10

2K 45 1
                                    

Part 10:


Zero (POV)



Dinig ko parin ang mahihinang hikbi ni Aira na nagpapasikip ng dibdib ko habang nakaupo kaming dalawa dito sa lamesa.

Pareho lang kaming nakatingin sa kawalan habang mugto ang mga mata.

Maya-maya lang ay nagsalita ito, "bakit kapa lumipat dito....bakit kapa lumkpat kung kailan malapit na kitang malimutan.." imbes na sagutin siya ay hinayaan ko nalang siyang magsalita

Gusto kong ilabas niya lahat ng kinikimkim niya ng kahit papaano ay mabawasan iyon.

"at talagang lumipat kapa at umaktong parang ayos lang ang lahat. Na parang ayos lang tayo...na parang hindi mo ako sinaktan...." puno ng pait na ani nito.

"H-hindi ko alam---"

"Putangina naman, Zero. Hindi mo pala alam, bakit patuloy mo parin ako binubwesit nung lumipat ka rito eh hindi mo pala alam na halos ikamatay ko na ang sakit na nararamdaman ji habang nakikita kitang masaya at nagpapakasasa sa iba at hindi mo alam na tangina dinudurog mo ang puso ko....hindi mo alam...so panggapan ba to?" mariing ani nito kasabay ng pagtitig nito sa mata ko.

"Magpapanggap ba akong hindi ako nasaktan nung magpanggap kang hindi mo ako nakita nung araw nayon? Magpapangap ba akong halos hindi mawasak ang puso ko nung pagpanggap kang hindi mo iniwas ang paningin mo saakin nung araw na yun? mapapanggap ba akong halos hindi ko ikamatay ang sakit na naramdaman ko nung araw na magpanggap ka na 'gusto mo ako'? kasi putang ina, Zero. Kung yan ang gusto mo, yan ang hindi ko magagawa,

"Hindi ko magagawang magpanggap na ayos lang ang lahat. Na parang wala lang. Ayokong magpanggap na halos hindi ikamatay yung araw na makita kitang may kasamang iba dun sa 'pinangarap' kong 'date' na at the same time ay 'pinangako' mo. Hindi sapat ang trillion na mura para sayo, Zero. Napaka mo. Napakalaking mapagbalat kayo." wika nito na naghatid ng milya milyang karayom papunta sa puso ko.

Ganun niya ako kamuhian?

Akmang magsasalita pa siya ng labanan ko ang titig niya.

"Magpapanggap ako. Magpapanggap ako na hindi mo ako nasaktan sa mga sinabi mo. Magpapanggap ako na nagpanggap akong ayos lang ang lahat. Magpapanggap akong hindi ko ginawa yun kasi akala ko yun ang magiging rason para tuluyan ka ng maging akin. Mapapanggap ako na ginawa ko yun hindi dahil sa gusto kong makasama ka kapag handa kana..." ani ko na bahagyang nagpagulat sakanya.

"Pero wag mo ako pagpapanggapin sa isang bagay. Wag mong hilingin na magpanggap ako hindi kita mahal. Dahil, Aira. Simula't sapol palang alam ko....alam na alam ko sa sarili ko kung gaano kita kamahal. At isa ng dahilan ang ginawa ko nung araw na yun." mariing ani ko habang kagat ang labi at nakatitig sa mata niya bago ko maramdaman ang tumutulong luha ko na nakikipagsabayan sa luha niya.

Fvck, Aira. I love you so much...and i loath myself for hurting you that much

--------x

Wawa si Zero. Lablab kita Zero.

When The Fuck Boy Falls Inlove (Series # 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon