CHAPTER 2( 제2장 )
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nung marinig ko ang lahat ng iyon. Kung may kinakain lang talaga ako, malamang kanina pa ako nabilaukan. Totoo ba talaga ang narinig ko o nag-iimagine lang ako?
"Saranghaeyo, Ayumi Legazpi-ssi."
"Saranghaeyo, Ayumi Legazpi-ssi."
"Saranghaeyo, Ayumi Legazpi-ssi."
WAAAAHHHHH!!! S'YA NGA TALAGA SI BYUN BAEKHYUN!!! NAKAKAHIYA TINAWAG KO PA S'YANG POSER!!! Oh lupa lamunin mo na ako as in ngayon na!!!!!
Naramdaman ko agad na tumingin sa direksyon ko si Lynne at mukhang hindi n'ya alam ang sasabihin n'ya.
"Whoa~ that fan is so lucky that our Baekhyun sent her an I love you. I hope she heard you, Baekhyun-ssi,"
"Yes. I know and I'm sure, she's watching right now," sabi n'ya sabay ngiti ng nakakaloko. Nag-ingay rin ang mga katabi n'ya at kinakantyawan s'ya. Shemay! Maalala ko lang talaga 'yung pag-uusap namin ay sasabog na ako sa sobrang kahihiyan! Halos kainin ko na nang buo ang kamao ko dahil sa sobra-sobrang kahihiyan! Bakit ba kasi sinabi mong poser s'ya Ayumi?! Tignan mo tuloy ang nangyari! Nag-iingat lang naman ako eh. Ano bang masama sa pag-iingat? Malay ko bang totoo talaga na s'ya 'yung si Byun Baekhyun at hindi s'ya poser?!
"Best, i-ikaw ba 'yung tinutukoy ni Baekhyun-oppa na Ayumi? Pa-Paano ka n'ya nakilala? Wala ka namang account sa Naver TV at VLive at isa pa, wala ka namang comment sa live broadcast nila ah?! Bakit kilala ka n'ya?! Best ano'ng nangyayari?!" halos mahilo na ako dahil sa pagyugyog ni Lynne sa mga balikat ko.
"A-Ano? Hindi! Hindi ako 'yun! Hindi ako 'yun Lynne promise. Tsaka isa pa, ma-maraming Ayumi Legazpi sa mundo. Oo tama! Maraming mga tao na magkakapareho ang pangalan kaya sigurado akong hindi ako 'yun," shet naman~ bakit ang malas ko ata sa araw na ito?
"Sabagay, may point ka naman no'n. Hindi lang naman ikaw ang Ayumi Legazpi sa mundo eh," mukhang kumbinsido naman si Lynne sa sinabi ko ngunit nakabusangot parin ang mukha n'ya. "Pero, aish! Sino ba ang babaeng 'yun?! At bakit nag-I love you si Baekhyun-oppa sa kanya?! Fansite Master ba s'ya?! Ba't 'di ata namin s'ya kilala?! Bakit 'di s'ya kilala ng buong EXO-Ls?! Grabe, paano nangyari 'yun?! I'm too curious about her. At mas lalo na ang iba pang fans ng EXO, lalung-lalo na ang mga sasaeng fans. Naku, kung ako sa babaeng 'yan ay magdasal na s'ya na hindi s'ya madi-diskubre ng mga sasaeng fans ni Baekhyun-oppa."
"Eh? Seseng fans? Sino 'yang mga 'yan?"
"Sasaeng fans hindi seseng fans. Sila 'yung mas matindi pa sa mga dispatch at paparazzi kung makapang-stalk sa mga celebrity. Sila nga 'yung dapat mong katakutan as a fan dahil handa silang gawin ang lahat, makuha lang nila ang gusto nila. Kahit nga ang kidnapin ang mga iniidolo nila eh gagawin nila. Handa silang makipagpatayan at mamatay para lang sa mga iniidolo nila," aniya.
Napalunok nalang ako sa sinabi n'ya. Posible rin pala talagang hindi lang ang kuyugin ako ng mga seseng o sasaeng fans ang mangyayari. Posible ring mapatay nila ako! Huhuhuhu inaykupo! "G-Gano'n ba? You mean, gano'n na sila kalala?"
"Ang sabihin mo, gano'n na talaga sila ka-obsess. Psychopaths kumbaga. Kaya mag-ingat na ang babaeng 'yan dahil panigurado, ha-huntingin s'ya ng mga fans ng EXO," sabi n'ya. Leche naman 'tong best friend ko! Takutin ba naman ako?! Huhuhu. Ano na ang gagawin ko ngayon?!
"O, tignan mo, in just a second, kalat na kalat na s'ya sa Facebook!"
Tinignan ko naman ang phone ni Lynne at binasa. Andami ngang post about kay Ayumi Legazpi – sa'kin! May iba, sinasabi na maswerte raw ako dahil sinabihan ako ni Baekhyun ng I love you. Maraming curious sa pagkatao ko at marami na ang pinapahunting ako at binash. Tinawag pa akong 'squid' at 'octopus'?! Jusme. (In Koreans, when they call you 'squid' or 'octopus', it means you're ugly.)
BINABASA MO ANG
The Korean Boys are into Me [PUBLISHED UNDER LE SORELLE PUBLISHING]
FanfictionWala talagang interes sa Korean Pop si Ayumi. Kung ano ang ikinabaliw ng kanyang best friend na si Lynne ay s'ya namang disgusto n'ya sa K-Pop. Ewan ba n'ya kung bakit hindi n'ya kayang ma-attract sa mga gwapo at talented na tulad nila. Bakit pa s'y...