“Pfffffffffft……Hahahahaha.” Ang nagging bungad ko sa kambal.
Samantalang sila e nakatingin sakin, si Toby nakanganga, si Tommy kinukuskos pa yung mata akala mo naman namamalikmata.
“Parang nakakita kayo ng multo ah?”
“Rynne ikaw yan di ba?” tanong ni Toby
“Cain, saan mo talaga sya dinala sa parlor or sa plastic surgeon?” tanong ni Tommy
“Mga buset talaga kayo, bakit naka waiter at maintenance personel kayo? At tong si Cain e naka tux?” pagiiba ko ng topic.
“Para balanced, sila bahala sa cameras at sa ibang intel at tayo hahanapin natin si Sergio isa sya sa mga guest sa exbihit house, isa sa mga partners ng Harrow Org. sa plasyo ayon kay Agent Lily, pero gamit nya ang pangalan na Mr. Edward Jovi.” Pagpapaliwanag ni Cain
“Isa pa darating yung ‘boypren’ mo dito.” dagdag ni Tommy
“Uuuuuuyyy….. yieeeee, hart hart.” pagaasar ni Toby.
“Mamaya na ang asaran, anong oras ba yung exhibit?”
Tumingin sa wrist watch nya si Agent Cloak “8 pm actually nagsimula na sya.”
Nagakatinginan kaming apat at nagsitungo na sa dapat pupuntahan, dumaan yung kambal sa backdoor at kami sa front door.
“Good evening Ma’am and Sir” bati samin ng empleyado sa entrance “Name please.”
Sumagot si Cain “Mr. Daniel Decs.”
Tinignan ng lalaki yung listahan nya, “Mr. Decs please enjoy the night.” At pinapasok na kami.
“Decs?, haha talaga lang. ‘Daniel’.” pagaasar ko sa kanya.
“Heh, basta ito ang una nyong pagkikita ni Lucas, Magpinsan tayo yun ang storya----“
“Oo, alam ko ang plano, ako si Kristel Maris Tela, Nagaaral sa Tela Arts and Fashion School, Nagiisang anak ni Larry Tela at ni Mary Accino Tela. Magpinsan tayo, tagapagmana ka ng Decs Corporation, handa naman na di ba yung fake life history at documents natin di ba? Binasa ko yung plano sa sasakyan.”
“inuulit ko lang, baka di ka nanaman sumunod sa plano. Magpinsan tayo, ito ang una nyong pagkikita ni Lucas. Malalaman ni Lucas na ikaw nga yung agent na pinadala dahil dito.” Sabay bigay sakin ng champanage at may sinuot sya flower bracelet sa kamay ko. “Pagnakita nya na suot mo to, lalapitan ka nya at please lang Rynne, wag mong iwawala to at kung pwede ipakita mong nageenjoy ka kasama sya. May ilang media din dito.”
“Opo.”
At parang on cue, dumating ang Bise president at ang anak nya. Hinga ng malalim Rynne kaya mo to. Medyo natulala ako, pero umalis din ako agad at naglalakad lakad. Tinignan ko yung mga exhibit. Yung iba galing sa ibang bansa, yung iba galing dito sa pinas.
Mamaya-maya pa may lalaking pumunta sa stage.
“Ladies and Gentlemen, ito na ang iyong pinakahihintay, ang mysteryosong kwintas. Presenting to you Tears of Elise.!”
Narinig ko si Cain sa ear piece “Bantayan nyo yan.”
So what makes Tears Of Elise special?? Well, gold plated jewelry from pure gold and pearls as embelishments. Sabi nila ibinigay ito ng babaeng nagngangalang Elisa. Kay Mariano Ponce. At ang mga susunod na kabanata ay nawalawala, nakita ang diary ni Mariano kasama ito na may kasamang mantsa ng dugo. Kung kanino ang dugo who knows.
Naramdaman kong may taong nakatayo katabi. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko kung sino.
“Hi, I'm Lucas Aragon.”
END OF CHAPTER FOUR
BINABASA MO ANG
LockPoint: Zero
ActionReaper? Hindi ito ang tunay na pangalan ko. Sumumpa kaming mga Agent ayon sa Presidential Degree 1208 : To never reveal the real identity even in the times of jeopardy. Hindi ko dapat sasabihin ang tunay na pangalan ko. Pero mapagkakatiwalaan ka n...