Stage Play at Concert

106 1 0
                                    

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang Foundation Week. At ang unang papanuorin ng mga estudyante ay ang Stage Play ng teatro. Marami ang excited sa Stage Play lalong lalo na si Mich. Ang mga ka choir ni Mich ang naging kasama niya sa panunuod ng play.

"ate Mich.."

"oh bakit ?"

"sino dyan yung crush mo ?"

"haha wag mo nang alamin... :"

"yun ba yung babakla bakla?" sabay turo kay Drew.

Natahimik na lamang si Mich at mamaya lang ay muli na naman siyang lumuha habang seryosong pinapanuod ang play.

"bakit na naman ako umiiyak?"tanong ni Mich sa sarili habang pinapahid ang kanyang mga luha.

Matapos ang play ay agad silang nagtayuan para sa kanilang paguwi. Pero si Mich ay hindi maalis ang paningin kay Drew. 

"ate Mich tara na..."


Maagang umalis ng bahay si Mich para kanilang paghahanda sa kanilang kanta sa concert. Dumating si Mich ng alas dose ng tanghali sa kanilang eskwelahan. Habang papalapit ng papalapit ang oras ay lalong kinakabahan si Mich.

Pagpatak ng alassais ng gabi ay nagsimula na ang nasabing concert. Unang umakyat sa stage ang mga sasayaw na dance company, at sinundan ng koral. At nagpapalitpalit lang sila. At ng matapos na ang lahat ay sinundan na sila ng mga sikat na banda sa Pilipinas.

Ala una na natapos ang concert. sabay sabay nagsilabasan ang mga estudyanteng nanuod at mga estudyanteng nagtanghal.Sabay-sabay umuwi ang mga koral.


"ate Mich ! tara dito na tayo wala na kasing jeep ee.. kung mag-aantay tayo baka abutin na tayo ng alas dos.."

"oo sige tara na..."

Nagulat si Anne nang nakita niya si Drew. At agad niya itong sinabi kay Mich.

"ate Mich... " sabay turo kay Drew na kasabay pala nila sa jeep.

"aa.." tanging nasabi lang ni Mich

Malapit nang bumaba si Drew. Lahat ay nagbabye kay Drew maliban lang kay Mich.

"oi guys babye... Mich !! " paalam ni Drew

"po?"

"una na ako aa.." dagdag pa ni Drew

Lahat ay nagtinginan kay Mich sabay-sabay pa nagtanong.

"kilala mo si Drew?"

Pangarap Lang Kita(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon