Nakamamatay Ang Katotohanan

62 4 2
                                    

Tumatagaktak ang kanyang pawis habang mabilis na tumatakbo. Kasing-bilis ng hampas ng tambol ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya ininda ang mga matutulis na bato na kanina pa tumutusok sa walang saplot niyang paa.

Hinahabol siya.

Hinahabol siya ng isang nilalang na gustong kumitil sa walang kwenta niyang buhay.

Naalala niya ang kanyang anak na kanina pa umiiyak. Umiiyak dahil sa gutom. Nagpaulit-ulit ang nakabi-binging palahaw ng anak niya sa kanyang tenga. Tumulo ang kanyang luha. Ang nag-iisa niyang anak na iniwan ng kanyang Ina.

Kanina lang ay umalis siya ng bahay para maghanap ng makakain. Ng napad-pad siya sa bahay ng kanilang punong kapitan na kasalukuyang kinakausap ang isa niyang tauhan.

" Isang kahong mrijuana huwag kayong magpapahuli kundi-", umakto ang kapitan. Pinadaan nito ang hintuturo sa leeg na parang mamamatay.

Nagulat siya, ang butihing kapitan nila ay may transaksyon sa masamang droga. Humakbang siya patalikod, natabig niya ang mamahaling paso sa may tarangkahan. Na siyang dahilan upang makita siya ng kapitan.

Ngumisi ito sa kanya na parang aso. At sumenyas sa kanyang tauhan. Mula roon ay alam na niya ang punto ng kapitan. Tumakbo siya para iligtas ang kanyang buhay.

Nabalik siya sa katotohanan ng marinig niya ang sigaw ng lalaking humahabol sa kanya. Lumingon siya't nasilayan niya ang kumikislap na bagay na nasa kamay ng lalaki. Dahil sa paglingon niya'y natalisod siya at sumubsob sa lupa. Humagulgol siya.

" 'Wag po! 'wag po!", daing niya habang hinaharangan ng payat niyang mga braso ang lubog niyang mukha. Naalala niya ang nag-iisang anak, ang kawawang estado ng buhay nila. Ang pag-iwan sa kanya ng asawa para sa isang mayamang tsinoy.

" Iyan ang kundisyon ng pagkaalam sa katotohanan Along", parang demonyong sambit ng halimaw.

" h-hind-di ko s-sinas-sadya! pa-parang a-a-awa niyo na! h-h-hindi ko ipag-sasabi! ang anak ko! mag-isa nalang siya ngayon!", pagmamakaawa niya habang gumagapang palayo sa nakatutok na bagay sa kanya.

" HAHAHAHA! malas mo at nangyari sa inyo ito! kawawa naman ang anak mo! pero sige bibigyan kita ng konsolasyon para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo. Akin na ang anak mo'ng babae! HAHA", walang kagatol-gatol nitong salaysay.

Mas lalong humagulgol si Along. Ito na ba ang kanyang katapusan? Ang pagka-alam ng katotohanan kapalit ng sarili niyang buhay? Pumikit siya para magdasal at humingi ng tawad para sa mga kasalanang kanyang nagawa.

Kasabay ng kanyang pagpikit, umalingaw-ngaw ang nakabibinging tunog ng baril sa kagubatan.

Hindi Ko Din AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon