kasalukuyan kaming kumakain ng dinner nina mama at papa ng biglang nagkwento si mama.
"naku julius alam mo ba kung sino ang bagong lipat dyan sa harap?"
"ahh oo mahal nakita ko si cinthea kanina sa labas bago ako pumasok dito sa bahay."
"sino yun ma'?" tanong ko bago sumubo ulit.
"naku 'nak baka di mo na yun matandaan. Bata baka nung lumipat tayo dito nasa 5years old ka pa naging malapit kami agad. Ang bait niya kasi at ang cute ng anak niyang sobra sa katabaan. kaso 5 days palang tayo dito e lumipat na sila sa state kasama ang anak niya. dun kasi nagta-trabaho asawa niya." tumango- tango nalang ako sa kwento ni mama.
"Gusto nila na daw umuwi ng pilipinas matagal na. kaso yung anak niya e ayaw daw tumira sa ibang lugar, gusto daw e yung dati nila pa ding bahay kaso naibenta na kena mrs. Alison. Di nga din nila naintindihan kung bakit. buti nalang e binebenta yung katapat nating bahay. kaya ayun kapitbahay nanaman natin sila." masayang kwento ni mama.
Matapos namin kumain at nagkwentuhan ay pumunta na ako agad sa kwarto ko para magpahinga. Pipikit na sana ako ng tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko 'to para makita kung sino ang tumatawag.
kumunot ang noo ko ng makita na unknown number ito. sino naman kaya ito?
"Hello." sagot ko.
"Hmmm?" agad naman ako na bwesit sa sagot nito.
"Who's this?"
"Boyfriend mo." sa sagot niyang yun ay alam ko na kung sino.
"ulol! ba't ka tumawag? at san mo naman nakuha ang number ko aber?"
"Kay cassy. tsaka namiss ko lang naman girlfriend ko masama ba?!" parang agad naman umunit yung mukha ko sa huli nitong sinabi. Fuck i hate him.
"W-wala kang kwentang kausap. ibababa kuna 'to." really julia? nauutal ka? tss.
"Hey baby wait. I'm here out side." sabi niya dahilan nangpagkalaki ng mata ko. " sumilip kalang."
"Ayoko di ako sisilip. Umalis kana samaniago." Mygod! this crazy bastard.
"Please?"
"No! Ayoko! Alis!" totoo kayang nasa labas siya? tss. pake ko ba.
"Hey julia, Please?"
"I said NO!" naglakad ako papuntang bintana at binuksan ito ng kunte. Yung tipong di mahahalata. tss. oo na sisilipin ko na. nakakaawa eh.
Pero ni anino niya e wala akong nakita. langya! ginu-goodtime ba ako nun?!
"oh sabi mo di ka sisilip?" tanong niya at nababakas ang tawa sa boses nito.
"Di naman talaga ah." pagde-deny ko. letcheng yan.
"Goodnight julia." yun lang at pinitol na niya ang tawag. habang ako ay hawak pa din ang cellphone at nagtataka kung ba't niya nalaman na sumilip nga ako. Hays! nakatulong na nga lang.
