"8th prince?" Ang tanging nabanggit ni Ha Jin ng humarap ito sa lalaking naglahad ng panyo sa mukha niya.
"Huh?"
"Prince Wook?" nanginginig na hinawakan ni Ha Jin ang mukha ng binata habang patuloy parin ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mata.
"So-sorry Miss pero hindi ako yung tinutukoy mo" hinawakan ng binata ang kamay ni Ha Jin at unti unti niya itong binaba. Ilang saglit ay nagising siya sa katotohanang nakabalik na siya sa kasalukuyang panahon kung saan nakatayo siya sa painting ni King Wang So na nakatalikod at mag-isang nakatingin sa palasyo. Napatango siya sa kamukha ng Prinsipe na nasa harapan niya.
"Sorry" patuloy parin ang pagpatak ng kanyang mga luha kaya't pupunasan na sana niya ito ng kanyang kamay ngunit hinawakan siya ng binata at ibinigay ang panyo na kanina pa niya inaalok.
"Alam kong mabigat yung pinagdadaanan mo sana makatulong yang panyo na yan sa pagpagaan ng nararamdaman mo. Gamitin mo yan sa pag ipon ng mga luha at labhan para pag sa susunod mong gagamitin wala na yung mga luhang naipon mo, o pwede mo ring itapon nalang" ngumuti ito sa kanya at inalo ang likod ni Ha Jin "Maaari kayang ang panyong ito kayang masama ang mga ala alang dala dala ko hanggang ngayon?" tanong ni Ha Jin sa kanyang isip tumalikod na ang binata at naglakad palayo ng exhibit ngunit napahinto ito at tumingin ulit sa kanya.
"Ang pangalang Wook na sinabi mo kanina ang ibig sabihin nun sunrise di ba?" ngumiti ito sa kanya at naglakad ulit palayo.
Paalis na si Ha Jin sa kanyang pinagtatrabahuhang mall at tulala parin siyang naglalakad habang naaalala niya ang mga masasaya at malulungkot na alaala sa palasyo sa katayuan ni Hae So. Naluluha nanaman siya ng biglang maalala niya ang kanyang mga nakasamang prinsipe napatingin siya sa isang malaking billboard kung saan may siyam na lalaki at nasulyapan ang isang pamilyar na lalaki.
"Akalain mo yun sinong makakapagsabi na isang malungkot na nakaraan ang meron ka Baekhyun?" napangiti niyang bulong sa sarili at nakatingin parin sa larawan ng kilala niyang 10th prince na si Wang Eun.
"Sana nga.... Sana masaya na kayo ngayon tama na yung minsang pinagkaitan kayo ng tadhana sa palasyo" may luhang tumulo sa kanyang mata at nagpatuloy sa paglalakad. Napangiti siya ng makita ang isang larawan ni Wang So na nasa poste dahil sa exhibit na ginaganap sa pinagtatrabahuhan niyang mall bumalik ang lahat ng masasayang alaala nila ng hari, lahat ng sayang nararanasan niya ay unti unting napapalitan ng konsensya at sakit para sa hari. Napahagulgol nanaman siya sa pag-iyak tinalikuran na niya ang larawan at wala sa sariling naglakad na hindi alam ang gagawin, hindi niya kayang tignan ang larawan ng hari dahil kahit hindi ito ang mismong hari nakikita niya dito sa mata niya ang lungkot nito dahil lahat ng tao iniwanan siya wala siyang kasama, simula nang bata pa ito tanging si Hae Soo lang ang nagbigay ng buhay dito pero bakit? bakit nga ba niya iniwanan ang hari? ang hari na ginawa ang lahat para sa kanya.
*beep**beep*
Nagulat nalang si Ha Jin nang may nakayakap na sa kanya pero bigla rin siyang tinulak nito palayo.
"M.....Mahal na hari?" mas lalo siyang nagulat ng makita ang mukha ng hari sa harapan niya, kumunot naman ang noo ng binata sa pagkakasabi ni Ha Jin.
"Baliw ka?" naglakad na ito sa pedestrian lane para makatawid sa kabila habang si Ha Jin ay nagising at nagsisigaw na tawagin ang atensyon ng binata.
"Wang So!... So-yah!...." takbo niya hindi man lang lumilingon ang binata sa kanya.
" Peja......" [Peha - your highness] Hindi alam ni Ha Jin kung bakit niya parin sinusundan ang kamukha ni Wang So pero natutuwa siyang sundan ito at gusto yakapin ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Moon Lovers 2 [Fanfic]
FanfictionMatapos malaman ni Ha Jin ang kanyang nakaraan at ang malaking bagay na naitulong niya sa mahal niyang hari na si Wang So ng goryeo nakabalik narin siya sa kasalukuyang panahon. "Patawarin mo ako, dahil iniwanan kita" patuloy parin ang pag iyak niya...