CHAPTER 2

67 0 0
                                    

Nag aayos ng make up si Ha Jin habang iniisip ang mga nangyare kahapon hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyare, una nakita niya ang 8th prince na nagbigay sa kanya ng panyo na dala niya ngayon para ibalik kung sakaling makita niya ito ulit, pangalawa ang 10th prince na ngayon ay si Baekhyun, pangatlo si Jimong na nagpagulo nang isip niya at ang huli si Wang So napangiti siya ng maalala kung gaano kagwapo ang binata gustong gusto na niya ulit tong makita.

"Ha Jin may naghahanap sayo" Napangiti siyang humarap sa katrabaho niya.

"Sino daw?" Nagkibit balikat lang ito at muli siyang natuwa dahil hindi ito kilala ng katrabaho niya "hindi kaya si Wang So na ito at hinahanap na siya dahil sa naaalala na niya ang lahat? Pero paano nangyari yun?" Mga tanong na niya tila nag assume itong makita ang binata kaya excited niya itong hinarap.

"Ha Jin" napataas ang kilay niya ng makita kung sino ang naghahanap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ha Jin" nagulat nalang siya ng yakapin siya nito ng umiiyak at mahigpit, pero nagpupumiglas siya rito kaya nakatakas siya sa bisig nito at nagpakawala siya ng isang malakas na sampal.

"Ha Jin patawarin mo ako" lumuhod ito sa harapan niya nagulat lang siya sa ginawa ng ex boyfriend niya, kumunot ang noo niya pero wala siyang galit na nararamdaman dito.

"Umalis ka na"

"Hindi! Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako napapatawad, alam kong malaki ang kasalanan ko. Oo napagsabay ko kayo ng bestfriend mo pero siya yung unang nang akit sakin pero alam kong kasalanan ko parin kasi pumatol ako kahit tayo pa" tumulo ang luha nito, habang siya hindi man lang niya pinapakinggan ang mga sinasabi ng binata dahil ang iniisip niya ay kung bakit wala na siyang galit dito hindi niya maintindihan dapat ay nagagalit siya rito pero bakit ganon?

"Ha Jin mahal parin kita"

"Mahal? Naririnig mo ba yung sarili mo ngayon?" Natawa siya sa sinabi ng binata hindi siya makapaniwalang mahal parin o minahal siya nito dahil kung mahal talaga siya nito dapat hindi niya gagawin ang kahayupang ginawa nila ng bestfriend niya.

"Ha Jin oo nasaktan kita nagkasala ako sayo pero maniwala ka MINAHAL AT MAHAL PARIN KITA HANGGANG NGAYON" napakamot nalang siya sa kanyang batok dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Hindi mo alam kung gaano gumuho ang mundo ko ng malaman ko kung anong nangyare sayo sobrang nawasak ako at lalong nagpahirap sakin yung hindi ako makapunta sa ospital dahil pinag bawalan akong dumalaw sayo" nawasak rin naman ang mundo ni Ha Jin nung malaman niyang niloloko siya ng bestfriend at boyfriend niya kasama rin ang panloloko sa pagkuha ng bahay at ari arian niya napailing nalang siya sa naiisip niya bakit ba ganon wala siyang maramdamang galit rito dapat nga kinasusuklaman na niya ito.

"Ha Jin please patawarin mo na ako alam ko namang mahal mo parin......"

"Mahal? Hindi na" napangiti pa siyang tumingin dito nagulat ang binata sa sinabi niya at nakangangang nakatingala sa kanya.

"A-ano?"

"Sabi ko hindi na kita mahal" inulit niya ito na may ngiti sa labi tama kaya wala siyang maramdamang galit dito dahil hindi na niya ito mahal at nakapagmove on na siya nakatulong rin siguro sa kanya ang makilala ang mga prinsipe at si Wang So.

"Kung tapos ka nang magmukhang tanga jan tumayo ka nalang babalik na ako sa trabaho ko" iniwanan ni Ha Jin ang ex boyfriend niyang nakatulala sa mga sinabi niya at hindi na niya ito pinansin pa kahit na narinig niyang humagulgol ito ng iyak at nagsisigaw, sinisigaw ang pangalan niya.

Moon Lovers 2 [Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon