50

359 58 2
                                    

unknown number is calling...

decline | answer

"Sino po sila?" tanong ni Celes sa kabilang linya habang nakahiga sa kama.

"Gaga, ako 'to! Kaloka ka talaga!" umiiling na sabi ni George habang nakaupo sa kama niya.

"OMG?! Hi bebe ko!" masayang-masayang sabi ni Celes saka napatayo sa pagkakahiga.

"Ang ingay ha! Gabing-gabi na oh?" inis na sabi ni George.

"Ikaw lang naman ang nakakarinig eh!"

"Kahit na 'no! Naka-earphones kaya ako!"

"Ay, sorry bebe ko!"

"Gawa mo?"

"Matutulog na sana pero tumawag ka bigla."

"Edi sorry na!"

"Ano ka ba bebe ko! Okay lang kaya! Ikaw naman 'yan eh hihi!" sabi no Celes habang nagpapa-padyak pa sa sobrang kakiligan.

"Nakakakilabot talaga 'yang hihi mo 'pag sa bibig mo talaga mismo lumabas." sabi ni George at pasimpleng ngumiti.

"Kantahan nalang kita, you want?"

"Sige lang para umulan."

"Grabe ka bebe ko! Pero ito na, han mari gorae nan pingkeu bit bada wie!" ngiting-ngiti so Celes habang kinakanta ang Liar Liar ng Oh My Girl.

"Tapos ka na? 'Yun na 'yun?"

"Oo bebe ko! Ang cute diba?"

"K nalang!"

"I love you bebe ko!"

"Ewan ko sayo." umirap sa hangin si George at lihim nanaman na napangiti.

"Ba't mo ba ko tinawagan?" kinikilig na tanong ni Celes.

"Gusto ko lang marini- I mean wala lang pala!" biglang napatayo si George dahil nagulat siya sa muntik niyang masabi. Kinagat niya ang labi niya saka ginulo ang buhok.

"Ha? Ano 'yung una mong sinabi? 'Di ko masyadong narinig."

"Wala!"

"Okay!"

"Goodnight na, save mo nalang number ko." sabi ni George habang ginugulo parin ang kanyang buhok.

"Goodnight na rin! Ise-save ko talaga!"

"Bye!"

"Bye!" sabi ni Celes saka siya binabaan ng linya ni George.

"I love you.." nakangiting sabi ni Celes kahit wala na sa linya si George.

"Sweet dreams.." ngiting-ngiti namang sabi ni George pagkababa niya ng linya.

"Wait, what the fuck?!" gulat na sabi ni George dahil hindi niya na maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya nasabi 'yon at kung bakit ba siya nakangiti.

-

edited: 07/18/2017

Hi Bebe Ko ¦ p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon