Paggising ko ay agad kong kinapa ang cellphone ko para itext si Mahal, kaso wala akong makapa kaya umupo ako sa kama at hinalughug ito.
Hinanap ko sa ilalim nang kama, wala din.
Biglang pumasok sa kwarto ko si Mama.
“Ma nakita mo ba yung cellphone k—nasa iyo lang pala Ma eh.” Nakita kong kapit nya yung cellphone ko, wallet ko, atm ko, saka yung pocket wifi ko.
Kukunin ko na sana sa kanya kaso itinago nya ito sa likod nya.
“Grounded ka ngayong araw.” Sabi nya.
Ako naman ay nagulat kaya napanganga ako.
“Eh Ma, ano bang nagawa kong mali?” tanong ko sa kanya. Ang pagkakaalam ko is kapag bumagsak lang ako sa mga subject ko at kung nalilate ako nang uwi kaya nya ko binabawalang hawakan yung mga gadgets ko.
“Wala lang.” sabi nya sabay lakad palabas nang pinto nang kwarto ko.
“Ma!!” habol ko sa kanya.
Kinapitan ako ni Papa sa balikat.
“Hayaan mo na muna ang Mama mo, nababaliw na naman.” Sabi ni Papa.
“Anong kinuha nya sayo Pa?” tanong ko kay Papa.
“Wallet,susi nang kotse saka cellphone ko. Magkocommute nalang siguro ako. Buti nalang at may naitago akong pera pamasahe” Sagot nya sakin.
“Kung kailan Valentines Day saka sya nagkaganyan.” Bulong ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at naghanap nang mga nagkalat na pera.
Nakakita naman ako nang 200 sa drawer. Naghanap din ako nang pera sa bag ko. Kinse pesos lang.
Hays, anong magagawa nang ganitong kaliit na pera ngayong araw na ito.
Napaupo ako sa kama at napayuko.
Umalis ako nang bahay nang may sama nang loob. Pwede naman kasi bukas eh, ba’t ngayon pa?
Habang naglalakad ako ay marami akong nakikitang mga couples na may mga dalang lobo, bulaklak, tsokolate, at marami pang iba.
“AAAARRRRRRRGGGGHHHHH!!!” sigaw ko kaya napalayo silang lahat sakin.
Pagdating ko sa school ay kinuha ko yung cellphone nang classmate ko.
“K-K-ael..” nanginginig nyang sabi sakin.
Kinuwelyuhan ko sya.
“May angal ka?” tanong ko sa kanya.
Umiling naman sya kaya binitawan ko na yung kwelyo nya.
Dinial ko yung number nang Mahal ko.
Kaso di nya sinasagot.
Nakailang beses kong dinial kaso hindi talaga nya sinasagot.
Doon na ako natakot. Mabilis kong tinungo ang bahay nila.
“Tito.” Bati ko kay Tito na nagwawalis sa labas nang bahay nila.
“Oh Kael, kanina pa nakaalis si Nico. Hindi ba kayo magkasama?” tanong nya sa akin.
Di ko na nasagot si Tito dahil tumakbo na ako para hanapin sya.
Ba’t kasi ngayon pa si Mama nagkaganun eh.
Napadaan ako sa eskinita.
Hindi sana ako titigil nang hindi ko narinig yung boses nya.
“Tigilan nyo na nga ako.” Rinig kong sabi nya.
Bigla naman akong napatingin kung saan ko narinig yung boses nya.
