--
Isang linggo na ang dumaan simula ng hinalikan ako ng leader ng Alpha Theta. Ang akala ng karamihan ay may relasyon kami kaya niya ginawa yun. Kaya karamihan ng babae dito sa university ay galit sakin. Sa malandi daw ako. Mga adik. Di lang nila alam na halos mamatay ako sa takot sa lalaking yun.
May klase ako ngayon sa isang subject ko. Buti di ako late. Umupo ako sa gitnang bakanteng upuan. Pumasok si miss. Agatha kasunod ang limang lalake na sana namamalikmata lang ako. Naka puting shirt ito at maong na pants. Ang magulo niyang buhok na parang dinaanan ng malakas na hanggin ay ang mas ng pa-gwapo pa sakanya. Seryoso lamang ito at tila walang paki-alam sa mga babaeng halos mag-laway na sa kanya pero shempre di ako kasali takot ko lang noh? Kasunod niya ang apat na mga seryoso din ang mukha. Kapansin-pansin ang pasa sa mukha malapit sa mga mata nito ang isang kasama nila. Kaya agad nagbulungan ang mga ka-klase ko agad din naman tumigil nang tumigil sa paglalakad ang leader nila at nag-umpisa ng bilang. Kaya napayuko nalang ang mga ito.
Umupo sila sa bandang likod. Ang mga babae ko naman ka-klase ay panay ang tingin sa salamin. Nag-aayos tapos nag-papacute.
"ka-klase pala natin boyfriend mo julia." bulong sa akin ni tristan.
"hindi ko nga boyfriend yan." sagot ko.
"yun ang dinig ko eh." bahagya pa itong tumawa. Pinalo ko nga sa braso. Loko!
Nakinig nalang ko kay miss. Agatha si tristan naman panay pa din ang pangungulit sakin, sa kinikilig daw ako. Inirapan ko nalang.
Napatingin ako sa kamay na kumalabit sa balikat ko.si Aaron. May binigay sakin na isang pirasong papel. Kinuha ko at binasa.
Hi babe, Goodmorning. -D
Kumunot ang noo ko sa nakasulat. Diba bakla si Aaron? Lalake na? Di ko nalang pinansin at tinuon ulit ang atensyon kay miss. Agatha. Kinalabit nanaman niya ako. May gusto ba siya sakin? Kala ko parehong lalake ang gusto namin?
May inabot nanaman siyang papel. Kaya kinuha ko ulit at binasa.
No respond? -D
Di na ako nakapag-pigil ay hinarap ko na siya habang nakatalikod si miss. Agatha at may sinusulat sa white board.
"hoy Aaron lalake kana pala at may gusto ka sakin?" agaran kong sabi sa kanya. Agad namam itong ngumiwi.
"gaga di sakin galing yun noh. Pina-abot lang." kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"si Dwayne." bulong niya at tumagilid pa ng unti. Kaya nakita ko ang leader ng theta na nakatingin sakin at hinihimas-himas pa ang baba nito. Seryoso pa din itong nakatingin sakin. Agad akong umayos ng upo ng nakita ko ang madilim niyang aura.Problema nun?
Napatingin ako kay tristan ng bahagya itong tumawa. "what?"
"di pala boyfriend ha. Hi babe. Goodmorning." sabi niya kaya binatukan ko.
(Dwayne POV)
Kanina ko pa gustong lumapit sa lalakeng bulong nang bulong kay julia at bigyan ng isa lang. Namumuro eh.
