CHAPTER 3

631 12 0
                                    

######################################################################

MAHIRAP GUMAWA NG THESIS

#####################################################################



CHAPTER 3

My Boss is Mr. Arrogant

 


After a month makakasama ko na araw-araw si Aki.

Makukuha ko pa yung course na gusto ko.

Naupo ako sa gilid ng pool sa mansyon at nilublub ang mga paa ko sa tubig.

Summer ngayon kaya ang init kahit gabi. Isa pa hindi ako makapaniwala. Hindi ako sinumbong ni Sir Haru. At may maganda na akong school. Balak ko talagang kumuha ng Finance.

Thank you po, Lord. Alam kong ito po ang kapalit ng lahat ng pagtitiis ko sa ugali ni Señorito Haru.

Tumingala ako sa langit na punong puno ng bituin.

Nay,

 

Tay,

 

kinulit nyo po si God, 'no?

 

Salamat po at bina-back-up-an nyo ko dyan.

Miss ko na po kayo.

 

Sobra.

"Anong tinitingala mo dyan?"

Nagulat ako ng may magsalita. Agad akong luminga linga para hanapin ang pinangalingan ng boses.

May nakita akong umilaw.

Si Sir Haru iyon. Pinailaw nya pala ang cellphone nya.

 

Kanina pa kaya sya dun?

Madilim kasi sa kinauupuan nya. Sadyang hari sya ng kadiliman dahil ang hilig nyang lumugar sa madidilim na paligid.

"Hey I'm asking you." sabi nya.

"Tinitignan ko lang po ang langit."

"Bakit anong meron sa langit?"

"Stars po."

"You like stars?"

Sandali nga. Parang ang haba na ng usapan namin, a. At sya pa talaga ang nag-i-initiate ng usapan.

 

Anung meron?

"Ikaw Señorito Haru, when was the last time you look up the sky and appreciate the beauty of the stars?"

Tinitigan muna nya ako bago tumingala.

"How could I appreciate something so far?"

"Alam mo ba na yung mga stars na nakikita mo ngayon ay two years ng sumabog? Ganun sila kalayo. A million light years away. Yung nakikita natin na liwanag nila, two years ago pa yun. Matagal kasi ang travel ng time sa space kaya yung liwanag nila matagal ang travel."

Bumaba ang tingin nya sa akin.

"Bakit mo sila tinitignan kung wala na pa sila ngayon?"

"Kasi they remind me of my parents. Matagal na silang wala pero alam kong katulad ng mga bituin, yung liwanag nila ginagabayan pa rin ako."

Bakit kaya ako nag-o-open up sakanya? Anong meron?

"I know ayaw nyo ako sa school nyo. I know na hindi ako bagay dun pero sana bigyan nyo naman ako ng chance to prove myself." ini-open-up ko na yung issue tungkol sa paglipat ko ng school. Sayang kung palalampasin ko pa habang matino kausap si Sir.

"You don't understand me. You don't belong there."

 

Ouch!!!

Grabe, hindi man lang bumusina.

"I'm afraid na baka mahawaan ka ng pagiging matapobre nila."

Ayun naman pala,e. Maganda naman pala yung reason nya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

May concern din naman pala sya sa akin.

"Isa pa ayaw ko ng iistorbo sa akin dahil magsusumbong na inaaway sya ng mga ka klase nya."

Napangiwi naman akn sa mga sinabi nya.

Maganda na sana,e.

Tumayo na si Señorito Haru.

"Clean the pool tomorrow. Gusto kong magswimming sa malinis na pool."

Malinis naman ang pool. Bakit naman kaya?

Tinignan ko ang mga paa kong nakalublob sa pool.

Napaka arogante talaga!!!

 

Hmmfff...

My Boss is Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon