^_________________________________^ -Ako, gagawa na naman ng evil deed eh. Hahaha.

"Sige. Nice meeting you Adee." kinawayan pa niya ko and then he mouthed 'thanks' . Kinawayan ko naman si Suzie tapos tumawa ko nang makita ang matalim na tingin na ipinupukol niya saken. LOL! Sorry Suzie, ang sungit mo kasi eh.

____________________________________________________________________________

A/N:

May continuation pa ito. Hahaha. Eeksena na si Kenji ni Suzie. Abangan :D

You're Annoying! But I like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon