CHAPTER 4( 제4장 )
"Huy, best! Sure ka ba sa gagawin mo? Mukha tayong tanga nito eh!"
"'Wag ka na ngang mag-reklamo d'yan at pasukin natin ang dorm nila para makuha ko na ang cellphone ko!" pinalo ko naman ang braso n'ya para hindi kami marinig habang inaayos ko ang hood ng jacket ko. Narinig kasi namin na nasa boys dormitory na sila tumutuloy since parte iyon ng kanilang documentary show na Flower Boy Band. Pero dahil nga sikat silang International artists, s'yempre, special treatment ang binibigay sa kanila.
"Wala ka nabang naisip na ibang way para makuha mo 'yung cellphone mo?"
"O, ikaw, may naiisip ka bang ibang paraan?"
Napanguso naman s'ya. "Wala."
"O, kitam? Kaya 'wag ka nang kumontra d'yan at sumunod ka nalang," sabi ko sabay ayos ulit ng hood ko at nagmanman parin ako sa paligid.
"Eh, best! Natatakot ako eh. Ayokong makita ako ni Baekhyun-oppa ng ganito! Tsaka, jusko best ayokong makita ako ni oppa na ganito! Ayokong isipin n'ya nasasaeng fan ako! Basta ayoko nakakahiya!" naghihysterical pa n'yang sabi.
"Hayst ang dami mong reklamo! Ako na nga lang! Ako na nga lang ang papasok!" sabi ko. "Basta, dito ka lang at magbantay para walang makakita sa atin."
"O, umalis na sila!"
"Ha?" napatingin naman agad ako kay Lynne at nalipat naman ang paningin ko do'n sa van na ka-aalis lang.
"Mapapadali na ang pagpasok mo best! Wala na sila o?" aniya.
Napatingin naman ako sa kanya. "Ako lang talaga ang papasok? Sasama ka!"
"Oo ikaw lang! Phone mo 'yun eh," agad naman n'ya akong tinulak palabas ng pinagtataguan namin. "Good luck, best! Andito lang ako, nasa likod mo! Kaya mo 'yan! Hwaiting!"
"Walang hiya talaga ang babaeng 'yon. Itulak ba naman ako? Prsh," napatingin naman ako sa building ng boys' dormitory at humingang malalim. "Kaya mo 'to, Ayumi!" inayos ko ulit ang hood ko at nagmamadaling pumasok doon.
Nilibot ko agad ang paningin ko sa lahat ng kwartong naroon hanggang sa napunta na ako sa 3rd floor ng building. Konti pa naman ang nag-occupy doon kaya madali lang sa akin ang maghanap. Sa kakahanap ko sa mga pangalan ng kasali sa documentary show na iyon ay nakuha ang atensyon ko sa nag-iisang pintuan doon. Agad ko naman itong nilapitan. "Unauthorized person not allowed – guests of 'Flower Boy Band'. Eto na nga ang kwartong iyon!" lumingon-likod muna ako at nagmasid baka may makakitang tao sa akin. Nung sigurado na akong walang taong nakatingin ay dahan-dahan akong pumasok sa kwartong iyon. Halos malaglag ang panga ko nung makita ko ang kwartong iyon. Teka, hindi ito kwarto eh! Bahay ito bahay!
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad kong tinignan ang mga pangalan sa pintuan. "Room 1 – Jinyoung and JB," lumipat naman ako sa katapat na kwarto ng pintuang iyon. "Room 2 – Sungyeol and Eunwoo," lumipat ulit ako dun sa kwartong malapit sa may veranda. "Room 3 – Jungkook and Taehyung/V," lumipat ang paningin ko do'n sa nagkahiwalay na kwarto. "Room 4 – Baekhyun – ayun!" nagmasid ulit ako sa buong paligid tsaka ko dahan-dahang pinasok ang kwarto.
Mahinang yabag lang ang ginawa ko para wala talagang makarinig at tahimik kong hinanap ang cellphone ko. Dahan-dahan kong nilapitan 'yung mesa n'ya na may nagkalat na music sheets, mga lapis, earphones, headphones at isang electric keyboard pero wala akong nakitang cellphone doon. "Sa'n ba n'ya nilagay ang cellphone ko? Nilimliman n'ya ba 'yon? Naku naman!" tahimik kong nilibot ang buong paligid pero wala parin doon.
BINABASA MO ANG
The Korean Boys are into Me [PUBLISHED UNDER LE SORELLE PUBLISHING]
FanfictionWala talagang interes sa Korean Pop si Ayumi. Kung ano ang ikinabaliw ng kanyang best friend na si Lynne ay s'ya namang disgusto n'ya sa K-Pop. Ewan ba n'ya kung bakit hindi n'ya kayang ma-attract sa mga gwapo at talented na tulad nila. Bakit pa s'y...