CHAPTER 4

127 67 52
                                    

CHAPTER 4
First kiss. Sa panahon ngayon hindi na nila pinapahalagahan ang bagay na iyon. Pero ako? Huwaaa! Kahit na single ako. I want my first kiss happened in a romantic way. Not in accidental way. Gusto ko yung kikiligin ako. Yung may sweet message muna sasabihin yung guy bago nya ako I kiss. Yung ganun. Kaso hindi na iyon mangyayare pa. nakuha na. wala na.

" Claire? tulaley ka. Ayos kalang?namumula ka. Kanina pa kita napapansin, wala ka sa sarili mo." Hindi talaga ako maka get over sa nangyare kanina. Bakit parang ang bilis nang pangyayare. Nangyare ba talaga yun?

" Hoy! Claire marie ! may sunog!" agad akong bumalik sa katinuan nang sumigaw si shaine.

"Nasaan?! Nasaan?! Alis na tayo dito, biliiiis!" agad akong tumayo at hinawakan ang kamay ni shaine para sabay kaming umalis sa may sunog.

Tatakbo na sana ako nang makita ko yung mga tao. Nakatingin saakin.

Sa akin ba o sa katabi ko kung may katabi man ako. Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko at likod ko wala naman.

Wala naman akong katabi bukod kay shaine.

Wala namang sunog. Napansin kong nasa fast food pala kami.

Ok, walang sunog. Lahat nag tao dito sa akin nakatingin. Anong meron?

Napatingin ako kay shaine nang pipigil ng tawa. Dun ko lang napag tanto ang ginawa ko. Na naman! Panibagong kahihiyan na naman. Grabe kota naako dito ah.

Nag peace sign ako sa mga tao dito. Napayuko nalang akong umupo sa upuan ko.

Grabe anung nangyayare sayo Claire? Tulala ka lagi. Sinamaan ko ng tingin si shaine. na nag sasabing 'mamaya ka sakin, makuha ka sa tingin.' Ngiti lang ang sagot nya sakin. Badtrip.

Sya na nag prisentang mag order ng makakain namin.

***

Monday na. pero tinatamad parin akong tumayo. Ito ata ang tinatawag nilang Monday sickness.

Malawak ang university na ito. Maraming classroom building. Maraming mayayamang studyanteng Pakalat kalat dito. Mga nag sososyalan. Nag papayamanan at nag yayabangan.

Tsk! mga mayaman nga naman. Hindi naman kami ganun kayaman. May kaya lang kami.

Gaya ng I.Q. ko average level lang din kami.

Hindi mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang na nakakain ng 3 beses sa isang araw at kaya naman matugunan nila mom and dad ang tuition ko.

Kahit na ganun kamahal. Exclusive school kasi tong university na pinapasukasan ko. Pang mayayaman talaga.

Hindi ko kasama ngayon si shaine dahil may pupuntahan daw muna syang importante. Kaya mag isa nanaman ako.

Maaga pa naman kaya tumambay muna ako sa garden. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito. Ang ganda pa ng mga puno. Ang mga halaman. Nakakarelax tumambay dito.

Ibinababa ko muna ang bag ko para makaupo ako ng maayos sa ilalim ng puno. Nakasandalsa katawan nito bhabang nakapikit. Dinadamdam ang simoy ng hangin.

"Ouch!" may taong bumangga sa paa ko. Napatid ata sa paa ko. Ang tanga naman ng taong yon.

Napadilat ako. At tinignan ko kung sino yung tangang nadapa sa paa ko.

*Dugdug Dugdug

Ano na naman tong naririnig kong dugdug.bwisit to ah. First day of class palang naman kaya wala pang quiz yan. Kaya wag kang kabahan.

Ang sama ng tingin nya saakin. Akala nya siguro pinatid ko sya. Eh sya nga tong tatanga tangang hindi tumitingin sa dinadaanan nya.

Lumapit sya sa akin ng masama ang tingin ka akala mo ay papatay ng tao. habang papalapit ng papalapit sya.

biglang nag flashback sa aking ang mga nangyare noong sabado sa mall. naramdaman kong nag init ang mukha ko sa naalala ko.

Ang liit nga naman ng mundo oh. Sa dinami-rami ng ng taong pwede kong Makita dito sa school bakit sya pa? hindi naman sa pag mamaganda ko ano. alam kong gwapo sya. Pero ano kasi eh.

Ang akin lang, hiyang hiya ako sa nangyare sa amin nung sabado.

Yung feeling na sya yung unang nakahalik sakin, at yung ano ko naramdaman nya, basta yung ano ko, yung dalawang bundok ko. Naramdaman nya. Dumikit din sa dibdib nya. Whaa! Nahihiya na talaga ako.

"miss, are you ok? Namumulta ka." Nabalik ako sa katinuan nang hawakan nya ako sa balikat at inalog-alog. Nanlaki mata ko ng ma-realize ko na kanina pa pala ako nakatulala sakanya. Whaaa! Another kahihiyan na naman to. Ano bang nangyayare Sayo Claire.

Puro katangahan nalang ang nangyayare sayo!

Agad akong tumayo at tumalikod. Satingin ko wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. huhu!

Tuluyan na akong nag lakad. "miss wait!" narinig kong tinatawag nya ako. Pero hindi ko sya nililingon. Hiyang hiya na ako sa kanya.
Feeling kong sinusundan nya ako. Kaya mas lalong binilisan ko ang lakad ko. "miss wait lang!" nang tawagin nya ulit ako agad na akong tumakbo.

Naramdaman kong may humawa sa braso ko kaya napatigil ako. "wait lang. ang bilis mong tumakbo"hingal na hingal syang nagsalita.

Halatang napagod sa layo ng tinakbo namin.
Bakit nya ba kasi ako hinahabol? ano bang kailangan nya sakin? No choice na ako kundi harapin sya.

Humarap ako sa kanya na parang walang nangyare. "o-oh, i-ikaw pala. Long time no see ah. Hehe." Ayst! Parang mali yung intro. ko.

Nakita kong kunot noo nya akong tinignan. "by the way. Gusto ko lang naman ibigay sayo to. Sayo ata to. Naiwan mo." Ohmyghad! Kaya pala parang ang bilis kong tumakbo. naiwan ko pala bagpack ko.

"Ha? Ay. Hehe! " nanlaki nanaman ang mata ko sa narinig ko. And AGAIN naramdaman ko na nag init na naman ang mukha ko sa kahihiyan. ULIT! Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya.

"thank you" kinuha ko na yung bagpack ko at paalis na sana nang maramdaman kong biglang humigpit ang pag kakahawak nya sa kamay ko. Nakalimutan kong hawak nya pala ito. Napatingin ako sa kamay nan a hawak nya. Ito na naman ang pisteng dugdug na to. Ang lakas grabe parang gustong lumabas sa dibdib ko. Nakakahiya baka naririnig nya.

"can we talk?" napatingin ako sa kanya. nakita ko na naman ang gwapo nyang mukha. Yumuko ulit ako dahil hindi ko sya kayang titigan.

Nakakasilaw ang ka gwapuhan nya. Baka may muta pa ako sa mata mahirap na. baka ma turn off sya saakin.

WHAT THE!? Ma-turn off?! Ano tong pinag sasabi ko!
Erase! Erase! Erase! Sobrang gwapo nya para sakin. Di kami bagay.

ANO TONG PINAGSASABI KO? ANONG HINDI KAMI BAGAY? BAKIT MAY GUSTO KA BA SA KANYA? HA?! HA!?
UGH! Parang mababaliw na ako ditto. Konti nalang.
"ah. Ano kasi eh. Baka kasi late na ako. Ah! oo nga late na ako" lalo nyang hinigpitan ang pag kakahawak nya sa kamay ko.
" maaga pa. hindi kapa late." Ay! Oo nga!

"F-fine. About what?" bahala na. parang ayaw nyang bitawan ang kamay ko eh. Baka crush nya ako. Charing lang!

Life of Being Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon