2. Manhid + Torpe

13 4 6
                                    


Chapter 2

Nakilala ko si Ramon Emilio Guevarra nung nasa highschool ako. Apat na taon kaming naging magkaklase. Tatlong taon kaming naging seatmates. Pero paano o bakit nga ba nahulog ang loob ko sa kanya?

Yan ang hindi ko rin alam.

•••••••••••

Marso 2008
Outing Part 1

Bakasyon bago kami mag third year, nag beach outing kaming mga magkaklase. Outing "daw" ng section B. Sa dinami-dami namin sa klase, 10 lang kaming sumama.

Dalawang linggo matapos ang pasukan ang lakad namin. Isang pribadong beach house ang aming pinuntahan na pag-aari nila Raul.

Di tulad ng mga lakad namin sa college, maaga kaming nagising at naka plano ang lahat.

5:00am pa lang naglalakad na ako papunta sa bahay nila Raul kasi doon kaming lahat magkikita. Wala masyadong tao sa daan kasi madilim pa. Malapit na ako sa bahay nila nang may dumaan na bike at eksaktong huminto sa tapat ng bahay nila.

Si Ramon.

"Aba, Ramon ang aga mo a.", sabi ko.

"Sabi niyo 5:00am diba?", tanong niya.
Pilosopo

"Oo. 7:30 nga pasok natin 8 kana dumadating."

Ginulo niya buhok ko. "Ikaw talaga. I-text mo nga si Raul na lumabas na."

Mukha ba akong bata?

nasa labas kami ni Ramon. baba kana. tinext ko si Raul

Nagsidatingan na iba naming kasama.
Nauna si Cathy tapos si Mong. Tapos sunud-sunod na ang iba. Hindi na bago na wala pa rin si Kara. Maya-maya'y lumabas na ang driver nila ni Raul.

"Magandang umaga po.", bati namin.

Pinapasok niya kami sa loob. Umabot pa ng isang oras bago nakababa si Raul mula sa kwarto niya.

"Tara na.", anyaya niya.

Nakasakay na kami sa sasakyan nung 6:30 na. May natutulog, may kumakain, may gumagamit ng cellphone. Sa window side ako nakaupo, magkatabi kami ni Ramon sa likod at nakapikit na ang mga mata niya. Inaantok na rin tuloy ako pero parang naramdaman kong parang may kulang. Buti na lang naalala ko bago kami maka labas ng subdivision.

"Hala! si Emil at Kara wala pa!",nilakasan ko ang boses ko.

Tinulak ako ni Ramon dahil nagulat siya kaya na natamaan ng ulo ko ang bintana. Ang sakit nun. Tinakpan niya ang bibig ko pati ilong kaya hindi ako makahinga. Ang laki ng kamay niya. Kinurot ko pisngi niya para makawala.

"Akala ko ba kompleto na tayo?", sabi ni Mong na medyo nagalit na. Mukhang inaantok siya at di pa naliligo.

Dumaan kami sa bahay nila ni Kara para sunduin siya pati na rin si Emil sa bahay nila. Halatang kakagising lang niya. Bitbit niya ang kanyang bag at may puting tela siyang dala-dala.

"Tol ano yan, brief mo? haha!", tanong ni Janus na tumatawa na.

Hindi nga siya nagkamali. Brief nga yung dala ni Emil. Haha!

(Untitled)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon