Chapter 4: Crush na nga ba.. O crush LANG ba?

596 14 8
                                    

A/N:

At dahil mahal ko ang aking tatlong readers na sina Nasha, Kristin at Sheila may update uli ako. Hahaha. Talagang dumayo pa ko sa library ng school para lang makapag-update ^___^ Oha? nai-inspire ako dahil sa inyong tatlo. Tapos sabi pa ni Nasha manghahakot pa siya ng readers. Aylabet! Hahaha. Kaya eto na po!

***

"Adee, wui."

"Adee......"

"Pansinin mo naman ako o."

Tinalikuran ko lang siya. Naguguluhan ako eh. Hindi ko na alam itong nararamdaman ko. Baka sakaling kapag hindi na siya palagi ang nakikita ko eh mawala din tong kakaibang feeling na to.

"Adee....."

Naramdaman ko yung paghawak niya sa kamay ko. Bigla na lang para akong napaso.

"Ano ba?? Bitawan mo nga ako!"

Agad naman siyang bumitaw. "You know what Ren, why dont you just leave me alone?"

"Adee! Ano bang nangyayari sa'yo? Sabihin mo naman saken o. Okay pa naman tayo kanina ah."

Nag-init ang ulo ko. SIno ba siya sa tingin niya? I barely knew him and he's acting like he's my bestfriend or something. "Just leave me alone!! I don't need you following me wherever I go and asking me these stupid questions. To tell you the truth, I just befriended you so I could use you. You were merely an entertainment for me. Pinagtripan lang kita naintindihan mo? And now I'm tired of playing games with you!!"

Namutla naman siya sa mga narinig. Maybe I went overboard. Tinalikuran niya na ko at tumakbo palayo. Then na-realize ko mga pinagsasabi ko. Gosh! I really am an awful person.

Kakalabas ko lang nun ng CR nang makita ko siya. Sinundan pala niya ko. Yun nga nag-alala siguro nung hindi ko siya pansinin. Naguguluhan lang talaga ko. I need to sort out my feelings first bago ko siya maharap uli. But maybe I didn't have to tell him na pinagtripan ko lang siya kaya naging magkaibigan kami.

Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya hindi na ko nagtaka ng may mabunggo na naman ako. Pero sa pagkakataong ito ako na ang muntikang matumba. Wala talaga siguro ako sa sarili kaya ganito. Buti na lang may nakahawak sa braso ko kaya hindi ako tuluyang natumba.

Nag-angat ako ng tingin...

Tiningnan ko ang nabunggo ko at napabuntong-hininga ako. "Sorry..." Mahina kong usal at nagpatuloy na ko sa paglalakad ng biglang may mag-click sa utak ko.

Binalikan ko yuing taong nakabunggo ko tapos hinawakan ko yung mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko.

O_________________O

Napasigaw ako sa galak sabay yakap sa taong nasa harap ko.

"Kyaaaaaaaah! Shin ikaw nga! Anong ginagawa mo dito??"

Tumawa siya ng mahina. "Kala ko pa naman hindi mo na ko kilala. Magtatampo na sana ko. One month pa lang tayong di nagkikita ah tapos ganyan ka na."

"Toinks ka! May iniisip lang kasi ako. Sensiya ka na ah."

Pinisil niya pisngi ko. Mabenta ba pisngi ko ngayong araw na to?

"Ayos lang yun Adriana."

"Eeeeee. Shin naman eh. Adee ang itawag mo saken okay?"

"Opo opo."

Nagtawanan kami. Haaaaaay, namiss ko tong mokong na to. Pero teka lang....

"Hoy! Ano pala ang ginagawa mo dito ha?"

Ngumiti siya tapos kinindatan ako. "Dito na kami mag-aaral. Hehe."

Nanlaki na naman mata ko. "Talaga? Talagaaaaa?"

"Oo nga."

Ang saya ko!!  *O*

***

A/N:

Bakit kaya siya masaya? At sino naman si Shin?

You're Annoying! But I like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon