94 ; george

358 56 1
                                    

G E O R G E

Wednesday | 10:59 pm

Pinagsisipa ko ang mga bato sa lupa habang nakaupo ako dito sa duyan.

Tinignan ko ang relo ko at 11:00 pm na pala.

Huminga ako ng malalim habang nakapikit ng mariin.

Pupunta ka pa ba?

Kasalan ko rin naman 'to, kaya tinatanggap ko 'to bilang karma.

Tumingin ako sa phone ko at tinignan kung online ba si Celes sa messenger pero hindi s'ya online kaya tinago ko nalang ang phone ko ulit.

Napabuntong hininga ako at nagduyan ng dahan-dahan.

Hindi ko s'ya nakita kanina dahil 'di ako pumasok. Baka kasi 'pag nakita ko s'ya, hindi ko mapigilan na lumapit sa kanya kahit na sinabi n'ya pang ayaw n'ya sa 'kin. Baka ipilit ko 'yung sarili ko sa kanya at hindi sundin 'yung gusto n'ya.

Pero sana lang pumunta s'ya ngayon.

Umaasa ako na pupuntahan n'ya ako dito.

Napatingin ako sa langit at huminga ulit ng malalim.

Ang laki na rin ng pinagbago ko simula nung nagka-chat kami ni Celes.

Pero aaminin ko na malambot parin ako kumilos pero handa ko 'tong baguhin kung sisipot ba si Celes.

Naalala ko noong mga panahon na bina-block ko ang mga accounts n'ya tapos dumating ang araw na hindi ko na s'ya blin-lock at nakipag-usap na 'ko sa kanya at doon na lalo lumalim ang nararamdam ko.

Grade 9 kami no'n simula ng tinawag n'ya akong 'bebe q'.

Patapos na ang school year no'n at inamin n'ya sa 'kin na gusto n'ya ako simula palang ng Grade 7.

Noong una, ini-snob ko lang s'ya at inirapan s'ya.

Nang nag-grade 10 kami, first day of class palang binu-bwisit n'ya na 'ko at kung ano-anong pinagsasasabi n'ya sa 'kin noon.

Nang malapit na kaming magbakasyon, do'n na s'ya nagsimula na bulabugin ako sa facebook.

Noong una, 'di ko pinapansin pero ng kalagitnaan na ng school year, do'n ko na pinagba-block ang accounts n'ya dahil ng mga panahon na 'yun, may iba na 'kong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag.

Pero ngayon, alam ko na kung ano 'yun.

Oo, nagustuhan ko na s'ya noon pa mang hindi pa kami nagcha-chat.

Pero mas lumalim ang nararamdaman ko simula ng naka-chat ko na s'ya sa pang-siyam n'yang account.

'Di ko na napigilan ang sarili ko no'n at nagsimula na s'yang i-chat.

Sa una palang alam ko na talaga na s'ya 'yung 'Kenneth' dahil nakalimutan n'ya atang i-private ang email n'ya.

'Yung email n'yang gamit ay nakapangalan sa kanya.

Chinat ko s'ya no'n ng "Hi po, hihihi. Thanks for the add 😊"

At doon na nga nagsimula ang lahat.

Kunyari interesado ako sa pinsan n'ya at kunyari ay naiinis ako sa pinagcha-chat n'ya pero deep inside, napapangiti ako.

Do'n ko na s'ya minahal pero hindi ko pa natanggap sa sarili ko hanggang sa natauhan nalang ako ng pagselosin ako nila Vincent.

Siguro nga mas mahal ko pa si Celes kaysa sa pagmamahal n'ya sa 'kin eh.

Tinignan ko ulit ang orasan ko, 11:40 pm.

6 hours na rin pala akong naghihintay dito.

Celes, pupunta ka pa ba? Kasi patuloy parin akong umaasa.

Marami akong gustong sabihin sa kanya sa totoo lang.

Aaminin ko ang lahat, lahat-lahat.

Pero malabo na atang masabi ko sa kanya dahil mukhang hindi na s'ya pupunta.

Napabuntong hininga ako at tumayo na saka umalis na sa park.

-

Gets n'yo ba mga pinagsasabi ni George? If may tanong po kayo, comment lang po kayo para masagot ko agad 😊

PS: Sorry kung maiikli ang POV's, ganyan talaga 'pag epistolary, echos! HAHAHAHAHA 😂 Babawi ako sa epilogue huehue ❤

Hi Bebe Ko ¦ p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon