The Drama Club

206 5 0
                                    

"Hey!" sigaw ng isang babae kay Cole. Oo maganda ito, slim at sexy. Halata mo na ding flirt o slut dahil sa paraang pagsuot nito ng kanyang uniporme. Kapapasok lang ni Cole sa Theatre na kung saan magaganap ang Valentines program na siyang pag-aabalahan nila. 

"Hey there Sexy," may pagkalanding bati din ni Cole at agad na yumakap sa babae nang makalapit ito sa kanya. 

"Haha! Iyan ka na naman ehh," ani ng babae nang matapos siyang yakapin ni Cole.

"Shut Up. I'm just teliing the truth. Ba't ka nga pala andito Steph ??" nakangiti si Cole pero nabaling ang mata niya nang makita si Ariana na may kasamang ibang characters sa may entablado. Hindi na nito napansin ang dalagang nagsasalita dahil nakatuon na kay Ari ang pansin nito.

"Hey, are you listening ??" tanong sa kanya ni Steph na siyang bumalik sa paningin ni Cole sa kanya.

"Huh ?? Uh-yeah," palusot ni Cole kahit di naman nakinig sa sinabi ng dalaga, "Uh ?? Ano na pala ang sinabi mo ??"

"Kala mo kung nakikinig," pabulong na naka-pout na sinabi ni Steph, "Sino ba tinitignan mo ??" at napalingon din ito. Buti na lang na sa backstage na sina Ari at ang mga iba pa. 

"Wala lang naman. Tara," sabay akbay niya kay Stephanie at nagpatuloy silang naglakad papunta sa harapan, sa may stage. 

"Alright! Is everybody in ?!" simulang sigaw ng kinikilalang director nilang si Mr. Simoun del Monte, ang arts teacher din nila, "Let me check. Ladies at the backstage!" sigaw nito sa may backstage, "Please come here!" 

Lahat ng mga istudyanteng kasama sa Drama Club ay umayos na umupo sa may harapan. Si Mr. del monte na lang ang nan dun sa harapan. Nakupo si Ari sa may second row. Sina Cole at Stephanie ay nasa harapan nila.

"So, let me first notify you that Mr. Sprouse will be joining us this year," pauna salita ni Mr. del Monte. Automatik, nakilig na naman ang mga kababaihan dahil makakasama nila si Cole. Masayang-masaya din naman si Ari pero di niya pwedeng ipakita dahil lahat tanggi sa kanila.

"Alright. Katahimikan, ngayon na an dito si Mr. Sprouse," tumingin ang director sa katabi ni Ari na lalaki. Varsity player din ito at ka-team mate ni Cole, "Mr. Hilario," matangkad na lalaki, gwapo din ito, iyon nga lang medyo maitim ang kulay pero gwapo, "Mr. Sprouse will be taking the role as the Leading Man."

"Whaaaaat??~" bulong-bulungan na naman ng mga kababaihan at mas lalong naexcited sila.

"Yeah. Sure po," mataray na sagot ng lalakeng katabi ni Ari. 

"Hoy, Pangit. Ok lang sa'yo yun ?!" pabulong na tanong ni Ari.

"Hahaha. Oo naman.Total, pagod na din akong maging Leading Man. Four Years ko na yang ginagawa," sagot ng lalake. 

"Tsss .." huling nasabi ni Ari. 

"So, Mr. Sprouse will be the leading man and as expected, we'll have Mr. Hilario as the side-kick," patuloy ng director, "Then Ms. Stephanie Hilson will be the leading lady and .." napatingin ang director sa mga babaeng wala pang roles, "And Ms. Grande will be Anna Hales."

"P-Po ?! S-Si A-ANNA HALES?!" biglang napatayo si Ari sa kanyang kinauupuan niya, "P-Pero Hindi naman sa'kin nababagay si Anna Hales."

"Shhhh .. PuPuPup. Tahimik," si Director, may pagkabakla pala ito, "Isang Singer si Anna Hales, maganda din yang boses mo. We just need to polish you're styles. Tsaka Imposibleng hindi mo carry yan eh, I believe you're Mother, Ella Grande, a deceased Actress/Singer is well-talented indeed."

"Sir, Kahit gaano man kaganda ng boses niya, imposibleng kaya niya ang role ni Anna Hales eh ni hindi nga niya po alam umarte!" biglang sabwat ni Stephanie. 

"Sir, alam kong kaya ni Ariana ang role. Let her be Anna Hales, wether they like it or not," biglang singit din naman ni Mr. Hilario. 

"Sir, Mas pro. po ang acting ni Bessie Jane, siya na lang po si Anna Hales," sabi na naman ni Stephanie habang turo-turo ang babaeng na sa tabi niya. Katulad niya din ito.

"EH SINO BA ANG DIRECTOR SA INYONG DALAWA?!" lumabas na ang kabaklahan ng Director nila. Mas lalong naging masungit tuloy ito at bumakla, "Manhimik kayo! At ikaw, Ms. Grande, pakipot ka pa huh?! Ikaw na si Anna Hales. I want no excuses!" napatalikod itong naglakad. 

"HUHHHHHH?!" napasigaw si Ari sabay tampal sa balikat ni Mr. Hilario, "KAW NAMAN KASI EH! SABI NGANG AYAW KO YUNG ROOOLLE!!" sigaw niya sa may tainga nito.

"Ay, Pambihira ka naman Ari! Kay lapi-lapit koh!" daing ng katabi niya.

"Nakakainis ka talaga Nathan!" sigaw ulit ni Ari.

"Hahaha. Huwag kang mag-alala, kaya mo yan tsaka di naman ganoon kahirap ang role ni Anna Hales. Alam kong first time mong magiging isang mahirap kaya carry mo yan! BAGAY SA'YO!" napatawa ng malakas si Nathan.

"Lang Hiya! Eh alam mo namang sina Anna Hale at Lincoln McLoffi ang magkakatuluyan dbah?! DUHHH! Di ako nababagay kay Cole anoh!" si Ari sabay pout.

"Haha, sinabi ko ngang carry mo 'yan! Kasama rin naman ako sa acting kaya walang problema doon," si Nathan sabay tapik sa balikat ni Ari at kinidatan nito.

"Yucks, kadiri ka," umirap si Ari sa kanya.

"Atleast Gwapo ako," linabas pa ang dila nito na parang bata, "Bleeeh!"

"Mukha kang bata!" nasabi na lang ni Ari nang biglang matigilan at nagulat ito nung tumabi sa kanya si Cole sa may kanang banda niya. Bakante kasi iyon at sa second row, sila lang dalawa ni Nathan ang nakaupo.

"Nice. Di ko alam, close kayo?" bigla nitong singit.

"Cole, Parey. Magkakakilala naman kayo siguro ni Ariana, GIRLFRIEND KO," diin ni Nathan sa salitang Girlfriend.

Bigalng napatawa si Cole ng malakas na hindi pa nakikita ni Ari ang tawang ito, "Naks, Nathan. G-Grabe ang j-joke mo ah. Gf mo? SIYA?! Hahaha, HINDI KAYO BAGAY! PRAMIS!"

Nabuhusang bigla si Ariana ng malamig na tubig at malalaking bato. 

"Imposibleng magiging gf mo siya eh out of styles na," natatawa pa ring ani ni Cole. Nahiya si Ari kaya yinuko na lang ang ulo nito at gustong itago na gusto niyang iiyak.

"Cole, kahit ganito man siya, at least di katulad ng mga ex mo, Feel nila na nga nilang maganda sila, malandi pah!' si Nathan, "Tsaka, kahit  biro kong gf ko siya, ang tunay na lalake marunong pa ring rumespeto at di marunong manlait. Sa tingin ko nga bakla ka, mas daig mo pa ang babae kung manlait," sobrang nainsulto din naman si Nathan sa pinagsabi ni Cole.

"Wooops! Di ako guilty, dahil ang tunay na lalake hindi nagpapatama kundi tumatama," si Cole na feeling cool pa rin at astig at talagang di natamaan sa banat ni Nathan, "Tsaka, parey, minsan marunong ka namang pumili."

"Cole, kung pumunta ka lang dito para mang-insulto---"di natuloy ang sasabihin ni Nathan ng agad siyang singitan ni Cole.

"Narinig ko na ang kwento ng True Love, at alam ko na din kung bakit tumatanggi sina Stephanie sa role ni Ms. Nerd, pero ayos lang sa'kin iyon basta marunong siyang umarte. Tsaka, sinabi ni Sir del monte, tuwing magpraPractis kami o mag-mememorize, kailangan naming kaharap ang isa't isa. In other words, magpractis tayong dalawa. Kasama na din si Stephanie," mahabang paliwanag ni Cole tapos tumayong paalis, "Nga pala Ms. Nerd, bukas ng umaga dito rin sa gym," at tuluyang umalis. 

"Ang yabang nun ah," si Nathan na nakakuyom na ang kamao.

"Tsk.2, gago ka kasi! Pangit ka na nga, sinasabi mo pang gf mo ako! Edi mas lalong pumangit ka!" si Ari na parang bata. 

.. Alam ko naman pong out of styles ako. Tanggap ko yun pero galing na yun sa taong crush ko, tinawanan pa ako .. Haaaayyyys! Pangit na kung pangit, pero masakit. :D, Itawa na lang. Kaya ko 'toh! Ako si Ariana Grande, at anak ako ng Papa ko kaya Kahit anong sabihin niya, crush ko pa rin siya! .. Komento ni Ari sa kanyang isip habang naglalakad pauwi.

-------------

COMMENTS? SUGGESTIONS? Votes ??
Hahaha, I'm happy to entertain them all! :D

Thank you for you're time reading it! Love you all :)

A Nerd's Prom NightOù les histoires vivent. Découvrez maintenant