CHAPTER 2

638 17 1
                                    

CHAPTER2

"Alam ko naman na may galit kayo sa akin. Dahil sa madaldal at maingay ako. Dahil sabi nyo nga pakialamera ako at parang megaphone kapag nagsasalita. Masyado din akong matanong at kahit wala akong gawin kahit ang makita lang ang mukha ko ay naiinis na kayo. Pero Señorito Haru hindi naman po 'ata makatarungan na tanggalin ako dahil lang sa pumitas ako ng isang sunflower ng palihim. Nagandahan lang naman po talaga ako. At isa pa kung tatangalin nyo ako magrereklamo po ako, ipaglalaban ko po ang karapatan ko. Kaya kung ako--"

"Shut up!!!" medyo malakas na sabi ni Sir Haru.

Automatic naman na tumigil ang bibig ko sa pagratsada ng pagsasalita. Mas lalo din akong kinabahan at nanlamig sa takot.

Ayon nga kinuha ni Sir Haru yung picture ko na nakuha sa labahin nya.

"Simple lang naman yung tanong ko. Where did you get this?"

Bumuka yung bibig ko. Pero binigyan nya ako ng matalim na tingin na parang nagsasabi na just-answer-my-question-briefly-or-your-dead.

Tinikom ko ulit ang labi ko bago mahinang nagsalita. "Nalaglag po iyan galing sa mga labahin na kinukuha ko."

"Are you sure?"

"Opo," maiksi kong sabi. Pero dahil kating kati na akong magpaliwanag ay bumuka na naman ang bibig ko. "Sir Haru binigay ko kasi yung flower sa isang kaibigan kasi—"

"One more word from you and I'll make sure wala ka na dito bukas." pagpuputol sa akin ni Sir Haru.

Matalim na din yung mga tingin nya sa akin.

 

Shut up nga kasi Momo...

"Go. Leave me alone." Tinalikuran na ako ni Sir Haru.

"Pero—"

My Boss is Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon