CHAPTER 25: The Knight

362 13 10
                                    

A/N:

Lovelyanne para sa'yo to :) Thanks for the continuous support! Lovelots. ^___________^

So, anyway. May mga mangyayaring kakaiba dito, sana lang magustuhan niyo kasi ako gustung-gusto ko. Hahahaha.

One more thing, special thanks kay Jenina kasi she gave me an idea na swak na swak naman sa naiisip ko ng mga pangyayari. Mas naging exciting nga lang dahil sa naisip niya. ^________^

_____________________________________________________________________________

Shin's POV

"Saan ba tayo pupunta Shin? Kung makahila naman to eh, wagas!"

Kanina niya pa yan tinatanong saken, kaso maski ako hindi ko alam ang sagot kaya wala din naman akong masabi sa kanya. Ang alam ko lang gusto ko siyang ilayo sa kanila, lalong-lalo na kay Ren. Nakita ko kung paano sila magtinginan kanina, and I don't know why but it pisses the heck out of me. Naiisip ko nga sana hindi na kami nagkaroon ng mga bagong kaibigan eh. Mas gusto ko nung kaming tatlo lang ang laging magkakasama, nagdadamayan. Kahit na nga ba hindi ko maitatanggi na mas masaya kapag madami kami.

I just feel so... jealous. Er, envious. Yun! Hindi ako nagseselos! Naiinggit lang ako sa masayang samahan nila. Kasi dati sa akin lang siya umaasa, sa akin lang siya close. Sa amin ni Suzie. Pero ngayon, parang ganun na din siya kay Ren at parang mas malapit pa sila sa isa't-isa.

"Ui Shin? May problema ka ba?" tanong niya nang sa wakas tumigil ako sa paghila sa kanya. 

Nasa likod kami ng isa sa mga buildings. Napasandal ako sa pader, pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon. Naramdaman ko na lang yung kamay niya nakahawak na sa pisngi ko. Unconsciously inilapit ko pa ang mukha ko sa kamay niya.

"Alam ko may problema ka. Hindi kita pipiliting sabihin pero andito lang ako kung kelangan mo ng makakausap."

Pakiramdam ko parang may kung anong nakawala sa damdamin ko. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, naipalibot ko na ang mga braso ko sa kanya at nayakap ko na siya nang mahigpit. Napasinghap siya, malamang dahil sa gulat. Hindi ko naman kasi gawain umakap na lang bigla-bigla ng kahit sino ano.

"Shin..."

"Kahit eto lang Adee. Just stay here with me now."

Kahit hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko, naramdaman kong gumanti siya ng yakap at gumaan kahit papano ang bigat ng nararamdaman ko.

Wala na kong pakialam sa mga nasa paligid ko. Ang alam ko lang andito ngayon si Adee, sa loob ng mga bisig ko. Hindi ko na namalayan ang babaeng nakatingin sa amin sa di kalayuan. May galit sa mga mata at nakakuyom ang mga kamao. Wala din akong kaalam-alam nang tumabo siya palayo matapos bitawan ang matalim na tingin sa babaeng yakap ko.

If I had known, sana hindi ko na siya niyakap in the first place.

Adee's POV

Hindi pa din ako makaget-over sa pag-akap saken ni Shin kanina. Hindi nama kasi touchy person ang lalakeng yun eh. Suplado nga eh diba? Alam niyo ba dati nung nasa dati pa kami naming school? Hinawakan ko lang yung kamay niya para hilahin siya kasi ang bagal niyang maglakad, bigla ba naman tinampal ang kamay ko. Parang takot sa germs eh. Ni ayaw mahawakan. Tapos ngayon hinug ako? Sabihin niyo nga? Diba weird yun?!

Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon kaya hindi ko na namalayan na may nakasunod na pala saken. Before I knew it biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko at nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Bago magdilim nang tuluyan ang paningin ko isang mukha ang nakita ko. Isang napaka-pamilyar na mukha.

You're Annoying! But I like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon