Two

21 0 0
                                    

TWO:

Pagdating ko sa tapat ng HQ. Binuksan Nakakunot ang noo nilang lahat, na tumingin sakin.

“Oh? Anong problema?” tanong ko.

“Late ka na naman.” Sabi ni Titan

“Wala naming sinabing oras ng meet up ah., Bat ganyan mga istura nyo?”

“Maupo ka muna Reaper.” Edi umupo ako. Mukhang seryoso si Titan at yung ibang agents.

“Ehem. Asan na ba ako.” Tanong ni Titan

“Sa kung bakit anak ni Vice president ang target ng nasabing grupo.” Sabi ni Agent Tiger

“Ah, oo. Sa ngayon --.” Paliwanag ni Titan.

“Wait. Saglit lang. Ano bang pinaguusapan natin dito?” tanong ko.

“Kagabi muntik ng kidnappin ang anak ng bise president sa kanyang condo-uni,--”

“Eh, anong kinalaman nyan sa atin?”

“Pwede bang patapusin mo ko?”

“Sabi ko nga. Go on boss.” Sabi ko.

“Kutob  naming na may inside job na naganap sa nasabing Condominium kung saan nakatira ang anak ng Bisepresidente. Patay ang CCTV cameras. Pinatulog ang mga security guards. At nagiwan ng simbolo o logo ang mga kidnapper. Isang espada nakatirik sa bungo. Trademark ng Harrow Organization.

“ Matagal na naming silang iniimbestigahan. Nung una ay sangkot sila sa Human Trafficking at Child slavery. Limang taon ang lumipas sa Illegal Drugs at smuggling naman ang pinuntirya nila. Kamakailan lamang sila muling kumikilos. Nung hinack nila ang Government information site ng pulisya, swat at ng iba pang departamento, Nagpanic ang palasyo.Ngunit naitago natin ito sa publiko. Nung mga sumunod na araw,Napagalaman na blinablack mail nila ang ilang mga politiko para bigyan sila ng pera kapalit na pagsira or pagtago ng mga ibedensya at mga kabalbalan ng mga politiko. Dun nagsimula ang mga mystery bank accounts, perang di na tratrack ng Pamunuan ng Pamabansang Bangko. Mga international bank accounts ng mga politiko na nauubos ang laman. Mayroon din tatlong  propesor ang nawawala. Sila Dr. Gregorio Epilapas, Dr. Amelia Pillar at Dr. Sorpersilio Emeraldo. Ang nataguriang “Big Three” ang nakagawa ng lunas sa misteryosong sakit ng anak ng bise president nung bata pa, Ang Aegis. Sinasabing ang nagawang lunas ng tatlong propesor ay lunas sa lahat ng sakit. Pero naging kontrobersyal din dahil ang gamot ay custom. Ang bawat gamot kung baga dapat personalized sa DNA ng taong gagamit. Kaya tuluyang sinunog ang kopya ng Formula. Sa kalagitnaan ng taon ng pag hahanap ng ibang lunas ng tatlong ito. Bigla silang nawala. At nagsimula ng gumawa ng gulo ang Harrow Org.”

“Kelan pa sila nawawala?” Tanong ko kay Titan

“Magtatatlong buwan na.” sagot nya

“Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat? May ganto pala tayong mga impormasyon. Bakit di tayo kumilos?”

“Nagtanong ka pa Reaper, kung bakit ngayon mo lang nalaman.Tignan mo nga yang reaksyon mo, E kung nalaman mo to noon pa. Edi sumugod ka nanaman magisa. Dapat di Reaper code name mo e, dapat IMPULSE.” Sabat ni Agent Flare

“So ano ang pinaglalaban natin dito ha?” maangas kong tanong habang inuunat ang leeg ko at pinapatunog ang kamao ko. Tumayo ako at Tumayo din sya. Mag katapat lang kami sa mesa.

“Agent Flare! Agent Reaper tumigil kayo!” Sigaw ni Titan. Naupo naman kami. “Ngayon lang tayo kikilos dahil tama ang hula namin ni Agent Sage.” Tumingin  si Titan kay Agent Sage.

“May pattern ang kalaban. Nagsimula sila bilang mga ordinaryong sindikato. At marahil alam din nila ang tungkol sa atin. Dahil nagsimula lang ang kanilang Organisasyon matapos mawala ang CRYPTIC Monarch at napunta sa atin ang lahat ng trabaho. At di na natin napapansin ang kanilang kung baga “MINOR” Illegal transactions. Pero nagkakamali sila. Bumuo si Titan ng apat grupo na syang gumagawa ng mga Missions na patayin ang Black Market sa bansa. Ang Una ay ang ALPHA, sila ang bahala sa Drug smugglers, dealers, pushers. Ang Bravo ay sa Foreign goods smugglers. Charlie naman sa mga sindikatong nanguguha ng bata para ibenta ang organs o pagtrabahuin. Delta naman sa mga illegal na job agency at business. Kalat ang mga kasamahan natin sa mga departamento ng bansa bilang mga undercover agent. Namomonitor natin ang bawat galaw nila. Dahil sa bawat grupo at sindikato ang nahuhuli natin, pinupputol natin ang mga galamay ng Harrow Organization.” Sabi ni Agent Sage “Pagkatapos nila kunin ang tatlong propersor at makakuha ng pera. Nakutuban naming ni Titan na si Lucas Aragon ang kukunin nila sa susunod na pagsugot nila. At tama nga kami kaya ngayon lang tayo kikilos.Dahil sigurado na tayo sa motibo nila.”

 “Agent Cloak and Dagger. Agent Flare. Agent Reaper kayo ang Team Echo.”

“Wala naming nabanggit si Agent Sage na panlimang grupo.” Sabi ng kambal na sina Agent Cloak at Agent Dagger.

“Oo, kayo ang assigned sa Mission na ito. Hula namin maarin ay gumagawa sila ng gamot o sakit, ang Harrow Org, sa pamamgitan ng tatlong propersor na nawawala at ng mga perang nahuhuthot nila sa mga panblablackmail ng mga kilalang personalidad. At masama ang kutob ko dito, kung anong bagay man ang ginagawa nila. Kailangan nila si Lucas Aragon, ang nagiisang taong nakatanggap ng Aegis. Siya ang magiging human tester nila.” ---Titan

“E, anong kinalaman ko dyan?” tanong ko.

“Magiging body guard slash girlfriend ka ni Lucas Aragon.”

“HAH?! BAKIT AKO?”

“Dahil ikaw lang ang nagiisang babae dito, napwedeng magpanggap.”

“Pwede naman bestfriend na lalaki di ba?”

“Hindi, masyadong mahahalata. Di bale, kilalang Playboy ang anak ng bise presidente. Kaya di magiging kahinahinala ang biglang pagsulpot mo sa buhay nya.” Paliwanag ni Agent Sage.

"Eh, si Agent Reaper ? Patomboy tomboy yan e." Sabi ni Agent Bomb.

nagtawanan sila. "Agents." sabi ni Titan na nagpipigil ng tawa.

"Putek! pinagtritripan nyo ko! AYOKO!"

"Reaper di ka pwede tumaggi. Para to sa kapakanan ng publiko. Malaking gulo to kung di tayo kikilos. At masyadong silang matulas, matinik. Ito ang naiisip namin paraan para mapagilan sila with the essence of suprise." sabi ni Titan.

May point naman sya e. Hinawakan ko yung hikaw na bigay ni Lolo. Nalala ko yung sinabi nya non. kaya *sighs* “E ano pa nga ba ang magagawa ko. Malaki dapat sweldo ko!”

At nagtawanan lang sila. May nakakatawa ba sa sinabi ko? >_<

LockPoint: ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon