Shinya's POV
"Hindi. Tigilan mo na yan."Pagmamakaawa ko habang umiiyak, tama na. Nahihirapan na ko makita ang kaibigan ko.
"I told you and even warned you that there are things that cannot be meddled with. It's your fault for not listening." Sabi ng lalaking hindi ko makita ng mabuti ang muka dahil masyadong blurry ang muka nito sa paningin ko.
Pagkatapos niya iyon sabihin ay tinulak niya ang kaibigan kong bugbog sarado dahil sa kanya, hirap na hirap ito at hinang hina, lumingon ito sa direksyon kung nasan ako pero di ko rin maaninag ang muka niya. Aktong tatayo na siyang muli ng bigla siyang barilin ng lalaking bumugbog sa kanya.
Napatulala nalang ako. Kailan pa ba ko pahihirapan? Hanggang kelan?
Tumingin ako sa lalaki at nakitang nakatingin na ito sa akin. Nakatutok sa akin ang baril, tanggap ko na mamamatay na ko.Pinihit niya na ang trigger ng baril at ako'y napapikit na lang.
"Ugh..." Hingal na sabi ko pagkaupo ko ng magising ako. Panaginip lang pala.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa kamay ko na nakapatong sa unan.
Sht. Bat ako umiiyak? Nababaliw na ba ko?Besides di naman magkakatotoo yun kasi wala akong kaibigan ni isa and kakalipat ko lang ng school so basically wala akong kaibigan. Pero sht talaga. Why am i crying anyway?
Tinignan ko ang orasan ko sa kamay at nakitang 5:30 am na. Agaran akong tumayo para kumilos na dahil first day of school and bawal akong malate. Yeah, you heard it right papasok na nga ako sa school ngayon and if you'll ask me if naka move on na ako sa nangyari about dun sa school nung enrollment day? hindi pa at hinding hindi ko yun makakalimutan dahil first time ko makakita sa buong buhay ko ng patay.
Kung tatanungin naman ako kung nagsumbong ako sa pulis? hindi rin dahil pinakinggan ko ang babaeng nanghablot sakin and besides trabaho ng school na asikasuhin kung may mangyari mang hindi maganda sa school na yun and lastly dahil ayaw ko na mainvolve sa kahit na ano pang gulo or ano man yan.
Back to ereality, eto na nga at pababa na ako ng hagdan papuntang kitchen para kumain, pagbaba ko ay naabutan ko si mama na naghahain ng pagkain.
Napansin ko naman na parang mugto ang mata nito at parang kakagaling sa iyak"May may problema ba? bakit parang umiyak ka?"
Tila napatigil ito sa paghahain dahil sa tanong ko.
"Anak... Ang papa mo naaksidente , Car accident and malala daw ang lagay niya. So bale kailangan kong pumunta ng japan para maalagaan siya at maaring abutin ako ng ilang months dun bago makauwi. Pero ang inaalala ko ay ikaw, baka kung mapano ka dito lalo na't wala ako." sambit nito na tila nagaalala na nakatingin sa akin.
"A-Ano ka ba ma. kayang kaya ko na sarili ko no. Malaki na ko, Ayos lang po ako dito kahit pumunta po kayong japan , kung yun ang ikabubuti ni papa ayos lang po sakin para lang po gumaling siya." pinilit kong ngumiti para gumaan na ang loob ni mama at hindi na siya ma stress pa.
"Anak , mamaya na ang flight ko pa-japan, sure ka bang kaya mo?"
sabi ni mama na tila nagda doubt na iwan ako.
"Opo kaya ko po ma. Basta po magiingat kayo duon and wag niyo po pabayaan ang sarili mo." sabi ko na parang nadudurog na, pero bago pa man akong tuluyang umiyak nagpaalam na ko kay mama na papasok na ko at tapos naman na ako kumain, oo tapos nako sa gitna ng kwentuhan namin.
"Ma aalis na po ako." sabi ko kay mama, humalik na ko sa pisngi nito at niyakap ito ng mahigpit, naramdaman ko din na niyakap niya ko ng mahigpit. Kumalas na ko sa pagkakayakap niya at umalis na bago pa ako maiyak.
sumakay na ako ng kotse at nagpahatid na sa driver namin. Naramdaman ko nalang na tumulo na ang mga luha ko , hindi ito tumitigil sa pagpatak. Sobrang sakit, di ko kaya, bakit ngayon pa? nagaalala ako ng sobra para sa papa ko. Mahal ko din naman ang papa ko, sa totoo nga lang close kami ni papa since lumaki din naman ako kasama siya kasi nagstay siya dito sa philippines , sobrang sakit na malaman yun?
Why god? of all times? why is it have to be now? why me? i'm just a human, a simple person , a mere creature you created and yet i experience too many problems, why do i always suffer? why me? always? i haven't done anything wrong to you for you to make me suffer like this?! for you to make me feel this way?
Pinunasan ko na ang luha ko at inisip na lang na lahat naman siguro ng bagay may rason, siguro nga at may rason ang diyos kung bakit nangyayari sakin to.
Kakaisip ko ng kung ano- ano ay nakarating kami ng school ng di ko namamalayan , bumaba na ako at daliang tumakbo papuntang bulletin board dahil dun naka pa skill ang mga section ng bawat studyante
Dalian ko din naman hinanap ang pangalan ko dun at nakita din naman agad iyon, shinya romano , section E.
tumakbo na ko pataas ng building para hanapin ang room ko at di naman ako nabigo na mahanap agad yun, pagdating ko ay bumungad sakin ang mga studyante na tahimik pero nga dahil pumasok ako ay napukaw ko ang atensyon nilang lahat , ngayon ay nakatingin na silang lahat sakin.
di naman ako nahihiya dahil wala akong pakelam sa kanila , agad akong dumiretso at naghanap ng upuan at nakakita ng isang bakanteng upuan sa may bandang dulo at tabi nito ay bintana na makikita mo ang view sa labas.
Agad na akong umupo at sakto naman ang biglang pagpasok ng guro , dirediretso ito at masasabi kong napakabigat ng prisensya niya. Nakakatakot.
"Goodmorning students." sambit nito na grabe ang pagkapostura at diretsong diretso ang likodan at naka cross arms ito sa amin.
"Goodmorning ma'am." sagot naming lahat na hindi tumatayo , tila lahat kami ay walang gana sa pagsasabi.
"So are you guys familiar with the Night of the dead?"
sabi nito ng nakangiti. Night of the dead?
What the hell is that?
Nakarinig naman ako ng whispers sa paligid like ,
"N-Night o-off da-the d-dead?"
"What?! kala ko ba wala ng ganun?"
"Sht. Hindi maganda to?!"
Hindi ko naiintindihan mga sinasabi nila, ano nanaman ba to?!
"QUIET! Ehem! As i was saying Night of the dead, is an annual event that is being done for decades ever since this school was built. We'll witness another fascinating night of our lives again so i'll be expecting you guys to come or else..."Nakangiti nitong sambit samin na tila tuwang tuwa ito sa mangyayari sa Night of the dead kuno.
"...You'll make a choice."
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/98264515-288-k392899.jpg)
BINABASA MO ANG
That Place Nobody Goes To
Mystery / Thriller"Curiosity might not kill you but can harm you". Live or die. Make your choice. Don't go deep specially when you're in a place where nobody goes to.