Part One

9.2K 301 46
                                    

Part One

Pagtapak ko palang sa school ground, lahat nang mga mata nila ay nakatingin sa akin. Bawat galaw ko ay minamasdan nila. Bawat paglapit ko ay ang paglayo nila. Yung nginig nang bawat isa sa kanila ay kitang-kita ko.

Ako ang hari nang school na ito. Walang makakatalo sakin kahit mga teacher dito. Takot sila sakin. Isang beses nga dinala ako sa guidance, ang ending ay pinalabas agad ako sa guidance. Sinuntok ko kaagad sa bibig yung guidance counselor namin eh, mabunganga kasi.

Pagdating ko sa cafeteria ay biglang tumahimik. Nakita ko yung pila sa counter, ang haba. Dumiretso lang ako. Habang palapit ako nang palapit ay pakonti nang pakonti ang linya hanggang sa maubos ito.

Pabili nga nang isang softdrinks.” Sabi ko sa nagtitinda.

Mabilis nya naman itong ginawa. Mukhang gusto nya na ngang pigain yung bote para lumabas agad lahat eh.

“14 pes-o-s” pautal-utal na sabi nya.

Tiningnan ko yung lalaking estudyante sa likod ko.

Bayaran mo.” sabi ko sabay sipsip sa straw.

Madali nya naman kinuha yung wallet nya sa bulsa nya saka binayaran yung binili ko.

Sa susunod ulit.” Sabi ko sabay tapik sa balikat nya.

Bigla syang natumba.

Wala akong pake sa kanya. Umalis na din ako agad nang cafeteria after no’n.

Dumiretso ako nang classroom namin. Pagpasok ko palang ay bigla silang tumahimik lahat. Animo’y nakakita nang multo. Dumiretso ako nang upuan ko sa likod.

Pag-upo ko ay sinuot ko kaagad ang headphone ko saka pinikit ko yung mga mata ko. Biglang tumugtog yung paborito kong tugtog.

“Mahal kita, Kael.”

Nakarepeat-one yan. Saka wala namang ibang kanta sa cellphone ko kundi yang record nang boses nya eh.

Pagmulat ko nang mata ko eh nakita ko yung iniibig kong papasok sa classroom.

Unti-unting lumawak ang ngiti ko.

Patuloy padin yung pagtunog nang record nang boses nya sa  tenga ko.

Sya naman ay nagsoslowmo sa paningin ko.

Wala na akong nakitang iba, kundi sya lang.

Biglang sumayaw yung bituka ko sa tyan.

May mga ibong lumilipad sa paligid.

Sya naman ay napapalibutan nang kumikinang na puting ilaw.

May anghel na palapit sakin.

Yung mapupula nyang labi, kay sarap halika---

Aray!!” napasigaw ako sa sakit nang bigla nya akong sampalin nang malakas sa kaliwang pisngi.

Napatayo ako sa sakit.

Hanggang balikat ko lang sya.

Ano? Sasampalin mo din ako?!” sigaw nya sakin.

Bigla akong nanlamig. Napakamot nalang ako sa batok ko.

“H-hindi. Sasalubungin kita nang yakap.” Maamong sagot ko sa kanya.

Yayakapin ko sana sya kaso tinulak nya ako gamit ang isang daliri nya sa noo ko kaya napalayo ako bigla sa kanya.

“May sasabihin ako sayo.” Sabi nya.

Inlove si SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon