Ms. Taray

165 5 0
                                    

"ANOHH ?!" si Maddi. Napasigaw itong nagtanong nang malaman niya ang kwento kahapon sa Drama Club kaya medyo umiinit na ang ulo nito, "Kung hindi lang sikat at mayaman iyang COLE SPROUSE NA 'YAN, PINATAY KO NA!" sa kasalukuyan, na sa rooftop ang dalawa kaya walang problema kung sumigaw man sila o magwala.

"Shhhh .." SI Ari, "Yang boses mo, mamaya may nawawalang kaluluwa pa dyan at isusumbong ka," patuloy nito sabay sipsip sa kanyang iniinom na shakes.

"SINABI NIYA TALAGA IYON ?!" si Maddi ulit, talagang mainitin lang ang ulo niya, "ANG YABANG NIYA! MAHAMBOG PA! Ba't ba kasi sa kanya ka pa nagkagusto?!"

"Tahimik ka nga dyan Maddi. ANG LAPIT KO LANG. Tanong ko nga din sa'yo, ba't ka nagkagusto kay Ryan?? Samantala mahambog din naman ito. Worst mas casanova pa ito kaysa kay Cole," pagtatanggol pa rin ni Ari.

"Hay, di ko yun gusto! Pangit niya!" SI Maddi sabay kamot sa kanyang ulo. 

"Wehhh ?? Kayo na ba? Siya ba magiging partner mo this coming prom  natin ??" tanong ni Ari na mukhang excited para sa kanilang dalawa ni Ryan.

"Shut Up, Ari. Di ko yun close tsaka daming babae nun. Di ako pumapatol sa mga ganung clase ng mga lalake kahit gaano pa sila ka-gwapo," sabi ni Maddi, "Pero Ari, ang layo naman kasi ng pangarap mo, ang hirap abutin!"

"Tahimik ka nga Maddi, buhay ko 'toh ano. Tsaka walang mahirap sa bokabularyo ng buhay ko. Kung ganoon man kalayo ni Cole sa akin, edi ako na lang ang lalapit sa kanya!"

"Sighhh .." mahinang bntong-hininga ni Maddi, "Basta, tandaan mong mag-iwan ng pride sa sarili mo ha? Huwag maging asong, tinatapak-tapakan at nagpapakatanga. Tsaka, Best, andito lang ako palagi kung kailangan mo ng tulong," sabay yakap ni Maddi kay Ari. Kahit ganito man ito kainit ng ulo o kalakas magsalita, may pake din siya kay Ari. Lalong-lalu na't alam niya ang pang-aapi na ginagawa sa kanya.

"Balik na tayo? Kanina pa natapos ang recess," si Ari at tumayo silang umalis sa rooftop.

Nag-iingay na naman ang kanilang mga kaklase dahil wala pa ang kanilang next teacher. Nakupo din naman sina Ari at Maddi habang nakatutok sa binabasang libro.

"Nga pala, Ari. Narinig kong ikaw si Anna Hales sa True Love," panimula ni Maddi at tinaklop ang binabasang libro, "Sikat na Novel iyon ni Freena Graye eh at sikat si Anna Hales sa storya niyang iyon."

"Oo. Alam ko po," sagot ni Ari. Si Freena Gray ay isang scong year student na may talent sa paggawa ng storya. Novel man ito, actions o love story, kayang-kaya niya. Kaya karaniwan na pinapalabas ng mga Dram Club ay gawa niya.

"Kung ganoon, kayang-kaya mo bang i-act si Anna Hales??" si Maddi ulit.

"Tss .. Bahala na, Yung pangit namankasing iyon eh!" naalala na naman ni Ari si Nathan, "Pinilit ba naman ako kay Sir del Monte. Tapos nag-cold war sila ni Stephanie Hilson," patuloy ni Ari.

"Naks! Buti't pinagtanggol ka ni Nathan! Tsaka, dba si Stephanie Hilson ang rumored girlfriend ni Cole ??" nang pagkasabi iyon ni Maddi, naalala nito ang nakita kahapon. Sina Cole at Stephanie na magkasama. Hindi lang normal na magkasama dahil naka-akbay si Cole kay Stephanie.

"Ewan ko din. Baka nga siya," lumungkot tuloy ang mukha ni Ari sabay tingin ulit sa kanyang libro. Nang biglang nagsi-hiwayan ang mga klasmeyt niyang babae. Napasigaw na din si Maddi kaya nagtaka si Ari, hindi naman kasi ito sumisigaw kung papasok na sina Cole at Ryan pero bakit ngayon ??

"ARI!ARI!" si Maddi, napatingin agad si Ari sa may pintuan nila kung saan niya nakita si Nathan Hilario na nakatayo doon at mukhang may hinahanap.

"N-Nathan ?" napatanong nito nang tamang-tama na bumagsak ang tingin ni Nathan sa mata nito. Napangiti si Nathan sa may pintuan at sinenyasan niya si Ari na lumabas muna.

"Oy, mukhang ikaw ang tinatawag niya," sabi ni Maddi at may mukhang nagseselos.

"A-Ako?" hindi siguradong tanong ni Ari at tinuro pa nito ang sarili. Tumango lang si Nathan sa labas na nakangiti. Kaya ayun, tumayong naglakad palabas si Ari. Lahat naman ng mga kaklase niya masama ang tingin including si Maddi.

"B-Ba't tinawag mo ako??" tanong ni Ari.

"Akward, Hahaha. Pinapatawag daw kasi tayo ni Sir del Monte," sagot ni Nathan.

"Tsk! Tatawa-tawa pa!" si Ari nang matanaw niyang papalapit sina Cole at Ryan sa kanilang clasroom, "O-Oy Pangit!"

"Tara na!" sabay hila ni Nathan kay Ari. Pagtalikod nito sa may hagdanan para makaalis sila, si Cole agad ang nabungad niya na nakabulsa.

"Hmm .. So siya ang Anna Hales," nakangiting sabi ni Ryan sabay tingin kay Ari from head to toe. Napatingin din ito sa kamay ni Nathan na nakahawak sa kamay ni Ari, "Ah, Cole. Totoo pa lang magsyota sila. Wala ka ng pag-asa," pabirong sinabi ni Ryan.

"H-Huh ??" napatanong si Ari.

"Nga pala, Cole. Sa gym daw tayo ngayon din. Paki-tawag na din si Steph," masungit na ani ni Nathan na parang naghahamon. Matapos sabihin iyon, hinila niyang linagpasan sina Cole at Ryan tapos nagpatuloy sa paglalakad.

"Whew!" napa-ihip si Ryan, "Taray ni Nathan ah, siya na naman ba karibal mo kay Ari ??" nagbibirong tanong nito habang ang dalawang kamay at naka-taas sa may ulo nito.

"Huh?! Ulol, anong karibal na naman ? Di ko type yung Nerd na yun. Masyadong badoy manamit. Bagay lang sila kaya di na kailangang sumingit pa," sagot ni Cole na may pagkalamig at pagkasungit ng boses, "At Kayo naman ni .." natigilan si Cole nang makita si Maddi na kalalabas lang sa kanilang room, "Aahh .. Guess I have to go, Ryan. Bye," nakangising alis nito.

"Hoy! Paano yung transfering pupurmahan ko?!" pahabol pa na sigaw ni Ryan nang na sa hagdanan na si Cole na parang may hahabulin pa ito. Not aware, na andun pala si Maddi sa likod niya.

"Hmm .." naging malamig ang boses ni Maddi sa pagkasabi nun at biglang napatalikod si Ryan. Mkikta mo ang biglang pagiging nervous face ni Ryan, "Ganoon pala ah ??"

"Ah-Haha, J-Joke.." kinakabahang sagot ni Ryan.

"Wala akong paki," sabay lakad ni Maddi papunta sa hagdanan. Pababa siya. Humabol naman si Ryan sa kanya sa pagbaba sa hagdanan.

"Hoy, ba't ang bitter mo ??" napatanong pa ni Ryan eh alam na ngang galit yung tao. Pero para hindi mahalata masyado si Maddi, dire-diretsong naglakad ito, "Nga pala, may d-date ka na ba sa JS Prom ??"

Na sa baba na si Maddi nang matanong ni Ryan ito at medyo napahinto sa paglalakad, "Bakit ?" mataray nitong tanong.

"Ah-Tinatanon lang naman, taray nito .." medyo napabulong si Ryan sa kanyang sarili pero malakas na ito para marinig din ni Maddi.

"Pasensya na. Wala, "tipid nitong sagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"W-WALA?! S-igurado ka?!" mukhang napaexcited si Ryan.

"Natural, di ako sasali sa JSP niyo. Duhh," tsaka napabelat si Maddi sa kanya pero joke lang niya iyon kay Ryan. Sasali din naman siya sa JSP pero ayaw niya lang na ipaalam sa playboy na 'toh. Ano expect niyo ? Mataray eh

--------------

Salamat sa Oras na pagbasa nito :)

Na sa side po si Madeline Caroll.

Pa.Vote poh :)

A Nerd's Prom NightOù les histoires vivent. Découvrez maintenant