Prologue

53 5 2
                                    

🎶 I want you to stay, never go away from me. Stay forever. 🎶

Saan galing yung kanta? Sumasakto pa kung kailan nag iisip ako ng tungkol sakanya. Samin.-- sa amin? Walang kami. But Yes, I want him to stay. But how? Wala akong karapatan para hilingin yun sakanya.

Masakit. Pero, kailangan ko tanggapin.

Iba yung mahal niya.
Pinsan ko ang gusto niya. Hindi ako.

Pero bakit hindi ko magawang mag mahal ng iba?

"Inah! Inah! Inah!" Sigaw niya. Ang sarap pakinggan na tinatawag niya pangalan ko. Pero alam kong masakit ang mga salitang sunid na bibitawan niya. "Nararamdaman ko na. Malapit na talaga, magiging kami na ni Naomi."

Ayun na nga. Parang mag eecho yung mga sinasabi niya. Paulit-ulit ko naririnig sa utak ko ang mga salita niya. Naka ngiti pa siya pero yung puso ko, onti-onti ng nadudurog. Lahat ng pag-asang natira, naglaho na.

"Una na ako ha? Susunduin ko pa si Naomi. Kita na lang tayo sa Despidida niya. Ingat ka." Sabi niya habang naglalakad palayo. Ang saya niya, parang nanalo siya sa lotto. Pero heto ako, gusto ko maging masaya para sakanya. Ngunit hindi ko magawa.

Mahal ko siya.

Pero may mahal siyang iba.

Sino siya?
Siya si Daniel. Ang taong mahal ko.
Ang taong kahit na kailan, hindi magiging akin.

Sino naman ako?
Ako si Inah. Ako lang naman ang babaeng nag mamahal sa isang taong kahit na kailan, hindi mamahalin ng taong mahal niya.

--------

Music: Stay by Daryl Ong
COPYRIGHT © 2017 Marj Ilagan
All rights reserved.

All stories, including chapters, prologues, epilogues and all associated content from my Wattpad account is copyrighted under the Copyright, Designs and Patents Act 1988. All rights are reserved by the owner and creator of these words. Any unauthorized copying, broadcasting, manipulation, distribution, selling of these works or be any form of plagiarizing, constitutes as an infringement of copyright and is punishable by law.

Facebook.com/mjmarjilagan

Was Never YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon