Gigising sa umaga, maliligo, mag bibihis, mag aayos, kakain. Yan ang routine ko bago ako ihatid ng driver sa School. 4 months na atang ganito routine ko. Habang tumatagal, nasasanay na akong walang nangungulit sakin, wala ng tumatawag sakin para magkwento ng mga bagay-bagay tungkol sa Pinsan kong si Naomi. It's been 4 months since the day that I last saw Daniel. Minsan napapa-isip pa rin ako kung kamusta na siya. Hindi ko masabi if i'm totally over him na, pero masaya ako. Masaya ako na nag tagumpay siya sa plano niya nung araw na yon. Ang mahalaga, masaya yung taong mahal ko-- mahal ko? Mahal ko pa ba? Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga dapat ko maramdaman.
Finals na pala namin for this term. Nag dadasal pa rin ako na sana pumasa ako since nabagsak ko ang midterms ko. Nga pala, welcome to Enderun University. There's nothing much to brag about our University. Parang normal lang siya na University pero, konti lang ang nakakapasok. Hindi dahil sa masyadong brainy ang Enderun, pero compared to other Universities here, ang isang term namin costs 6-8 terms from other Universities. Halos lahat ng pumapasok dito, sila na ata yung na-iimagine niyo na puro arte pero walang utak. Mayayaman na dinadaan sa pera ang grades. Well, no. May required GPA rin kami na tipong kahit anong suhol siguro gawin mo, pag bagsak ka, bagsak ka. Legal Management pala kinuha ko and currently on my final year! Since konti lang ang mga pumapasok dito, halos lahat siguro makikilala mo at makikilala ka. Yung tipong habang papasok ka sa University, maririnig mo na agad yung mga bati nila sayo.
"Hi Inah!"
"Hey Inah, how was break?"
"Inah, si Daniel?"
--parang biglang tumigil yung mundo nung narinig ko yung pangalan niya. Tama ba narinig ko? Daniel. Tama. Si Daniel nga. Ngumiti ako at sinabing, "ah si Daniel? Hindi ko alam eh." habang binabanggit ko ang pangalan niya, naramdaman ko nanaman yung kirot na naramdaman ko 4 months ago. Agad-agad ko tinawagan si Angelo para may makasabay ako.
Dumerecho ako sa roof deck, dun ko hinintay si Angelo nang bigla akong may narinig na isang pamilyar na boses. Ayokong isipin na tama ako. Ayokong isipin na siya nga. Graduate na si Daniel, sumama na siya sa states kay Naomi kaya impossibleng siya yung naririnig ko. Napabulong na lang ako. "Miss na kita, Bangkay." Nang biglang may sumagot, "Na miss din kita, Bungo." Napalingon ako. Nanlaki mata ko nung makita ko siyang palapit ng palapit sa kinakatayuan ko.
"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo diyan? Na miss kitaaaa!" Nakita ko nanaman yung mga mata niyang ngumingiti sakin kasabay ng ngiti niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, akala ko nga aatakihin ako sa puso eh. Sasagutin ko pa lang sana siya.
"Sus. Ako? Na mi--" niyakap niya ko. Yung puso ko. Parang tatalon na sa katawan ko. Pakiramdam ko, tumigil na yung pag ikot ng mundo. "Hoy ang oa mo ha? Ang higpi--" lalo niya pa hinigpitan yung yakap niya sakin. Hanggang sa narinig ko na siyang umiyak. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sakanya. Nawala yung mabilis na pag tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Was Never Yours
Любовные романы© Copy Rights 2017 / ThatGirlByTheWindow - Was Never Yours One of the best rules in the Constitution that can be applied in real life would be, "Never assume unless otherwise stated." ---------------- Author's Note: Enjoy Reading the way how I'll e...