Program

114 0 0
                                    

Simula nun ay laging magkatext ang dalawa arw gabi kahit sa pagpasok magkatext pa din sila. Sinabing may Gusto daw si Drew kay Mich pero pilit na dinedepensahan ni Mich iyon at sinasabi niyang imposible yun may syang gusto.

Laging pinapadaanan ni Mich si Drew sa mga GM niya,na pinaparinig na may gusto na sya kay Drew kaya isang araw, uwian na nila noon napadaan si Mich, Kevin at Marie sa classroom nila Drew.

"Mich !" tawag ni Drew

"po?"

"halika nga !"

"bakit muna?"

"basta halika na.."

Ngunit hindi lumapit si Mich, at lumakad na nga sila paalis pero bago pa makalayo si Mich hinawakan ni Drew na mahigpit si Mich sa braso nito saby tanong

"teka lang may itatanong lang ako.."

"ano ba Drew ! masakit..."

"wait lang may itatanong langa ako promise..."

"ano yon?"

"ako ba yung nasa mga GM mo?"

Natigilan si Mich at napatitig lamang sa mga mata ni Drew. At unti-nuting tinatanggal sa pagkakakapit ang mga kamay ni Drew.

"ano ako ba yun?"

""anu ba Drew !" sabay takbo.

Ilang Linggo ang lumipas ay minsan nalang nagkakausap si Mich at Drew. At sumapit ang isang program sa kanilang school. at lahat ng estudyante ay pinaakyat sa gym para sa pagsisimula ng program.

Hinanap ni Mich si Drew pero wala syang nakita kahit aninag nito. Akala ni Mich ay absent si Drew. Dahil hindi niya nakita si Drew ay inaya niya ang mga kaibigan niya na bumaba para bumili ng makakain.


"oi tara baba tayo.. bili tayo pagkain... wala pa naman ee.. hindi pa naman nagsisismula yung program.." yaya ni Mich sa mga kasama

.

At sa pagbaba nila nakita nila ang mga Teatro na nagpapractice para sa kanilang special short play sa program. Ang hindi alam ni Mich ang anyang hinahanap na si Drew ay nandoon lamang.


"nasaan kaya sya?" tanong sa isip ni Mich

"hmm..."

At sa pagakyat nila ay nagsimula na ang program. May kumanta, sumayaw at kung anu-ano pa. At ng tinawag na ng host ang Teatro ang lahat ng estudyante ay nagsitayuan para makita ang mga Teater Member na nandoon.


"wohooo !!!!!!"sigaw ng ilang estudyante

"ano yun?" tanong ni Mich kay Kevin sabay tayo

"aa yung Teatro.."sagot ni Kevin

"patingin nga..."sabay tingkayad para makita ang mga nagtatanghal

Nagulat si Mich nang nakita niya doon si Drew, Lahat ng estudyante ay naghiyawan ng nagkaroon ng stage kiss si Drew sa isang lalaking member ng Teatro.


"oi si Drew yun aaa...!!" sigaw ni Mich

"yan ba yung Drew na sinasabi mo?" tanong ni Robert

"oo sya yun.." biglang natahimik at natulala

Hindi namamalayan ni Mich na may kung anong tumuulo galing sa kanayang mata habang sya ay nanunuod.

"oi ! tol bakit ka umiiyak?" tanong ni Kevin

"aa wala to hindi naman ako umiiyak ! napuwing lang ako noh !!" pagtanggi ni Mich sabay pahit sa kanyang mga amat.

Dahil sa pagtatanghal na iyon ay nagkaroon ng sabi-sabi na bakla raw si Drew dahil nga sa stage kiss na iyon.

Pangarap Lang Kita(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon