"kyaaaah siya na ba ang bagong leader?"
"ang gwapo niya."
"at ang hot niya."
Iba't ibang sigaw ng mga babae sa labas ang naririnig ko dito sa loob ng room namin. Yung mga ka-klase ko naman ay kulang nalang mag-excuse na kay miss victoria. Kasalukuyan kasi ako nasa isang klase ko kung san di ko classmate si cassy.
Pagkalabas ni miss victoria ay agad naman nag-alisan ang mga babae kung ka-klase. Iba talaga paglalake ang pinag-uusapan.
Agad ko naman nakita si cassy sa cafeteria kung san ang pula ng pisngi.
"cas may sakit ka ba? Ba't ang pula mo?" pag-aalala ko sa kanya.
"wala ano ka ba." sabay hampas sa balikat ko.
"oh ba't ganyan ka kapula? Blush on O may sumampal sayo? Sino yan ng maresbakan." tumingin ako sa kanya gamit ng naglalakihan kong mata.
" loka-loka. Ano kasi..... Fuck julia ang bagong leader ng theta ang gwapooooooooo." tili nang tili ai cassy at hampas sakin. Pansin ko din ang ibang babae dito ay panay ang ayos sa mukha nila.
Madaming fraternity org. dito sa school pero dalawang grupo ang angat ALPHA THETA at DELTA OMEGA. Puro mga maaangas na lalake at karamihan sa kanila ay may mga itsura. Sa dalawang grupong yan ay ang alpha theta ang kena babaliwan ng mga babae dito sa Mindanao State University. Madalas ko nakikita ang myembro ng theta na seryoso ang mga mukha pagnakakasabay ko sila dito sa campus. Pagnaaabutan nila akong nakatingin sa kanila ay parang malalaglag ang puso ko di dahil nagu-gwapuhan ako sa kanila kundi sobrang sama makatingin sakin. Yun bang pagsisisihan mong tumingin at mapapalunok kana lang. Kaya di ko gets ang mga babae dito at si cassy kung ba't di sila natatakot kundi kikiligin pa ito.
"talaga? Di ko nakita eh. Pero dinig ko ang mga babae sa labas ng room namin kanina tili nang tili, sa gwapo daw at hot chu-chu... Ewan ko sa inyo." kung ang mukha ni cassy ay mapula na kanina ay sumobra ata ngayon.
"alam mo cassy di ko kayo maintindihan bakit gwapong-gwapo kayo sa kanila. Well gwapo naman pero di ba kayo natatakot? E kung tumingin nga ang mga yun parang galit sa mundo parate at mananapak na." panay ang lunok ni cassy at inum ng juice niya ako naman ay panay ang kagat sa burger ko. Ang sarap talaga.
"siguro bakla ang mga yun." napaubo si cassy sa sinabi ko at pinanglakihan ng mata. Bigla naman tumahimik ang istudyante na kanina ay maingay. Walang imik na tumingin sakin. Problema nila? Tss. Kinagatan ko na lang burger kong puno ng ketchup.
"yun bang kunwari maangas pero bakla pala.hahahaha omg i kennot." tumawa pa ako dahil di ko na mapigilan.
"bakla tayo supremo?"
"gusto mo halikan ko yan supremo?"
Iba't ibang boses ang umaligawgaw sa sobrang tahimik na cafeteria. Ang heartbeat ko parang biglang tumigil. Meron isang paang pumatong sa inuupuan ko. Sinundan ko ito hanggang umabot sa mukha niya. Meron itong kulay tsokolate na mata matangos na ilong mapupulang labi na ngayon ay kagat niya. Putcha kinakabahan ako baka bigla nalang ako e tumba nito. Kaya ba kanina pa lunok nang lunok si cassy at biglang tumahimik ang istudyante sa sinabi kong bakla?! Pahamak na bunganga. God help me po.
" kung ang sanggol may gatas sa labi. ikaw ketchup sa labi." nakalunok nalang ako ng pinahid niya ang labi ko gamit ng hinlalaki niya. Yumuko pa ito malapit sa tainga ko at bumulong. Sa bawat salita niya ay dumadampi ang labi niya sa tainga ko sa sobrang lapit niya sakin. Di ko mapigilan ang pangtayuan ng balahibo.
"Don't say that again....babe." bago siya tumuwid ng tayo ay hinalikan niya pa ako sa pisngi kaya napapikit ako. Pagmulat ko ay tanging likod na lamang nila ang nakikita ko.
Oh my gosh. What was that?
