The Both of Us

127 5 0
                                    

Biglang napatigil si Cole sa paglalakad at nauntog si Ari sa malapad nitong likuran, dahil nga concentrated siya masyado sa paglubog ng araw.

"Hey ..??" may inis sa mukha ni Ari nang mauntog siya sa likod ni Cole. Na sa kabilang sidewalk sila kung saan mo makikita ang dagat at sunset. Sa kabilang sidewalk naman na kanilang tinatapatan ay may hagdanan pataas. May SIGN na nakalagay na "Sprouse Residents".

Hindi na sinagot ni Cole ang sinabi ni Ari at naglakad pakanan na kung saan makikita yung hagdanan pataas at patungong bahay nina Cole. Sumunod naman agad si Ari nang makita ang patutunguhan ni Cole. Nakabulsa si Cole na sinusunod ni Ari. 

 .. He's really strange today .. Hmm .. Sabi ng utak ni Ari habang inoobserbahan si Cole. Pagdating nila sa taas. Biglang napatigil si Ari sa paglalakad. Nagulat siya sa kanyang nakita. Ang akala niya napakalaking mansion ang madadatnan niya pero nagulat siya nang isang bunggalow style na bahay ang nadatnan niya. Malawak siya at transparent style ito. Maganda ang paraang pagpapatayo nila dito dahil may pool area ito bago ang mismong bahay. Sa labas ay may free space ng cafe area. Ayos na din dahil may pool na katabi nito. 

"Halika ka na," si Cole na patuloy na naglalakad nang mapansin niya ang nakatulalang si Ari sa may entrance o gate nila. Ganito yung style ng  house nila. Pagpasok mo sa gate, may makikita kang mga batong maliliit at makikinis na nakapaligid sa lahat. Yun bang crowded para makagawa ng daanan.Tapos may makikitang kay pool area na may cafe area na din ito. Ang pool area ay connected na din sa balcony ng bunggalow ni Cole.

"Ahh-C-Cole .. ba't pala ..?" magtatanong na sana si Ari pero natigilan na alng ito.

"Ba't kita dinala dito? Ewan ko nga din. Alangan namang pauuwiin kita eh ang layo ng nilakad natin? Kung gusto mong umuwi ngayon, maghintay ka ng taxi sa labas. Kung gusto mong bukas na uuwi, dito ka na lang sa bahay ko," sagot ni Cole sabay bukas sa pintuan ng bahay niya. 

"Tse .. Ang sungit naman nito .." pabulong ni Ari .. PERO! GOSSSSSH! >.< SLEEPING WITH YOU'RE CRUSH?! I WANNA DIEEEE! KYAAAAAAH! >.< .. Kinikilig na loob-loobin ni Ari nang papasok sila sa loob ng bahay ni Cole. Nagulat na naman ito dahil pagpasok niya, naka-elevated pala ang kinatatayuan nila at sa may gitna mismo, may nag-iisang kama. Maraming pictures si Cole na naka-display sa wall niya. Ganito yung hitsura sa loob ng house niya. Sa parte ng pintuan hanggang sa may kitchen ay eleveted siya. Nakataas ito pero sa may gitna, makikita mo ang nag-iisang kamang puti lahat ang balot nito. Magmula unan hanggang sa kumot nito ay puti. Pati bed sheet niya ay puti. Ang ding.ding nito ay puti na may floral backgroun na black ang kulay. At halos lahat ng ding-ding niya ay may picture siyang naka-display. Sa gitna na hinaharap ng kama niya ay may napakalaking flat tv screen. Sa elevated part na nakapalibot sa kamang centro ay may white soft sofa na nakalagay sa gilid. Pagdating sa may kitchen, completong utensils din ito. Automatik na ang stove nito.

"Ah ..?" napatigil si Cole sa paglalakad papuntang bathroom na kung saan matatagpuan sa may pakanan ng mga sofas. Humarap ito kay Ari na nakatungangang nakatayo sa may pintuan pa nito, "Iisa lang kama pala meron ako. Kung ayaw mong tumabi sa akin, dyan  ka sa may sofa. Kung ayaw mo sa sofa, available ka sa tabi ko," tinatanggal nito ang butones ng puting polo niya.

"H-Huh ??" nagulat si Ari sa sinabi ni Cole pero bago pa niya ito matuloy, nakita na niyang tinanggal ni Cole ang puting polo niya kaya hindi ito makaharap sa kanya.

"Huh ? Bakit ?" pakunwaring inosente pa itong si Cole kahit alam naman niyang naiilang si Ari nang tanggalin nito ang polo niya.

"M-Ma-Mali-ligo ka d-dbah?! P-P-Pumasok ka na nga sa banyo!" nauutal-utal na sagot ni Ari habang nakatalikod pa ito.

A Nerd's Prom NightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang