40 ; celes

388 63 6
                                    

C E L E S

Friday | 6:10 am

Tumatakbo na ko papunta sa library dahil late na 'ko sa usapan namin.

Ang aga kasi eh tapos puyat pa ko kaya na-late rin ng gising ;;

'Di pa ko nakapag-suklay kaya habang natakbo ako may dala akong suklay kaloka!

Nang nasa tapat na ko ng library ay tumigil na 'ko at huminga muna ng malalim bago pumasok.

Pagkapasok ko ay hinanap ko agad ang pwesto ng bebe q at paglingon ko sa left side ay nakita ko s'ya na nakatayo at nakatingin sa 'kin habang nakataas ang kilay tapos tinuturo n'ya pa ang orasan n'ya.

Nagkamot naman ako ng ulo at lumapit sa kanya.

"Sabi ko 6:00 diba? Anong oras na chaka? 6:15 na gosh!" nagkamot naman ako ng ulo at saka nagsuklay.

"Sorry bebe q!"

"Ano ba naman 'yang buhok mo ba't ganyan? Para kang ni-rape ng sampung beses! Akin na nga 'yang suklay mo!" malakas n'yang sabi sa 'kin kaya naagaw namin ang atensyon ng nagbabantay.

"Kung mag-iingay lang kayo pwede bang lumabas nalang kayo?" sabi ng nagbabantay.

"Sorry po." sabay naming sabi ni bebe q saka nag-bow as a sign of respect.

"Do'n tayo sa dulo para 'di masyadong rinig ang ingay natin." sabi n'ya saka kinuha ang libro sa mesa at hinila ako sa braso.

Ano ba 'yan, paghawak palang ni bebe q sa braso ko iba na epekto sa 'kin paano nalang kaya kung sa kamay na omaygat!

Nang makapunta na kami sa dulong part ng library na malayo na talaga sa pwesto ng nagbabantay ay pinatong ko na ang bag ko sa lamesa.

"Akin na suklay mo." utos n'ya sa 'kin kaya binigay ko nalang sa kanya.

Nagulat naman ako sa sunod n'yang ginawa dahil sinuklayan n'ya 'ko at inaayos n'ya pa 'yung bangs ko gamit ang kamay n'ya.

"Ano ba naman 'tong buhok mo chaka, ang tigas ha? Mag-conditioner ka kaya eh 'no?" tumango nalang ako sa sinabi n'ya dahil wala talagang salitang nalabas sa bibig ko.

Hindi naman kami sobrang lapit sa isa't-isa pero pakiramdam ko sasabog na 'ko sa sobrang kilig anytime dahil magkaharap kami.

Nang matapos n'ya kong suklayan ay inayos n'ya nalang ang bangs ko. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nagtama ang patingin namin.

30 seconds din ata kami nagkatitigan hanggang sa s'ya na ang umiwas ng tingin at ginulo ang bangs ko.

"Ays, maupo ka na nga para ma-review na kita at baka ma-late pa tayo sa klase natin mamaya." sabi n'ya saka naupo.

Inayos ko nalang ang bangs ko at umiling saka naupo na rin.

"So, let's start."

Tinuro n'ya na sa 'kin ang kung ano-ano at ako naman ay nakinig ng mabuti kahit na nadi-distract ako kay bebe q! Pero tama na muna ang kalandian dahil grade ko na ang nakasalalay dito.

"Go, solve it. " utos n'ya sa 'kin kaya wala na 'kong nagawa kundi magkamot ng ulo at mag-solve nalang.

Habang nagso-solve ako, napansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin s'ya sa 'kin. As in sa 'kin, hindi sa paper ko.

Bigla naman akong tumingin sa kanya kaya napaiwas s'ya ng tingin at kunyari ay sa papel ko s'ya tumitingin.

Ngumiti naman ako ng napaka-lapad at sinundot ang tagiliran n'ya.

"Ikaw bebe q ha! May pasulyap-sulyap ka na sa 'kin ha?" pabiro kong sabi pero kinikilig talaga ako.

"Ganda kasi ng labi mo." napalaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya.

"Nai-inggit tuloy ako." -'yun lang, dapat 'di n'ya na dinugtungan eh.

Dapat ang dinugtong n'ya nalang, "Ganda kasi ng lips mo, bagay sa lips ko." oh diba?

"Mag-solve ka na nga d'yan!" sabi n'ya kaya nag-solve nalang ako habang nakasimangot.

Ilang oras pa ay bigla nalang s'yang nagsalita.

"Gosh, we're late na! Mamaya na lang ang continuation ng pagiging tutor ko sa'yo chaka! Tara na bilis!" linagay n'ya na sa bag n'ya 'yung libro at papel na ginamit ko saka tumayo na. Tumayo na rin ako at linagay ang bag ko sa likod ko saka sinabayan na si bebe q sa paglalakad.

Nagtataka nga 'ko dahil 'di n'ya binibilisan ang paglakad. Parang normal lang ba? 'Yung parang hindi naman kami late?

Umiling nalang ako at hindi nalang din inalala na late kami dahil first time ko lang naman na ma-late eh kaya 'di ako masyadong papagalitan saka may dahilan naman kami na matino.

Nang makarating na kami sa tapat ng room ay dahan-dahang binuksan ni George bebe q ang pinto.

"Sorry po, we're late." sabay naming sabi ni bebe q at 'yung mga classmate naman namin ay nagbubulungan.

Nagtataka siguro sila kung bakit magkasama kami ni bebe q ngayon.

"Go to your respective seats now, lovers." sabi ng adviser namin na nagpakilig naman sa 'kin tapos 'yung mga classmate ko naman inasar kami.

"Close na close na talaga kayo! Fafa ka na talaga, George!" malanding pagkakasabi ni Jasper.

"Che!" sabi naman ni George at naupo na.

"Akalain mo 'yun, gumana na ang kagandahan mo Miss Hernandez." sabi ng adviser namin at tumawa pa. Napayuko nalang ako sa hiya at pumunta na sa upuan ko saka naupo.

Si Maxy naman ay kakaiba ang tingin sa 'kin na parang nang-aasar.

"Kayo ha!" sabi n'ya sa 'kin at nag-thumbs up pa.

-

My feelcxz while writing this, gosh ❤ Nga pala, nakakita ako ng fancam ng portrayer ni Celes at George 😂 Natatawa ako ewan ko ba 😂 Ewan ko kung paano ako napadpad do'n HAHAHAHA 😂 Nando'n sila sa iisang fancam HAHAHAHA 😂 Sa susunod na part ko nalang ia-attach 'yung screenshot, lmao.

PS: Random lang talaga ang pagpili ko ng partner ni Jimin dito sa story para maiba naman diba?

Hi Bebe Ko ¦ p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon