UR - 22

27 1 0
                                    

x Seb x

Gumising kaming apat ng maaga dahil ihahatid namin si Edward sa airport , nag empake na si Edward habang si Marco nanghiram ng kotse . Tama ba itong gagawin ni Edward?. Na takasan nalang si Mena?. Linapitan ko si Edward "Sure ka na ba dyan bro?." tanong ko sa kanya .

"Oo bro para hindi na sya masaktan pa ." Sabi nya at nag patuloy sa pag empake ng mga gamit . "Basta wag nyong sabihin kila Sarah na umalis ako ." dagdag nya pa . Nandito na si Marco at dahan-dahan namin kinuha ang mga bagahe ni Edward . Sumakay na kami sa kotse ang tahimik naming apat syempre aalis na si Edward kaming tatlo nalang .

Maya-maya lang nakarating na kami , ibinaba namin ni Ken yung gamit ni Edward habang nag-uusap sila ni Marco . "Basta if you change your mind call us ." Sabi ni Marco .

"See you nalang sa manila bro!." Sabi ni Ken at nag fist pump sila sumali na din kami ni Marco . "Basta tumawag ka o mag text ka man lang sa amin ." Sabi ni Ken at tumawa lang si Edward . Nag paalam na si Edward at pumasok na sa loob , sumakay nalang din kami sa kotse pa balik dun sa camp .

x Edward x

Nandito na ako sa airport habang hinihintay pa yung flight ko . Mas mabuti ng ganito Edward para hindi na sya masaktan , baka malaman na nya ang totoo kung sekreto . Ayaw ko nna syang masaktan kaya ako na mismo ang lumayo dahil kasalanan ko din naman . Habang papasok ako sa loob may nakabanga akong isang babae . "Sorry Miss!." Sabi ko at nakita kong umiiyak yung babae . "Ok ka lang?." Tanong ko at umalis lang sya . Anyare dun?!. Baka nag break sila ng boyfriend nya . Paalam Mena sana masaya ka na .

x Ken x

Nakabalik na kami sa camp nakakalngkot talaga kapag wala si Edward . Kulang na ang mga gwapo dito . Lumabas muna kami ni Seb para bumili ng junk foods walang magawa since umalis na si Edward , Nagpa iwan lang si Marco siguro naging emotional hindi kasi kumikibo .

"Tama ba yung desisyon ni Edward?." Tanong ni Seb sa akin , habang naglalaro ng COC (Clash of Clans) . "Para kasing nagdalawang isip sya ." Dagdag nya pa . Tama ba kaya ang ginagawa ni Edward?.

"Ang alin yung umalis  nalang si Edward ng walang paalam?." Tanong ko din sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen at tumango si Seb .

"Anong umalis?!." Muntik ng mahulog ni Seb ang phone at napatingin sa akin . Dahan-dahan kaming napatingin sa nagsasalita , si Ash at Jevy . Nagtinginan lang kami ni Seb patay tayo !. Ayan kasi Seb nag topic ka bigla !. "Sino ang umalis?!." Tanong ni Ash na nakataas ang kilay .

"Ikaw na ang mag sabi ." Sabi ko kay Seb at siniko ko sya . Patay tayo kay Ash !. Hindi tayo titigilan nyan hangga't hindi namin sya nasasagot .

Unforgettable Romance [On-Going]Where stories live. Discover now