Hustisya, where na u? ( PART II)

17 0 0
                                    

Pumunit sa katahimikan ng gabi ang palahaw ng isang batang kalong-kalong ng isang estranghero. Kasalukuyan nilang binabaybay ang masikip na eskinitang nagdudugtong sa tahanan ng punong barangay. 

Nagtataka man siya kung bakit gusto ng Kapitan ang bata ay hindi niya magawang magtanong. Sumusunod lamang siya sa utos. Wala siyang kasalanan. Inudyok lamang siya ng kanyang pangangailangan sa buhay.

Kanina lang ay tahasan niyang kinitil ang buhay ng ama ng batang kanyang karga. Ngumisi siya. Kung hindi lang sana nito narinig ang transaksyong nagaganap ay buhay pa sana ito at humihinga.

Mas mabuti nga namang manatili nalang magmaang-mangan kaysa sa maraming alam. Malay mo ito pa ang maging dahilan para mapaikli ang pagtira mo sa mundong ibabaw.

Umaalulong ang mga nadadaanan niyang mga aso. Ngunit wala siyang pakialam. Tuloy-tuloy lang ang kanyang hakbang hanggang makatapak siya sa tarangkahan ng bahay ng Kapitan.

Itunulak niya ang nakabukas na tarangkahan at pumasok ng walang paalam. Naabutan niya ang Kapitan sa balkonahe habang humihithit pa iyon sa mamahalin niyang sigarilyo. Kay-swerteng nilalang sabi nito sa sarili.

Ng maramdaman ng kapitan ang presensya ng tauhan ay tinawag niya ang mayordoma ng mansyon.

" Aling Tonyet pakikuha na po ang bata, huwag niyo siyang kalilimutang linisan at bihisan ng maganda.", utos nito sa tauhan.

Tumango lang ang matanda saka umalis karga-karga ang bata. 

Nang makalayo'y hinarap ng Kapitan ang butihing tauhan. Ngumiti siya ng makahulugan rito.

Nagugulumihan may nagsalita ang tauhan," Nagawa ko na po ang ini-utos niyo"

" mabuti naman, sinigurado mo bang walang nakakita?", tumalikod siya sa tauhan para dumukot ng kung ano sa bulsa nito.

" opo Kap, malinis po ang trabaho", dumukwang pa ito ng kaunti upang masilip ang kinukuha ng pinuno ng baranggay.

Tumawa ang Kapitan ng mahina, humarap siya at tinutukan ng baril ang gulat na tauhan.

" b-b-bakit p-po?" mautal-utal pa nitong tanong habang tinataas ang dalawang kamay. Kinakabahan na siya dahil sa seryosong mukhang pinupukol sa kanya nito.

" Akala mo ba mau-uto mo ako?", hinigpitan niya ang hawak sa baril at tinutok ito sa tapat ng kanyang ulo.

" h-hindi ko p-po kayo maintindihan..wala po a-akong ginawa", hangos ng tauhan habang ang paris ng kamay nito ay nakaharang sa kanyang mukha. Nanindig ang kanyang balahibo't nangatog ang kanyang mga tuhod. Pilit man niyang balikan ang mga pangyayari'y wala siyang makitang dahilan upang kitilin nalang basta ang buhay niya.

Ito na nga ba ang kabayaran ng mga kasalanan na kanyang ginawa ?

Tinitigan niya ang punong baranggay habang unti-unting gumuguhit sa mukha nito ang mapaglarong mga ngiti. Di naglao'y naging isa itong malutong na halakhak.

" binibiro lamang kita, naninigurado lamang ako, alam mo na siguro ang mangyayari kung may lumabas hindi ba ?", binaba nito ang baril at pinagmasdan sa kanyang mga palad.

Linunok ng tauhan ang barang nakaharang sa kanyang lalamunan. Ngunit hindi parin siya makapag-salita kaya't tumango siya bilang tugon.

Lumipas ang araw at mga buwan. Ang araw ay naging buwan. Ang buwan ay naging taon. Ngunit sa kasamaang palad ang Hustisiya'y nalimot na. Pilit na binaon ng isang masamang panaginip. Nang iyak ng isang musmusing bata. At ng kasinungalingang bumago sa takbo ng buhay niya.

" Mommy are we there yet ?", an 18 yr old Sunshine Benitez asked. Habang binabalanse ang mamahaling salamin sa kanyang matangos na ilong. Nakadukwang ito sa bintana ng sasakyang sumundo sa kanila sa paliparan.

" Not yet hon' ", tugon ng isang babae sa kanyang tabi. Halos hindi mo mabatid ang agwat ng kanilang edad dahil sa pagpapa-banat nito sa mukha. Bumuka ang bibig niyang nakukulapulan ng makapal na lipstick.

Dad should be the one who's going to fetch you at the airport, pero alam mo namang impossible na iyon sa dami ng kanyang ginagawa."

Tango lamang ang nai-sagot ng dalaga dahil abala ito sa pagtingin sa labas ng bintana.

Labing anim na ang nakakalipas nang masilayan ng mga matang iyon ang lungsod ng kamaynilaan. Ang murang edad niyang hindi pa masyado pamilyar sa mga pangyayaring binaon na sa limot.

Mayroon bang magbabago sa mga pangyayaring yaon ? O di kaya'y tatalikuran na lamang ang hustisiyang kaylangan makamit ng taong iyon.

Sa takdang panaho'y ika'y mamimili, ang masaganang buhay ba'ng pinagkaloob nga ba sa iyo ng Maykapal ? O ang paglaban ng karapatan ng iyong Ama'ng ipinagtanggol ka hanggang kamatayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Ko Din AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon