Chapter One: Tree House

39 3 3
                                    

🎶"Ain't never felt this way, can't get enough so stay with me."🎶
🎶"And you need to know, that nobody could take your place, your place. And you need to know, that I'm hella obsessed with your face, your face."🎶

Ang sakit marinig nang kantang palagi niyong pinapakinggan. Bumabalik lahat ng magagandang ala-ala niyong magkasama. Ang sakit isipin, ang hirap tanggapin. Walang kayo, pero bakit ganito? Dinaig ko pa mag paka senti yung mga nag mo-move on mula sa 3years relationship na niloko ng boyfriend niya.

Habang nag mumukmok ako sa isang sulok sa despidida ng pinsan ko, may bigla akong na aninag na ilaw.

"Lord?" Bulong ko sa sarili ko, nababaliw na ata ako. Hindi ko alam pero sobrang na de-depress ako.

"Hoy pangit! Nag dadrama ka nanaman diyan." *sabay batok sakin*

" Ano ba--- Leche ka! Akala ko si Lord na! Ikaw lang pala! Bakit mo ba tinututok sakin flash ng Phone mo ha? Baliw ka ba? Ang daming ilaw dito may pa flash flash ka pang Bangkay ka!"

Nakaka-inis. Pagkatapos ng lahat, heto ako, nakatayo siya sa harap ko. Kinakausap niya ako gaya lang ng dati,  nung mga panahong bata pa kami. Mahilig talaga siya mang asar. Kaya siguro magaan lang ang loob ko sakanya kase naipapakita ko sakanya kung sino at ano ako. Siya si Daniel A.K.A Bangkay. Bakit Bangkay? Secret lang natin ha? Bangkay tawag ko sakanya kase patay na patay ako sakanya eh hahaha joke lang. Tinawag ko siyang Bangkay sa dahilang, takot siya sa mga yon. Takot siyang mamatay, takot siyang makakita ng isang Bangkay pero higit sa lahat, nag mukha na siyang bangkay sa kakatrabaho niya. Simula kase nung namatay Dad niya, siya na yung tumutulong sa mama niya. Dalawa na lang sila ni Tita Ella. Si Tita Ella naman ang Bestfriend simula pa elementary ng Mom ko. Alam niyo yung mga ka chenesan na napapanuod natin sa movies? Yung mag bestfriend na ipagkakasunduan na magpakasal mga anak nila? Ganon sila Mommy at Tita Ella. Ang kaso, parehong lalake yung naging unang anak nila. 4 years ang agwat namin ni Daniel, pero hindi ko na siya tinatawag na kuya kase mas isip bata naman siya sakin. Oh. Tama na throwback-- este background check, balik tayo sa realidad mga teh. Kaya tayo nasasaktan eh, panay throwback.

"Hahaha! Hoy bungo, sino ba kasi nagsabi sayo mag mukmok ka diyan? Let's party! Kaya ka walang boyfriend eh, ang losyang mo kasi!"

Nakakainis. Ayan nanaman yung tawa niyang nagpapatibok ng puso ko, kasabay ng mga ngiti niya na nakakalason- charot mga pang aasar niya pala yun na tipong kahit nakakainis, kinikilig ka pa rin hahaha! Bakit ba kasi hindi na lang ako? Mahal ko naman siya. Pero bakit may mahal siyang iba? Bakit yung pinsan ko pa?

"Bungo! Tulala ka nanaman. Ano? Na inlove ka nanaman sakin? Alam ko namang gwapo ako, pero chill ka lang. Baka matunaw ako. Hahaha!"  habang naka ngiti sakin at ayun, nakita ko nanaman yung pagiging chinito niya na nakaka-inlove naman talaga.

"Ang kapal ha? Ako? Ma iinlove sayo?" biglang bulong ko sa sarili ko, "matagal na--"

"Ano Bungo? Huy na aabno ka nanaman diyan."
"Ano? Inaantok ka na lola noh? Hahaha"

"Ewan ko sayo. Nakakainis na! Ano ba?" Ewan ko bakit pero naiinis ako. Ganon ba ako ka pangit sa paningin niya para tawagin niya akong losyang?

"Oh? Chill ka lang, ganda mo pa naman ngayon. Tara na! Mag enjoy muna tayo."

Bigla akong namula. Nakatingin lang sa kanya habang siya, naka ngiti pa rin sakin. Shit. Ang gwapo niya talaga. Chinito, maputi, magaling pa tumugtog ng Piano, Gitara at Sax. Pero hindi. Hindi pwede maging kami. Walang kami at walang magiging kami.

*hinawkan niya ako sa braso sabay tanong.*

"Uy? Bakit ka naiiyak? Okay ka lang ba? May nasabi ba ako? Sorry na."
"Bungo kumibo ka naman diyan."

Was Never YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon