Prom Night

75 0 0
                                    

Nalalapit na naman ang prom ng mga 4th year highschool sa school ni Mich. Hindi tulad ng ibang school ang school nila Mich ay 4th year lang ang may prom night. Kaya wala silang ibang kasama kundi kapwa nila 4th year lang.

Dahil nga sa 3rd year lang si Drew ay hindi niya inisip na makakapunta si Drew doon. Kaya kahit na malungkot ay pinilit ni Mich na maging masaya para hindi boring ang prom nila. Ngunit habang kumakain sila ay may napansin si Mich na isang lalaking paakyat sa itaas kasama ang iba pang 3rd year student ng kanilang school.

"oi!"

"ano bakit Mich?"

"kilala ko yun aa.."

"sino saan?"

"anyun oh!" sabay turo kay Drew

"ayieeee...."

"bakit?"

"bakit nandito yun?"

"ewan ko..."

Habang ang iba ay nagsasayawan na ay si Mich ay na upo pa din ayaw niyang makipag sayaw danga tinatamad siyang tumayo. Habang siya ay nakaupo ang kanyang mga kaibigan ay kausap si Drew na kababa lang galing sa itaas.

"oi ! Drew..."

"oh Joy..."

"kamusta? " tanong ni Renz

"ayos lang naman.."

"saan si Mich?"

"aa.. ayun oh.." sabay turo kay Mich

"puntahan mo na.."

Habang nakikipagusap ang mga kaibigan niya kay Drew sya ay paikot-ikot lang upo tayo upo tayo lang si Mich, na para bang hindi mapakali.

"nasaan kaya si Drew?" tanong ni Mich sa sarili

"sana kahit hindi sya pwede isayaw niya ko..."bulong pa niya sa sarili.

Muling bumalik sa pagkakaupo si Mich dahil sa masakit na ang kanyang paa dahil sa high heels niyang sandals. Nagulat si Mich sa muli niyang pagupo ay biglang dumating si Drew at si Renz. Habang nakaupo si Mich ay kumuha ng upuan si Renz at itinabi kay Mich.

"sige na.. tabihan mo na.."

"huh? ano gagwin ko...?"

"kanina ka pa niyan inaantay.. dali na.."

"huh? anu sasabihin ko ?"

At nang nag iba ang music ay umakyat muli si Drew sa itaas. Ilang beses muna nagpabago bago ang music at muling bumaba si Drew, at sa muli niyang pagbaba ay nilapitan niya si Mich sabay sabing

"Tara.."

"saan??"

"isasayaw na kita.."

"huh? weh ? di nga?"

"hind ! joke lang..."

"huh?"

"tara na..."

At sumayaw na nga ang dalawa. Hindi matignan ni Mich si Drew sa mata kaya kinakausap niya di Drew habang nakayuko.

"hindi ako marunong magsayaw..."

"ano ba ginagawa natin?"

"sumasayaw.."

"oh.. sundan mo ko aa.."

"sige.."

"Kaliwa...kanan..."

"Likod....."

"abante...:'

"ikot..."

Habang sumasayaw sila ay may mga ilang kaibigan si Mich na kaibigan din ni Drew ang nakapansin.

"oi !"

"bakit?"

"bakit nandito ka?"

"bawal ka dito aa.."

"bakit masama?"

"oi ! Jane bayaan mo nga sila... moment nila ee..."

At matapos ang ilang minuto ay natapos na ding magsayaw ang dalawa.

Pangarap Lang Kita(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon