25 ; celes

437 61 1
                                    

C E L E S

Wednesday | 09:15 am


Nakatingin lang ako kay George bebe q na nakatungo ngayon sa desk n'ya. Pinagod ko kasi s'ya kagabi kaya dito s'ya nabawi ng tulog ahue.


Jowkxz

Habang pinagnanasaan ko si George bebe q na natutulog, may biglang papel na humarang sa mukha ko kaya agad ko itong hinawi.

Taena, nahaharangan kaya ang view ng bebe q!

"Ay, ayaw kunin?!" pagtataray na sabi ni Jasper na Jasmine raw sa gabi, pwe!

"Ano ba 'yan?!" pagtataray ko rin sa kanya with matching taas kilay pa.

"Papel mo sa math." sabi n'ya at tinapat nanaman sa mukha ko 'yung papel.

Napakunot noo naman ako at kukunin ko na sana ang papel kaso inagaw sa 'kin 'to ni Maxy.

"Wao bes, 10 out of 10 ka dito? Ang galing mo sa math!" sabi n'ya pero halatang sarcastic ang pagkakasabi n'ya no'n.

Edi ako na talaga ang hindi magaling sa math, potang 'to ;;

Kinuha ko kay Maxy ang papel at tinignan 'tong mabuti.

Gusto kong maniwala kay Maxy na si bebe q nga ang gumawa nito kaso baka masaktan lang ako sa huli at mapahiya pa.

Pero sanay naman akong mapahiya, ako pa? Eh lagi nga 'kong pinapahiya ni George sa pipol.

Pero ibang usapan na kasi 'to eh at baka mamaya masabunutan ako ng bebe q huehuecxz ;;

"Celestina?" biglang sabi ni Jasper.
Ay? Nandito papala 'tong bading na 'to?

"Oh bakit?"

"Ang galing mo!" maarteng pagkakasabi n'ya with matching hawi pa ng bangs.

"Sa math? Hindi 'no!" tumawa ako at pinatong na sa desk 'yung papel.

"Hindi sa math gaga! Basta ang galing mo dahil nagagawa mo na 'yung gano'n!" Jasper tapos umalis na para ipamigay ang iba pang papers sa may-ari. Kumekembot pa nga ang bading eh, harot talaga.

"Anong ibig sabihin ng bading na 'yun?" tanong ko kay Maxy.

Ngumiti lang si Maxy tapos nagkibit balikat.

'Yung mga ganyang ngitian ni Maxy may meaning eh.

Tinignan ko ulit 'yung papel ng mabuti.

"Hay nako Celes, itanong mo na kasi sa kanya, wala namang mawawala sa'yo." sabi ni Maxy tapos linagay sa desk n'ya 'yung bag n'ya at kinalikot ito.

Huminga nalang ako ng malalim at tinignan si bebe q na natungo parin.

"Ay pota!" biglang sabi ni Maxy.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Glutangina mo Clyde!" biglang sigaw n'ya tapos linapitan si Clyde at inaway-away nanaman.

Hi Bebe Ko ¦ p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon