Kaya pa naman

79 0 0
                                    

Sumapit na lahat ng event ilang linggo na lang  Foundation Week na naman. Magiging busy na naman ang lahat. At magiging busy na naman sila Mich at si Drew. Mga magtatanghal para concert at stage play.

Hindi na iba kay Mich ang pullout masaya nga sya pag napu[ullout sya dahil makaksama na naman niya ng barkada niya at lagi niya makikita si Drew kahit na hindi na sya nito kinakausap.

Tanging hanggang pagmasdan lang sa malayo ang kaya niyang gawin dahil alam niya namang hindi sya gusto ni Drew.

"ang cute niya talaga..."

"ikaw talaga ... huwag mo na kasi titigan... naku sige ka ! matunaw yan..."

"hahah sira... masaya na nga ako ganun lang...basta makita ko lang siya.."

"bakit ba kasi siya pa... madami namang gwapo dito sa school.. tsaka maganda ka naman..."

"che ! maganda ! ako maganda?"

"oo kaya !!!"

Ang tanging nagpapalakas ng loob ni Mich ay ang kanyang kaibigan ang Panginoon at si Drew. Sa mga iyon sa humuhugot ng lakas ng loob para magawa niya ng maayos ang performance niya.

"haha grabe ! pakapalan na ng mukha pag sinayaw natin 'to !" sigaw ni Mich

"haha tama ! hindi ko kay ginagawa ang ganitong klase ng sayaw !!!"

"pero gagawin ko 'to para lang sa concert dahil kay Drew gagawin ko 'to..." bulong ni Mich sa sarili.

Sumapit na nga ang concert at lahat ng ipinakita ni Mich ay para kay Drew lahat ng effort pagod lahat idenidedecate niya kay Drew na alam niyang malaki ang kanyang kasalanan, at malaki ang kanyang paghanga at pagmamahal para rito.

Nung mismong concert nakita niya si Drew masayang nanunood, kahit na sa malayo masaya n syang makitang masaya si Drew.

Sumapit na dina ng Stage play nila Drew at si Drew ang Bida. Nugnumpisa masaya pang nanunuod si mich ngunit naiyak si Mich sa isang scene na may stage kiss at kayakap si Drew.

"oi Mich... stage kiss lang yun..."

"oi mich..."

"Mich..."sabay niyakap ni Nikki si Mich.

"nakakinis bakit ba ako ganito..." habang patuloy pa rin sa sa pagiyak.

"Mich...tahan na wala lang yun.."

"kaya ko pa naman..."sambit ni Mich

Pangarap Lang Kita(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon