CHAPTER 3

23 1 0
                                        

"Good morning" nagulat si Ha Jin ng madatnang nasa kusina na ang kanyang pinsan habang naghahain na ito ng kanilang almusal.

"Eonnie nakatulog ka ba ng maayos?"

"Oo naman ang sarap nga ng tulog ko kaya lang nakasanayan ko na talagang magising ng maaga kaya naghain na ako ng almusal natin. Tara umupo ka na jan kumain muna bago ka maligo" ngumiti ito sa kanya gayun narin siya.

Tahimik silang kumakain ng mapansin si Ha Jin ang singsing nito.

"Eonnie sino nagbigay ng singsing mo?"

"Eto ba, hindi ko pa pala nasasabi sayo na kasal na ako"

"Jinja?" [Jinja - really] tumango ito sa kanya na nahihiya natuwa naman siya sa nalaman niya pero natigil siya ng maalala niya ang nakaraan nito.

"Eonnie, mahal ka ba niya?" Nagulat naman si Myung Hae ng magtanong ito at napangiti.

"Oo naman kapag ikakasal ka di ba kailangan nagmamahalan kayo" napanatag si Ha Jin ng makita niya ang ngiti ng pinsan niya talagang mahal na mahal niya ang lalaki. Sana nga mahal siya nito dahil gusto niyang maging masaya ito sa panibagong buhay.

"Eonnie, pwede ko bang makilala yung asawa mo?"

"Oo naman yun nga ang balak ko eh, naisip ko nga rin na dun ka nalang din tumira sa amin para magkakasama tayo"

"Nako Eonnie ok na ako dito"

"Sigurado ka ba? Baka malungkot ka dito"

"Hindi Eonnie sanay naman na akong mag isa"

"Sige magdinner nalang tayo mamaya"

"Sige Eonnie" 

"Annyeonghaseyeo" masayang bati ni Ha Jin sa isang dalagang pumasok sa store nila, hindi siya pinansin nito at dere deretsyong pumunta sa lipstick area nila. Pinagmamasdan niya ang dalaga habang pumipili ng lipstick na babagay sa kanya, napansin naman niyang nahihrapan ito at nakapili ng isang lipstick na dali dali naman niyang pinahid sa labi niya, napailing nalang siya at hindi na niya napigilang lumapit dito.

"Hello maam" malambing na bati nito tumingin naman ang babae na may maikling buhok na hanggang leeg at may bangs na maikli.

"H-Hi" bati nito nagandahan si Ha Jin sa kulay brown nitong mata at sa ganda nito.

"Mukhang nahihirapan po kayong pumili ng lipstick gusto niyo po bang pilian ko kayo ng mas bagay sa inyo?" 

"S-sige" napatango nalang yung dalaga habang may pagkailang sa kanya.

"Pwede ko ho bang tanggalin ang lipstick niyo?" nagulat pa ang dalaga sa tanong niya pero umoo narin siya na nahihiya. Binura ni Ha Jin ang lipstick sa labi ng dalaga ng maingat.

"Kapag po maglilipstick kayo ang kakapalan niyo yung sa korte ng lips niyo kung gusto niyo po ng matte pero pag gradient lipstick yung gitna ng lips ang makapal, pero maam mas bagay po sa inyo yung gradient lipstick meron po kaming two sided lipstick try natin sa inyo" maingat na nilagay ni Ha Jin ang lipstick sa dalaga.

"Ayan na po maam mas bagay po sa inyo ito"

"Wooow komawo" natuwa ang dalaga sa ginawa ni Ha Jin at kumuha ng stock ng lipstick na ginamit sa kanya.

"Bok Jooya! Tong!" [tong - chubs] kapwa nagulat ang dalawa ng makarinig ng lalaki na sumigaw sa likod nila pero higit na nagulat si Ha Jin nang mamukaan kung kaninong boses ang nagmamay ari sa boses na yon.

"Baek Ah!" may ngiti sa mukha ni Ha Jin na lumapit sa binata, laking gulat ng binata ng tawagin siya sa ibang pangalan kumunot din ang mukha nito.

"Aigoo! bagay sayo yung gupit mo ah!" lumapit si Ha Jin at hinawakan ang buhok ng binata na hanggang ngayon ay naguguluhan parin sa mga sinasabi ni Ha Jin. Mas lalong nagulat ang binata ng yakapin siya bigla ni Ha Jin, pumapalag pa ito hanggang sa humiwalay na ang dalaga at muling hinarap ito.

Moon Lovers 2 [Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon