7

2.1K 49 5
                                    

 Part 7:



Aira (POV)




"Hello, miss pres!"


"Morning, miss pres!"


"OMG! Hi miss pres!"

Agad na napakunot ang nuo ko pagkapasok palang ng campus.


Nung una hindi ko pa masyadong pinapansin kasi lagi namang ganun ang nagyayari sa araw-araw simuna nu g naging president ako ng school na'to.


Pero, hello! Grabe kaya ngayon, yung iba parang kinikilig pa kapag binabati ako.

Hindi sa walang kinikilig sakin, okay? Pero imagine? Pati babae?


Tsaka halos lahat may kakaibang ngiti eh. Nabubwesit tuloy ako gaya ng pagkabwesit ni 'ano' nung nakaraan. Bwahahaha!


Okay, so yun nga. Medyo bwesit ako ngayon kasi, josko puro pula nakikita ko. Halos lahat ng pader may iba't-ibang klase ng heart shaped at flowers.

Red daw sign of 'love'. Eh sakin sign yun ng katangahan ng isang tao.


Dahil ang mga naniniwala sa 'love' sinasaktan lang nila sarili nila sa bandang huli.

Kaya nga walang valentine sakin ngayon!

Matagal ko ng sinumpa ang araw ng mga puso simula nung mangyari yung araw na yun!


At wala kayong karapatang husgahan kayo dahil hindi niyo pa alam ang nagyari saakin kaya manahimik nalang kayo!.


Mag-effort naman kayo para maramdaman niyo yung effort ko mapakilig at mapasaya lang kayo! Nag-eeffort ako makatakas lang kayo sa malungkot niyong reyalidad at dalhin kayo sa isang masayang kwento.

Pero syempre walang konek yan sa kwento ko dahil Valentines day lang naman ang ayaw ko.


Ewan ko lang sa isa jan.


So, ngayon na nga ang pinaka..pinaka....pinaka-walang kwentang Valentines day.


Kung sa iba masaya ang bawat dumadaang Valentines nila. Ibahin niyo ako. Dahil sa isang beses na nangyari sakin ang Valentines day na yan na halos sambahin ko dahil akala ko ay ikasasaya ko ay halos kamuhian ko na dahil sa pait na naranasan ko ilang taon na ang nakararaan.


Naglalakad lang ako at ganun oarin ang eksena, panay parin ang bati saakin ng mga tao ng may kakaibang ngiti.


Ay, tangina. Inform niyo ko kung may kumakalat ng virus dahil masarap tulog ko kanina at di ako updated.


Malapit nako sa first subject ng bigla akong harangin nila Nicole ann, Mary Grace, JM at yung ibang ka-officers ko sa tapat ng room namin.


"Happy Valentines Day, miss pres!" sabay sabay nilang bati habang may hawak pang heart shaped na papel na nasa stick

"Yeah." ani ko nalang dahil walang hapi hapi sa balentayns ko ngayon.


Akmang papasok na ako ng hawakan nila ako sa braso at ituro ang nagkalat na petals sa sahig papunta sa isang way.


"Bakit di niyo pinulot yan? Sinong poncio pilato ang bwesit na nagsayang ng rose petals!" tanong ko pa. Naiinis ako bwesit.

Agad naman akong binatukan ni Nicole Anne.

"Huy gaga! Anong pulutin yan? Eh kami kami nga nagpagod na ikalat yan tapos ipapapulot mo yan?" taas ang isang sulok ng labing sabi nito.


"Para saan naman yan?" bored na tanong ko. Josko nag-aksaya pa ng rosas.


"Baka para sa alaga mong aso," puno ng sarkatismong wika ni Nicole Anne.

Bwesit din tong bruhang to eh. Kung may maglalakas mang bara-barahin ako ay walang iba kundi ang bwesit lang na to.


"Tanga wala ako nun," pang-aasar ko.


"Ge na. Sundan mo na!" ani nito pagkatapos akong samaang ng tingin.


Labag sa loob na sinundan ko nalang ito, narinig ko pa ang pag-good luck saakin ng iba.


Nang sundan ko ang mg petals ay parang papunta ito sa rooftop.


Nang makarating nga ako sa may rooftop ay nabasa ko pa ang nasa pintuan nito, "WELCOME, PRINCESS" na nagpamutla sa mukha ko dahil sa kaba.


Shit. This. Is. Not. Happening.


Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto papasok sa rooftop.

Patuloy parin ang pagbilis ng tibok ng puso ko at halos mag-ulap na ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha.


Lumunok muna ako bago ihakbag ang paa papasok.

At halos malaglag ang panga ko mg makita ko si Zero na nakatayo ay may hawak na Stuffed toy na si MONK na paboritong-paborito ko...noon.

"Hi, my princess!" masayang ani nito na nagpakulo sa dugo ko.


"Z-zero ano 'to." mariin kung tanong habang hinahawi ang mga bulaklak na nadadaanan ko para lumapit sakanya.

Imbes na sagutin ako ay napakunot lang ang mukha nito ng hawiin ko ang mga lobong nagkalat


"H-hey. Hindi mo ba nagustuhan? Ito ang mga gus----"

"Tangina, Zero! Ano 'to! Anong nagustuhan ha? At anong gusto ko! Putangina, Zero!" naghehestirya kong sigaw ag patuloy ng naiyak.


Nakita ko pa ang rumihestrong 'guilt' sa mukha nito.


"I-im sorry. Hindi ko sinasadya---"

"Bwesit! Bwesit! Bwesit! Anong sorry?! Anong hindi mo sinsadya! Sinadya mo to eh! Sinadya mo!"


"Ano bang problema? Ito naman ang gusto mo di------"


"Fvck you ka, Zero! Wag kang magpanggap na parang wala kang alam! Wag kang magpanggap na parang ngayon mo lang ginawa ito at wag kang magpanggap na putangina ka na hindi mo alam na sinaktan mo ako at patuloy mong sinasaktan! Wag kang magpanggap, Zero..." sigaw ko habang walang tigil na pinagpapalo ng dibdib niya.

Imbes na pigilan ako nito ay mas lalo pa nitong ipinalo ang kamay ko sa dibdib niya.


"I-im sorry. I'm sorry, Aira...I'm so sorry for everything..." nanghihinang ani nito kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya na nagpaupo saakin sa sahig dahil sa panghihina.


Bwesit ka, Zero. Bakit patuloy mo parin akong nasasaktan hanggang ngayon?


-------x  

When The Fuck Boy Falls Inlove (Series # 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon