Chapter IV

0 0 0
                                    

Agad na akong lumabas ng dinismis na kami ni miss Agatha. Ayokong maabutan ng adik na dwayne na 'yun. Napatingin ako sa kamay na umakbay sa'kin.

"sabay na tayo sa cafeteria julia. Gutom na ako." si tristan habang himas niya ang tyan.

Sinimangutan ko lang at sabay na kaming naglakad papuntang cafeteria pero napatigil kami dahil sa lalaking epal.

"Hand's off, Peres." maydiin na sabi nito.


"iiyak ang girlfriend ko julia. Una na ako." bulong ni tristan.

Napatingin ako kay dwayne na sobrang dilim ng aura.

"ano ba problema mo ha?" di ko naman ito ka anu-ano.

"LQ ba sila ni supremo dude? Bulong ng lalaking may pasa sa kasama niya kaya tinignan ko nang masama. Agad naman itong tumingin sa mga kuku niya. Patay malisya.

Naglakad nalang ako mag-isa papuntang caf. sure naman ako andun si cassy. Alam kong nakasunod pa din sila sakin dahil sa mga tingin ng mga istudyante sa paligid.

Yung ibang babae ay tinatawag pa sila yung iba naman ay namumula ang mga pisngi. Yuck lang ang O.A.

Thank God at nakita ko agad si cassy na sobrang kung makangiti.

"anong meron at ganyan ka makangiti?" tanong ko sabay upo sa harap niya.

"naks naman julia ang gwapo ng mga bodyguard mo. Pwede pahiram ng tatlo?!"  sabay tawa ng bruha.

"Pinagsasabi mo cassy?tss." alam ko naman kung sino ang sinasabi niyang bodyguard ko. Sina dwayne na kasalukuyan nasa counter ngayon umu-order at nakikipag-landian dun.

"naku wag kang mag-maang maangaan dyan. Swerte mong hayop ka at pogi ang boylet mo at hot pa." pinalo ko nga ng dala kong aklat ang balikat niya. Aba't siraulo tawagin ba naman akong hayop.

"aray naman julia. Ang amazona mo talaga joke lang naman." nakanguso niyang sabi at hinihimas ang balikat niya.

"hindi ko nga boyfriend yun. Okay?!"

Napatingin kami ni cassy sa dalawang lalake nang linapag ang tatlong tray na puno ng pagkain. Napaka-baboy naman. Patay gutom na pangit.

"Excuse me hindi niyo ba nakikita na may nakaupo dito? Humanap kayo ng ibang table. Shushu! " pagtataboy ko kena dwayne at yung lalakeng may pasa. Asan na kaya ang ibang kasama nila? Well, wala akong pake kahit pumunta pa ng iraq.

"hey baby can you stop making  scene here?! Upo." sabay hila niya sakin pa upo. Ngayon ko lang din na pansin na nakatingin na sa banda namin ang ibang istudyante. Malamang titingin nandito sila. Tss kung nakastop making scene. Tuktukan ko 'to eh.

"hindi ikaw ang may-ari  ng cafeteria na'to julia. Kaya pwede kaming umupo dito kung gusto namin. Okay? Now here, eat." tinabi niya ang isang tray na puno ng pagkain. "may paparating na bagyo baka humangin ng malakas at matangay kapa sa sobrang payat mo julia. Baka makita nalang kita nasa punong manga kana nakasabit." napatingin naman ako kay cassy at sa kasama niyang lalake na tawa nang tawa.

Sira ulo talaga ang ulupol na'to. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang inis.

Die Dwayne Die !


Until You Come BackWhere stories live. Discover now