CHAPTER 3( 제3장 )
Nakatitig lang s'ya sa akin ng mga sandaling iyon at eto naman ako at na-freeze sa harap n'ya. Napakagwapo n'ya pala talaga sa personal. His dark-brown chinky, monolid eyes that can make a woman melt when he stares. His eyebags really suits his eyes and even his eyebrows. I find his eyes gorgeous with those thin eyeliners. His nose is long and slightly pointed and it really suits his face. His thin, kissable pink lips and his smile that shows his cute teeth. His hair is messy, but it really suits him a lot. Overall, there's a piece of artwork carved by angels in front of me.
"Ya, Agassi," napakurap ako nung bigla s'yang magsalita.
"Eh?"
"Too fascinated with my face? I bet you're now regretting for calling me a poser," my eyes snapped open when he chuckled. Asdfghjkl! He reminds me of the shit I've said!
"Baekhyun-hyung! Baekhyun-sunbae!" nabosesan ko ang mga kasamahan n'ya kaya bago pa nila kami maabutan sa ganitong posisyon ay tinulak ko s'ya at tumakbo palayo sa kanya. Agad akong nagpunta sa comfort room at doon nagtago.
Agad kong hinimas ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay anytime pwede akong mag-hyperventilate at sumabog na parang bomba. Bakit ang malas-malas ko sa linggong ito?! At isa pa, hindi naman ako isa sa mga teenagers na baliw na baliw sa kanila pero bakit nagtatagpo ang mga landas namin where in the first place ay hindi naman ako interesado sa kanila!
Nung maramdaman ko na kumakalma na ang buong sistema ko ay lumabas na ako sa cubicle at naghilamos. Pakiramdam ko kasi ay pulang-pula parin ako dahil sa pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa nangyari kanina. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at umiling. Agad na rin akong nagpunas ng mukha at lumabas roon tsaka pumunta sa classroom.
Natigilan na lamang ako sa paglalakad nung mapansin kong maraming taong nakaantabay sa labas ng classroom ko. Pero dahil wala akong interes makipag-showbiz sa mga nando'n ay minabuti kong makipagsiksikan doon para makapasok sa loob. Pero nagsisisi talaga ako kung bakit ako nakipagsiksikan para pumasok sa classroom agad-agad. JUSKO! ANO'NG GINAGAWA NI BAEKHYUN DITO?!?!
"Hello, everyone!" napatingin naman agad ako sa lalaking nasa tabi ko. Maputi rin s'ya at gwapo at mukhang nasa mid 20s na s'ya. Sa itsura pa lang at sa mga mata n'ya ay Koreano'ng Koreano. May mga kasama rin s'yang may dalang camera at microphone 'yung parang sa pelikula? At mukhang ang dalawang kasama n'ya ay pawang Pilipino. "We need a shot of Baekhyun, V and JB in this class so please cooperate."
Rinig na rinig at kitang kita ko rin ang mga pigil na tili at kilig ng mga babaeng kaklase ko. Kahit naman siguro K-Pop fan ka o hindi ay kikiligin ka talaga kung ganito ka-gwapo ang mga kaklase mo. Pwera na lang sa'kin dahil hindi naman nila ako fangirl.
Teka... 'di ba pito sila? Asa'n 'yung iba pa? Magkahiwalay silang lahat ng klase?
"Sit properly now everyone!" napatingin naman sa gawi ko 'yung lalaki. S'ya ata ang director o ang producer? "You. You go now to your chair. Hurry up," bahagya naman n'ya akong tinulak palayo sa kanya. Napa-kagat-labi ako sabay hawak nang mahigpit sa strap ng bag ko saka dahan-dahang pumunta sa upuan ko. Pumikit ako nang mahigpit at bahagyang umiling saka ako umupo nang tahimik sa upuan ko.
"Hah. It's a small world," napatingin agad ako sa gawi n'ya. Nagulat na lamang ako nung salubungin n'ya ang tingin ko. "Tto manna neyo. We meet again, Ayumi-ssi."
Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya at napapikit ng mariin. Sinagad ko na talaga ang kamalasan ko sa linggong ito dahil bukod sa kaklase ko ang isang 'to ng tatlong buwan, seatmate ko pa talaga s'ya! Oh lupa, utang na loob lamunin mo na ako! "Kapag minamalas ka nga naman o?"
BINABASA MO ANG
The Korean Boys are into Me [PUBLISHED UNDER LE SORELLE PUBLISHING]
FanfictionWala talagang interes sa Korean Pop si Ayumi. Kung ano ang ikinabaliw ng kanyang best friend na si Lynne ay s'ya namang disgusto n'ya sa K-Pop. Ewan ba n'ya kung bakit hindi n'ya kayang ma-attract sa mga gwapo at talented na tulad nila. Bakit pa s'y...