My Boss is Mr. Arrogant (on Hold)

2K 12 4
                                    

PROLOGUE:

“Simula sa araw na ito dito ka na titira.” Tiningala ko ang mataas na gate na nasa harap ko.

Hawak ako ni tita Mariel sa kamay.

“Ang laki po ng bahay nyo,tita” puno ng pagka mangha kong sabi.

“Hindi ko bahay ‘yan. Bahay ‘yan ng amo ko. Momo,  simula ngayon amo mo na din sila.”

“Pero ,tita five years old pa lang po ako. Bawal pong magtrabaho ang mga batang katulad ko di’ba?”

“Sino naman ang nagsabi nyan sa’yo?”

“Nasa labor code po iyon di’ba?”

Nakita kong napanganga si Tita sa mga sinabi ko.

Napangiti naman ako. Hindi halata pero may tinatago naman akong talino.

Henyo ba ako?

Hahaha!!!

Hindi.

Narinig ko lang ‘yun sa kung saan. Sinubukan kong sabihin kay tita para hindi nya ako uutusan parati.

Mukhang effective!!!

(^________^)

##########

Prinsipe kaya sya?

Pero pang prinsipe ang suot nyang damit. Siguro prinsipe talaga sya.

Inakay na ako ni Tita palapit doon sa prinsipe.

Ang galing may prinsipe pala sa Pilipinas.

“Señorito Haru,” pagtawag dito ni Tita.

Humarap naman sa amin yung Prinsipe.

Parang ang sungit naman ng prinsipe na’to.

Lukot kasi ang mukha nya.

“Señorito ito nga pala ang pamangkin ko, si Momo” pagpapakilala sa akin ni Tita Mariel.

“Hello sa’yo…” pagbati ko.

Binigyan lang ako ng isang masamang tingin.

Sungit!!!

“I will be leaving.” Yun lang at umalis na yung Prinsipe at iniwan kami.

“Ang sungit naman ng prinsipe na ‘yun Tita,” sabi ko ng makaalis na sa harap namin yung masungit na bata.

“Naku hindi yun prinsipe, Momo. Naka costume lang yun dahil may play sya na-aa-te-nan.”

“Ganun ba? Mabuti naman po, kasi sa sungit nya ay hindi sya bagay na prinsipe.”

Natawa na lang si Tita at inakay na ako papasok sa servant quarter ng mga katulong.

At iyon na ang simula ng pagbabago ng buhay ko…

My Boss is Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon