1. Where Do Broken Hearts Go

30 4 11
                                    


Chapter 1

Abril 2014.
Outing Part 7

Unang gabi ng outing namin noon. Malamig ang ihip ng hangin. Maaliwalas ang kalangitan. Kitang-kita ang mga bituin. Mabilis na dumaan ang gabing iyon. Inuman, kainan, videoke at napakahabang kwentuhan. Sino ba namang mag-aakalang yun na ang gabi na makakapagbago sa lahat.

••••••••••••

"Naaalala nyo pa ba nung fourth year nung pinag-wrestling ni Miss Tina sina Mong at Janus sa Physics?",tanong ni Kara sa aming apat.

"Sino ba namang makakalimot dun? Epic! Sana may copy pa rin si Nathan ng video nun. Hahaha!", sagot ni Cathy.

Paminsan-minsan na lamang kami nagtitipun-tipon  mula nang nagtapos kami ng high school. Madalas pa ring pinag-uusapan ang mga alaala namin na apat na taon nang nakalipas. Natatawa pa rin kami na tila may nagbago sa istorya pero wala naman. Marami na ring nagbago sa amin, edad, pananaw sa buhay at ang bigote ni Raul.

Lahat kami medyo tipsy kasi nakainom na. Habang yung iba naming kasama umiinom pa sa balkonahe ng resthouse, una akong umalis doon para magpahangin sa ilalim ng puno. Sumabay na din pala yung iba sa akin. Nagkukwentuhan kami tungkol sa mga masasaya at hindi makakalimutang pangyayari nung high school pa kami.

Lima kaming nakatambay sa mesa sa ilalim ng puno kaharap ang dagat. Kami nina Kara, Elise, Raul at Cathy.

"Hoy Raul! Ikaw, kamusta na yung boyfriend mong guapo?", tanong ni Elise.

"Si Marco?", sagot ni Raul na tila biglang nanghina. "May girlfriend na sya, bes."

Hindi ko alam kung si Raul ang ipinagpalit sa iba o ako. Para yatang ako rin yung nasasaktan sa nangyari sa kanya. Isipin mo na lang kung ikaw babae tapos ipinagpalit ka sa bakla.

"Oo nga pala, parati ko silang nakikita sa school. Hindi naman sila sweet pero obvious talaga na girlfriend nya yung girl.", sabi ko. Medyo nagsisisi ako na nabanggit ko iyon. Bakit ba kasi wala akong preno kapag nagsalita.

Nagulat sina Elise, Kara at Cathy. Iisang school lang kasi kami nina Raul at nung ex nyang si Marco.

Si Elise na halatang hindi suportado sa same-sex relationship nag tanong, "Raul, wala na bang chance na umibig ka ng babae? May babae pa naman para sa iyo."

"Noooooo!",sabi ko. Dios mio, Elise.

"Oh my god. Can you not?", ani Kara na nanlaki ang mata.

Tapos si Cathy tumatawa na lang. Napatahimik na lang si Elise. "Devoted christian" kasi siya.

Hindi naman sa bakla din ako, pero mahal ko si Raul bilang kaibigan. Andami na naming napagdaanan. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba, susuportahan ko siya. Total isa rin naman ako sa mga unang tao na nakaalam at tumanggap sa pagka-bading niya.

Medyo nagsisigawan at nagwawala na si Raul matapos niyang ikwento ang mga alaala nila ni Marco nung sila pa. Dagdagan pa ng mga reaksyon naming apat. Ikinwento niya lahat ng pinagdaanan nilang dalawa, ang pagtatago sa relasyon nila, ang pagpapanggap sa iskwelahan na magkaibigan lang daw sila. "Tangina mga bes, yung relasyon namin, dalawang taon pero sikreto. Sila, dalawang linggo pa lang nagho-holding hands in public na. Unfair talaga ang buhay pag bakla ka! FUCK YOU MARCO NEPOMUCENO!!!" Hinahampas-hampas niya na ang mesa.

Malungkot nga yung kwento nya at napaiyak kaming mga babae pero napatawa kami sa pagmumura niya. Kung hindi kayo magkakilala ni Raul malaki ang posibilidad na magkaka-crush ka sa kanya kasi ang tangkad niya, guapo, matipuno, lalaking-lalaki. Pero heto siya sa harap ko, umiiyak na parang batang namatayan at nagmumura na parang tanga.

Andami naming pinag-usapan. Andaming pinagtawanan. Pero nung sinabi ni Raul ang pinaka nakakagulat na detalye tungkol sa ex niya, doon na kami umiyak nang sobra. Sabi niya hindi na raw siya makapag-isip ng tama sa mga araw na dumadaan dahil sa nangyari. Hayyyy, bakit pa kasi kami pumunta sa topic na iyon. Akala ko yun na ang pinakamasakit na eksena sa gabing iyon. Hindi pala.

"Kara, okay na ba kayo ni Matt?" tanong ni Cathy.

"Excuse me, apat na taon na kaya since high school. Wala na sakin yun.", sagot ni Kara.

"I think kailangan mo talaga kaming i-update every year baka sakaling, alam mo na hahaha", pa biro kong sinabi.

"Maggie, kami yung nag break. Kaya hindi ikaw yung dapat na mag move-on." sabi ni Kara.

Natawa ako sa sinabi niya. Mahirap talaga kapag ilang taon mong sinubaybayan ang drama ng buhay-pag-ibig ng iba. Siguro naging overattached ako sa kwento nila. Isa pa, ang saya kayang pagmasdan ang mukha ni Kara kapag naibabanggit namin si Matt sa usapan. Namumula siya na parang nahihiya. Diba apat na taon na? Bakit kaya parang walang nag bago sa kanya? Normal lang sila kung kumilos kapag magkasama kaming mga dating-magkaklase. Parang magkaibigan, nag-uusap din pero alam mo talagang may namamagitan sa kanilang dalawa o may namagitan na. Ewan.

Ang love story nila ni Matt ang isa mga pinaka nakakainis na love story na aking na subaybayan sa buong buhay ko. Napakaraming eksenang puno ng pag-asa pero di naman nagtapos sa happy ending.

"Apat na taon na nga, ang tanong, siya pa rin ba?", tanong ni Raul na nahimasmasan na.

Napatingin sa taas si Kara. "I think there will always be a part of him in me.", seryoso niyang sinabi tapos humalaklak siya nang malakas. "Kayo ha, wag ako. Please lang.", dagdag niya.

"Eh ikaw Maggie. . .siya pa rin ba since high school?",pabirong sinabi ni Cathy. Minsan talaga ang sarap nyang batukan.

"HA HA HA! Alam ko yan!!", sigaw ni Kara. Nag-high five pa silang dalawa. Akala ko ba silang dalawa ang pinaka close friends ko sa college years ko. Bakit nila ako binu-bully. Napapadalawang-isip tuloy ako sa mga desisyon ko sa buhay.

Hinila-hila ako ni Raul. Magkakapasa ako nito sa katawan ang lakas kasi niya.

"Ano yan! Bakit hindi ko alam yan!", sabi ni Raul na excited malaman kung ano ang tinutukoy nina Cathy at Kara.

Nahihiya tuloy ako.

"Kilala mo yan, Raul. Nandito siya ngayon sa resort kasama natin!", sabi ni Kara. Si Cathy naman tawang-tawa na. Ano ba 'tong pinasok ko.

"Sandali lang ihing-ihi na ako.", sabi ni Elise na nahirapang tumayo at nahulog sa buhangin kasama ng upuan niya. Napatawa kaming lahat.

Mga ilang segundo lang lumapit si Ramon sa tambayan namin. Si Kara nagulat at napatingin kay Cathy sabay silang tumawa nang napakalakas at tumakbo paalis.

Napanganga si Raul dahil na gets niya na kung sino ang tinutukoy nilang dalawa. Dali-dali rin siyang umalis at kinaladkad si Elise kasama niya.

Shit.

Inayos ni Ramon ang upuan na natumba sa buhangin at umupo siya sa upuan sa tabi ko.

"Anong nangyayari dito, ba't sila biglang umalis? Ang weird naman.", sabi niya.

Hindi ako makahinga. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Feeling ko talaga magkaka-panic attack ako nang sandaling iyon.

"Secret.", sagot ko sa kanya at umalis na din ako.

Ramon Emilio Guevarra, ikaw pa rin. tangina.

end of chapter 1: Where Do Broken Hearts Go

(Untitled)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon