5

2.3K 53 3
                                    

---------x


  Aira (POV)


"Miss pres. Saan ko po ito ilalagay?" tanong ng class secretary saakin patukoy dun sa iba pang heart na ikinalabit sa iba't ibang parte ng campus.

"Diyan nalang sa tabi ng round table," sabi ko nalang bago niya nginitian ng kaunti.

"Masama ba pakiramdam mo, Miss pres?" tanong naman saakin ni Danica; ang Auditor namin.

Nakita ko ang bahagyang paglingon sa gawi namin nung mga ka-officers ko.

"Hindi naman, napuyat lang kagabi," sagot ko lang bago bumaling dito sa heart na ikinakabit ko. Ay bwesit

"March na pala bukas," bulong ko.

"Ano? February 1 palang bukas, Miss Pres!" paliwanag ng katabi ko na nakarinig pala ng sinabi ko.

Kaya nga ibinulong ko lang eh.

Itituon ko na sana ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko ng magsalita si Mary Grace; yung secretary.

"Bitter ka yata sa February, miss pres!" na sinundan ng tawanan ng mga nakarinig.

"Wala kang ka-date sa feb-14 miss pres?" tanong naman ni Alle; ang tresurer namin.

"Baka hindi inaya ng honey niyang si Zero. Ehhhhh!" kinikilig na pang-aalaska pa ni JM.

Magsasalita na sana ako ng may biglang sumingit sa usapan namin.

"Uy, bes! Ano yang naririnig ko?" tanong ng besfriend kung si Nicole Anne na kadarating lang.

"Si Miss president, Nicole Anne. Hindi inaya ni Zero kaya sumesinte!" sigaw ulit ni Alle. Yag babaitang yan. Malapitan ko lang hahambalusin ko yan.

Akmang magsasalita na si Nicole Anne ng may biglang mag-salita sa likuran ko.

"Honey! Date tayo sa feb 14!" masayang ani ni Zero na papalapit sa kinaruruonan namin.

Agad namang kumulo ang dugo ko ng makita ko siya.

"Makipag-date ka sa Marikina mo!" sigaw ko na nagpalaglag ng panga ng lahat, kasama na dun ang malanding itlog naay pakpak!

Bwesit!

Umalis nalang ako doon dahil talagang nabwesit ako. WALANG MAGVA-VALENTINES DAY!  



-----x

When The Fuck Boy Falls Inlove (Series # 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon