Chapter 3Abril 2014
Outing Part 7Ano ba 'tong nararamdaman ko? Naiinis ako kay Cathy at Kara. Natatakot rin ako na baka malaman na nilang lahat.
Natatawa ako sa timing ng pagdating ni Ramon.
Naiiyak ako dahil tumabi siya sa akin.
Nababaliw na yata ako.Nang iniwan ko si Ramon sa tinatambayan namin, umakyat ako sa kwarto. Nandoon silang lahat. Si Cathy, Elise, Kara at Raul. Nakahiga sila sa kama at nagtutulog-tulugan.
Kumuha ako ng unan at pinaghampas sila isa-isa.
"Ang sama-sama niyo!" tumatawa na ko kasi pinagtatawanan na nila ako.
Tumayo si Raul. Niyakap niya ako. "Sorry Maggie. Kung alam ko lang sana."
"Sorry Maggie." sabi ni Cathy na natatawa pa rin.
Akala ko ba naman seryoso na kaming lima. Bigla akong tinulak ni Raul sa kama at hinampas nila ako ng unan. Tumatawa pa sila.Mga bully talaga.
"I want to talk about this.", sabi ni Elise .
HAHAHAHAHAHAHA wow English. Iba talaga pag nakainom si Elise. Kung hindi niya kami kwentohan tungkol kay Jesus Christ, panay naman ang English niya.
"Boba ka talaga Elise. Tumahimik ka.", sabi ni Cathy.
"Bakla!", sigaw ni Elise.
HAHAHAHA
Nakahiga na kami at nagsimula ng panibagong topic: Ako.
"High school. . ." sabi ni Cathy.
"Tanginang high school. Buti na lang graduate na tayo." ,Kara
"Maggie, yung feelings mo kay Ramon, OHMYGOD my feelings ka kay Ramon. Wait. Shit." Parang kinilig tong si Raul. "May feelings ka sa kanya nung highschool pa?"
"Oo." Sagot ko.
"Kelan dun???" tanong ni Raul.
Tahimik si Cathy at Kara kasi matagal na nila itong alam. Nung nag college kasi kami, palagi kaming magkasama kung weekend. Naging "tight" ang friendship naming tatlo.
"Nung patapos ang fourth year.", sabi ko.
Ikinwento ko sa kanila ang lahat.
••••••••••••••
Sino ba naman makakalimot sa high school experience nila? Masaya man o hindi, siguradong hindi mo yan makakalimutan. Lalo na pag una kang in-love nang mga araw na iyon o unang nawasak ang puso mo.
Pasukan na pagkatapos ng dalawang linggo na walang pasok. Sem Break.
Isa lang ang natatandaan kong nangyari nung break na yun.Nakipag-"break" ang una kong boyfriend sa akin.
Siya si Jacob, mvp player ng basketball team sa kabilang school sa lungsod din ng Sta. Luisa. Guapo, maputi ang balat, namumula ang mga labi, angkan ng demonyo, mas masahol pa sa diablo, mukha siyang masarap tadtarin at ipakain sa mga pating.
Dati kaming magkaklase nung gradeschool. Nagkakilala kami ulit nung bumisita ang basketball team ng school nila para tumulong mamigay ng relief goods sa program na school namin ang namuno.
BINABASA MO ANG
(Untitled)
Teen Fiction"Hindi na ako naniniwala sa pag-ibig." not your typical boy meets girl story. Hango sa tunay na pangyayari. (kwento ng pagkabigo, paghihintay sa wala, pagdurusa, pagsisisi at marami pang masasakit na pangyayari pero ano kaya ang ending?) //written...