Hindi ba kayo nagtataka kung paano naging kami? Kasi ako nagtataka kung bakit hindi nyo tinatanong.
Ganito kasi yan.
2012, Summer noon nang napagpasyahan namin nang Pamilya ko na magbakasyon sa Batangas kung saan nakatayo yung isang Foundation na kung saan ay isa ang Pamilya namin sa nag iisponsor. Para yun sa mga bata na walang pamilya at sa mga matatanda na iniwan nang mga kamag-anak nila. Every summer ay naglalaan kami nang isang linggo para lang makasama at makisaya sa Foundation.
Ayun nga, hindi sana ako sasama noon dahil na din sa hectic nang sched sa school kaso hindi naman ako active sa School kaya napagpasyahan ko nalang din na sumama. Ilang oras din ang byinahe namin para lang makapunta doon. As usual, pagdating doon ay dumiretso muna kami sa bahay bakasyunan namin para ayusin yung mga gamit na dala namin. Sila Mama at Papa naman ay dumiretso agad sa Foundation para nga kumustahin yung mga tao doon, ako naman ay natulog muna dahil sa jetlag at pagod dahil sa byahe.
Pagkagising ko ay gabi na saka maingay sa labas nang kwarto ko. Sa pagkakaalam ko ay kami lang naman tatlo nila Mama at Papa yung nandito pati si Mang Paul na tagapangalaga nang bahay namin yung nandito, pero bakit ang ingay sa labas.
Pagbukas ko nang pinto ay may nakita akong lalaking kasing edad ko na nakatalikod sakin at kausap sila mama.“Oh gising ka na pala, halika na at nakahain na ko nang kakainin.” Sabi ni Mama.
Lumingon sakin yung lalaking ngayon ko lang nakita.
“Hello.” Bati nya sakin.
“Ah Anak, si Nico nga pala….” Sabi ni Papa. Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Papa o yung iba pang ingay dahil nag-echo yung boses nya sa tenga ko.
Hello..
Hello…
Hello..
Hello..
Hello..
“Anak? May masakit ba sayo?” rinig ko.
“Anak?” sabi ni Mama na nakapagpabalik sakin sa katinuan.
“H-ha?” wala sa isip kong sagot.
“Natulala ka dyan.” Sabi ni Mama.
Huminga ako nang malalim nang ilang beses dahil yung puso ko, ayaw tumigil sa pagtibok nang mabilis. Para akong tumakbo nang ilang milya sa sobrang bilis nang tibok nang puso ko.
Napatakbo ako sa kusina para kumuha nang baso at sinalinan ito nang tubig. Mabilis ko naman itong ininom.
“Ayos ka lang?” tanong nya sabay kapit sa balikat ko.
*poff!!!*
Naibuga ko lahat nang tubig sa bibig ko.
Noong kinapitan nya kasi ako sa balikat at parang may kuryenteng biglang dumaloy mula sakanya patungo sakin. Nanlaki yung mata ko at inalis ko nang mabilis yung kamay nya saka lumayo sa kanya.
Tinuro-turo ko sya.
“HUWAG KANG LALAPIT SAKIN!!!!!!” sigaw ko sabay takbo sa kwarto at ni-lock ito.
Dumiretso ako sa banyo at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.
Kitang-kita ko kung paano mamula ang tenga ko.
“Anong nangyayari sakin?!” sigaw ko sabay turo sa repleksyon ko.
“Baka masamang demonyo sya. Baka gusto nya kong kainin. Baka gusto nya kong dalhin sa kasamaan. Baka gusto nya kong sapian. Baka---“
“Baka gusto mo sya.” May nagsalita sa may pinto.
“WAAAAHHHHHH!!!!” sigaw ko sabay napaupo sa sahig.
