THREE

19 0 0
                                    

CHAPTER THREE:

Di pa mandin nagsisimula ang araw ko. Pinatawag na ko ni Titan. May paguusapan  daw kami tungkol dun sa case ng mga Aragon.

"Mas tanggap ko pa kung body guard ang ipapagawa nila sakin. Kahit saan naman kasama yun. Pero bakit pang kailangan magpanggap ng GIRLFRIEND. Ewww. Yak!" at kunyaring naduduwal daw ako.

"EHEM."

"Ay bakulaw!" Nagulat ako ng marinig ko si Titan.

"Agent Reaper kung nagrereklamo ka. Siguraduhin mong nakaoff yang IRIS mo."

[IRIS: Wireless communication device. Ipinangalan kasunod sa greek goddess messenger  na si Iris. SInce adik sa Greek Myth si Agent Cooper.Maliit lang sya at madalas mapagkamalang pin]

"Shems, Hehe. Titan."

Nagbuntong hinga lang si Titan "Dalian mo at pumunta ka na dito."

"Aye! Aye!" at nagmadali akong pumunta sa HQ

Pagkarating ko dun.

"Titan! Ano bang paguusapan natin at magtre-training pa a.........ko....."

Sumalubong sa akin si Toby (Agent Cloak) at si Tommy (Agent Dagger). Na may nakaplaster na malaking ngiti sa mga mukha nila.

Pakiramdam ko masama ang pakay nila. Nakita ko din si Cain (Agent Flare) na nakaupo. WA PAKEL mode na naman.

"Anong nigingisi-ngisi nyo?" tanong ko sa kambal

Bago pa sila makasagot. Biglang nalang nagsalita si Titan.

"Nandyan ka na pala."

"Anong ginagawa ng tatlong yan dito?"

"Dahil sasamahan ka nila,"

"May panibagong mission ba kami?"

"Hindi. Sasamahan ka nila mamili ng gami--."

"Mamili? Eh, di ba kabibili lang natin ng materyals nila Agent Sage at Agent Cooper?"

"Patapusin mo ko magsalita Agent Reaper!"

"Owkay."

"Sasamahan ka nila mamili ng gamit at damit na gagamitin mo sa mission nyo."

"Per--"

"Oops, ako muna magsasalita. Kailangan nyong mamili ng gamit mo para sa PANSAMATALANG pagtira mo sa Condo. Katapat lamang yun ng Condo unit ni Lucas Arago----"

"Parang wala naman ata yan sa USAPAN TITAN!"

"May naganap bang usapan? Sa pagkakaalala ko. Basta basta ka lang umalis pagkatapos mong pumayag."

natameme ako dun.

"Dun ka muna titira sa condo unit na sarili mo, di ka muna pwedeng pumunta dito sa HQ para di mablow ang iyong cover.Paniguradon, susundan ka ng mga tauhan ng Harrow,upang tignan kung isa ka bang threat sa plano nila kay Lucas. Kasalukuyan ng nakatira ang mga Aragon sa Palasyo, at bibisi-bisita ka dun bilang girlfriend ni Lucas. Magpapanggap kang GIRLFRIEND at hindi BODY GUARD dahil, nang sa gayong paraan mas malaya kang makakapagimbestiga at makakapagmasid sa plalasyo, dahil nga sa paghihinala natin na pati sa palasyo ay napasok na ng Harrow Organization. Kung magiging Body guard ka nya, mas magiging limitado ang iyong paggalaw sa loob at lahat ng mata ay nakamasid sayo. Bilang girlfriend ni Lucas, less ang atensyon sayo dahil nga kilala si Lucas na playboy at di na lingid sa kaalaman nila na marami talaga at mabilis lang dumaan ang relasyon sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo Agent Reaper?"

LockPoint: ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon